33. Flight

6.4K 310 21
                                    

ELLA

Halos lahat kami ngayon ay tulalang nakamasid sa aking matalik na kaibigan habang iniiwasan niya ang mga matatalim na palasong lumilipad sa iba't ibang direksyon para matamaan siya.

Hindi ko na talaga masara ang bibig ko dahil sa sobrang pagkamangha na nararamdaman ko ngayon. Nakakaproud talagang maging kaibigan ang isang Blaire Everett!

Sinusundan ng aking mga mata ang bawat paggalaw niya. Her movements were elegant and graceful but alert. Parang hindi siya sumasailalim sa isang pagsubok nang makita ko ang mapayapang emosyon sa kanyang mukha.

Pwede na rin siya maging mananayaw! Napapalakpak na lang ako habang nagtutumbling siya na parang wala lang. Chill lang siya at parang walang bumabagabag sa kanya.

Napatili pa nga ako nang muntikan na siyang tamaan ng isang palaso pero nakaikot naman siya kaya hindi siya natamaan. Ang galing galing talaga! How to be you po?

Natigil muna ako sa pagtitig kay Blaire nang maramdaman kong may nakatingin sa akin mula sa gilid. At sa paglingon ko ay nahuli kong nakatitig sa akin si Gale. Mabilis namang iniwas ng huli ang kanyang paningin dahil doon. Napangisi na lang ako. Caught in action!

"Galeby! Anong tinitingin-tingin mo diyan?" sabi ko sa kanya habang nakaangat ang isa kong kilay. Napansin ko rin kasing kanina pa siya pasulyap-sulyap sa aking direksyon.

Then, biglang may nagsink in sa akin. OMG! Gumana na ba ang charms ko sa kanya? May pagtingin na ba siya sa akin? Is this really happening?

Pilit kong tinatago ang aking kilig pero trinaydor naman ako ng aking sarili nang biglang namula ang aking pisngi. Ano ba kasi! Nakikilig na ako.

"Hindi kaya ikaw ang tinitignan ko," rinig ko namang pilyong sagot nito sa akin na may kasama ring ngisi. Bigla namang nawasak si Hearty dahil doon. Ouch, ang sakit!

"Eh sino naman? Aba, palusot mo kuya!" wika ko na lang sa kanya habang tumatawa pero deep inside ay malungkot. Torpe ka ba talaga o assumera lang talaga ako? Help me!

Hindi na ulit nagsalita si Gale at itinuon na lang niya ang kanyang paningin niya sa harap. Habang nakatitig siya roon ay ako naman ngayon ang nakatingin sa kanyang mukha. Biglang lumakas ang tibok ni Hearty nang makita ko ang nakakaakit niyang mga mata, ang matangos niyang ilong, at ang perpekto niyang pagkatao, both inside and out. I'm really attracted to him.

At nang mapadako ang aking tingin sa kanyang mga maninipis na mga labi ay halos magwala na si Hearty dahil sa sobrang kilig. Malambot din kaya ang mga ito?

Mentally, I slapped myself. Kung ano ano na ang naiisip ko. Umayos ka, Ella! Pero mas lumala pa nga iyon nang makita ko ang pagkurba ng kanyang mga labi at unti unting naging isang ngiti. At ako na ngayon ang nahuli niyang nakatingin sa kanya.

"Baka matunaw na ako sa kakatitig mo, Ella. Kaunti na nga lang kaming pogi tapos mawawala pa ako," pahayag naman ni Gale at nagulat naman ako dahil may tinatago pala siyang kayabangan.

Pero nakabawi naman kaagad si lola niyo! Game na game kaya ako sa mga bangayan!

"Laking pasasalamat ko pa nga dahil mababawasan na ang bilang ng mga mahahangin at feelingero sa mundong ibabaw!" sagot ko sa kanya pagkatapos kong burahin ang bakas ng aking pamumula.

"Ay grabe ka. Edi wala nang kukulit sa iyo. Mamimiss mo naman diba ako?" tanong niya sa akin at bumigay na talaga si Hearty pagkakita ko sa mga nangungusap niyang mga mata. Sa lakas ng kabog ng aking puso ay parang may nagkakarerahang mga kabayo sa loob nito. Uminit ulit ang aking pisngi at sa pagkakataong ito ay narinig ko na rin ang pagtawa ni Gale. Pero kahit ang pagtawa niya ay musika na sa aking tenga.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now