52. Enlighten

3.6K 220 103
                                    

I used up all of my spiritus energy to teleport me far away from Zara. Nang tuluyan nang naubos ang aking lakas ay naramdaman ko ang pagluwa ng lupa sa akin. Napaluhod ako habang patuloy pa ring umiiyak. My hands were curled on top of my knees. Different emotions were swirling inside of me, making me feel so weak and powerless.

Why am I always a slave of my emotions?

Nakayuko ako ngayon pero naramdaman ko ang mabilis na paggalaw ng isang tao papunta sa aking harapan. And I know that a sword is now pointing at my head.

I was ready to fight. I wouldn't waste Zara's efforts. Dumidilim na ang aking paningin dahil sa tindi ng nararamdaman ko ngayon. Pero parang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig nang marinig ko ang boses niya.

"Blaire?"

Binawi na ng lalaki ang espadang itinutok niya sa akin at inilagay iyon sa kanyang scabbard. There was a still healing scar on his right cheek. Mukhang napalaban din siya dahil sa hitsura niya ngayon.

I just remained on the ground as tears continued rolling down my face. Hindi ba ako nauubusan ng luha? Ipinanganak ba ako para umiyak na lang at umiyak?

Nakita kong napaluhod si Raiden sa tapat ko. Nakita ko na parang nagdadalawang-isip siya pero sa huli ay hinila niya ako palapit sa kanya. He leaned my head on his broad chest. He began stroking my hair but I can feel that he's uncomfortable. Of course, I'm a total stranger to him. But I'm happy because he's trying his best to console me.

Sa bawat paghaplos niya sa aking buhok ay nakaramdam ako ng antok. My eyelids started to close as my breaths became even once again. Hinayaan ko na ring lamunin ako ng kadiliman pagkatapos.

_____

I woke up to find out that Raiden was carrying me. Nakahawak ang mga kamay ko sa kanyang leeg habang buhat-buhat niya ako sa kanyang likuran. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil naging pabigat ako sa kanya. Lalo na at mukhang matagal din akong natulog. It was already dark now.

"You can drop me now," bulong ko sa kanya. Napalingon siya sa gawi ko pero hindi niya ako binaba.

"Don't push yourself too far. Alam kong nanghihina ka pa," sagot ni Raiden sa akin bago niya ibinalik ang kanyang paningin sa harapan. There were fireflies all around us. Mukhang nandito pa rin kami sa panahon ng tagsibol.

"Pinagdududahan mo ba ako? I could even outrun you if you let me go," pangungumbinsi ko sa kanya kaya napabuga naman siya ng hangin.

"Why are you really persistent? Kung iniisip mong nabibigatan ako sa iyo, then you're wrong. You're so thin that I almost forgot that I'm carrying someone until you spoke."

Kumunot naman ang aking noo sa sinabi niya.

"Tama ba ang pagkakarinig ko? Did you just insult me?" Naiinis kong sabi sa kanya at sinimulang magpumiglas. Hindi pa rin siya natinag kaya pinaghahampas ko na siya gamit ang aking kamay at paa. Nairita ako nang marinig ko siyang tumawa ng mahina habang ginagawa ko iyon sa kanya.

Natigilan ako nang hawakan niya ang aking mga kamao. Heat rose to my cheeks and I was lucky because Raiden couldn't see me.

"You just misinterpreted it. What I really meant was that I don't mind carrying you at all. At imbes na pagurin mo ang sarili mo sa kakasuntok sa akin, magpahinga ka na lang diyan. You need your strength back."

Dahil sa sinabi ni Raiden ay natahimik na lang ako sa likuran niya. Well he had a point. Kaya hindi na ako nagreklamo pa.

"Thank you," sabi ko na lang sa kanya at ipinikit ulit ang aking mga mata.

Napaubo si Raiden bago magsalita. "You shouldn't be here."

Nakaramdam naman ako ng mahinang kirot sa puso ko pagkatapos. "I know. If I knew that I'd lost a friend, I shouldn't have come here."

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now