II. A Walk Amongst Thorns

6.5K 317 11
                                    

Sa isang silid ay mapayapang natutulog ang isang dalaga. Sa himbing ng tulog niya ay hindi siya nagising sa mga mapaglarong huni ng mga ibong nakatira sa kagubatan. Hindi siya natinag sa bango ng nilutong putahe ng kanyang mga magulang sa baba.

Pero sa pagdaan ng simoy ng hangin ay nalipad palayo ang mga ulap na humaharang sa sikat ng araw. Radiant beams of sunlight flooded down on her, finally waking her up from hibernation.

Sa pagkagising ng dalaga ay may bakas na agad ng pagkalito sa kanyang mukha. Nagtaka siya kung bakit siya nakabalik sa bahay nila. At kung paano siya nakarating dito.

Akmang kukunin niya ang kanyang balabal sa kanyang aparador pero bigla siyang natauhan nang makaramdam siya ng init. "Kailan pa naging ganito ang temperature sa lugar namin?" napatanong siya sa kanyang sarili.

Curious for answers, she immediately headed to the balcony. Nagulat siya nang imbes mga nagyeyelong puno ang kanyang makikita ay isang paraiso ang kanyang nadatnan.

"Oh, Blaire, anak. Gising ka na pala." Naalerto bigla ang dalaga nang marinig niya ang boses na matagal na niyang gustong marinig. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng kanyang ina bago niya binigyan ito ng isang mahigpit na yakap.

"Miss mo naman ba si nanay?" natatawang pahayag ng kanyang ina habang patuloy pa ring nakayakap sa kanya si Blaire. Hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang kagalakan niyang makita ang kanyang ina.

"Nako, ang lambing talaga ng Blaire namin. Oh siya, mag-almusal na tayo. Kanina pa naghihintay ang tatay at kuya mo," wika ni Nanay Marina pagkatapos kumalas ang dalawa mula sa pagkakayakap. Pasimpleng pinahid ng dalaga ang dumaloy na luha sa kanyang kanang mata bago sumunod sa pagbaba.

"Salamat naman at nagising na ang mahal na prinsesa," bati ng isang lalaki nang makarating na ang mag-ina sa kusina. Sumilay ang isang ngiti sa mukha ni Blaire nang makita niya ang kuya niya. "Nakakamiss din pala ang kapilyuhan ni kuya," bulong niya sa kanyang sarili.

"Ang tahimik yata ng bunso namin ngayon. Masama ba ang naging panaginip mo, anak?" tanong ng ama nito sa kanya. Nanghina si Blaire nang marinig ang mahinahong boses ng kanyang ama. Hindi niya sukat akalain na makikita niyang kompleto ang kanilang pamilya sa kabila ng lahat na nangyari.

Kung panaginip man ito Tatay Alfred, sana hindi na ako magising.

"Tama na ang dramahan, kumain na tayo!"

Mabilis na bumalik ang sigla sa puso ni Blaire habang nag-aalmusal silang apat. Malakas silang nagbibiruan at nagkukwentuhan na para bang walang bukas. Hindi rin makakaila ang paglalambingan ng kanyang mga magulang kaya napapailing na lang paminsan minsan si Adam habang si Blaire naman ay walang humpay sa kakatawa at kakatukso sa kanilang ama at ina.

"Nay, ako na po ang maghuhugas ng plato," wika ni Blaire pagkatapos nilang kumain.

"Ako na lang muna sa ngayon, anak. Dahil may ipapagawa ako sa iyo," sagot ng kanyang ina habang nakangiti. Pero may nakitang bakas ng lungkot doon si Blaire pero ipinagwalang bahala na lang niya iyon.

"Gusto kong pumitas ka ng bulaklak sa labas anak para may maipang-display naman tayo dito sa loob ng bahay," pahayag ulit ng kanyang ina. Kasabay noon ay may iniabot siyang basket sa kanyang anak.

"Sige po, nay! Pipitasin ko po ang pinakamagandang bulaklak para sa inyo," sagot ni Blaire tsaka niyakap ulit si Nanay Marina.

"Salamat anak. Mahal na mahal kita."

Pagkalabas pa lang ni Blaire ay namangha na agad siya sa bumungad sa kanya. Iba't ibang makukulay bulaklak agad ang kanyang nakita na pinalilibutan ng mga naggagandahang paru paro. Presko ang hangin na dumadampi sa kanyang malaporselanang balat. Sa kasalukuyan ay may mga ulap na humaharang sa sikat ng araw kaya tamang tama lang ang panahon sa paglalakad.

Kung panaginip man ang lahat na ito, parang ayaw na niya talagang magising.
Hindi na niya gugustuhin pang bumalik sa lugar kung saan puro pagdurusa lang ang nararanasan niya. She finally made up her mind. She'll be staying here with her family. Hindi na siya babalik pa roon.

Paano na lang ang mga naiwan mong kaibigan doon? Paano na lang ang mga taong umaasa sa iyo?

"I've already suffered enough already. Sa totoo nga parang sobra sobra na ang naranasan ko. Do I deserve the pain? Bakit kailangan ko parating magsakripisyo para sa iba? Kaya sa ngayon, hindi naman masama kung pagbibigyan ko ang sarili ko. I need to be selfish somehow."

This is not an act of selfishness but of cowardice. Deep inside, alam mong natatakot ka lang bumalik doon dahil pagod ka nang masaktan at maghirap. Natatakot ka na kapag bumalik ka hindi mo na makikita ang pamilya mo ulit. You let your fears drag you down. Being scared is natural pero huwag mong hayaang lamunin ka nito. Be brave.

Litung-lito na ang dalaga. There are two opposing forces inside her brain right now. Hindi niya alam kung ano ang uunahin, ang sarili niya o ang kapakanan ng iba.

Naguguluhan man ay nagpatuloy pa rin si Blaire. Tinahak niya ang isang daan papunta sa loob ng kakahuyan para makapag-isip-isip. Kanina masaya na siya pero panandalian lang pala ang lahat.

"Bakit pa ako napunta rito kung aalis din naman ako sa huli? Natupad nga ang hiling kong makita ang pamilya ko pero ako rin naman ang mang-iiwan sa kanila," wika ni Blaire sa hangin. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanya at hindi niya alam kung saan siya makakahanap ng kasagutan.

Pagkatapos ng ilang minuto ay napagod din sa paglalakad si Blaire kaya napasilong siya sa ilalim ng isang puno. Nang ibaba niya ang kanina pa niyang bitbit na basket ay nagtaka siya nang makitang may laman na iyon.

Kinuha niya ang isang papel na nasa loob ng basket. Namuo bigla ang kaba sa kanyang dibdib pero nilakasan niya ang loob na basahin ang sulat.

Blaire, alam kong naguguluhan ka ngayon. Hindi mo alam kung anong desisyon ang dapat mong piliin. Pero alam kong pipiliin mo pa rin kung ano ang tama at mas nararapat sa huli. Lagi mong tandaan na mahal na mahal ka namin, anak. Malalagpasan mo rin ang lahat ng ito.

Unti-unting nabasa ang papel sa pag-iyak ng dalaga. Noon, ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya ulit iiyak pero heto na naman siya, humahagulgol na parang hindi nauubusan ng luha. She hated herself for being weak that's why she tried to be strong for it was her only option. Pero kahit anong gawin niya, hindi na mababago ang katotohanang mahina siya.

Nanatili siyang nakaupo habang umiiyak nang halos ilang minuto. But as seconds passed, Blaire's will began to reform. Her family protected and guided her since the very beginning. And now, it's up to her to be brave for them.

Tumayo na si Blaire habang pinupunasan ang kanyang mga luha. "Thank you for everything, Nanay, Tatay and Kuya." Nang makita niya ang kanyang hinanap ay lumuhod siya para pitasin ang bulaklak.

Isang rosas.

"Magiging matapang na ako simula ngayon. At sisiguraduhin kong mabubuo ulit tayo. Mahal na mahal ko kayo."

Without any doubt, Blaire gashed her pulse using the thorns of the crimson flora.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now