60. Hidden

3.7K 244 34
                                    

“Wake up, bitch!” rinig kong sigaw sa akin ng isang babae. Niyuyugyog nito ang balikat ko. May narinig din akong umiiyak sa aking gilid. Pero napamulat ang aking mata nang makatanggap ako ng isang malutong na sampal.

“Zara?” mahina kong sambit habang hinahawakan ko ang sumasakit kong pisngi. Inirapan niya lang ako bago siya tumayo. Nagulat naman ako nang bigla akong dinumog ng isang babae. Natumba na lang ako sa lupa dahil doon.

“Ang sama sama mo Blaire! Akala ko talaga iniwan mo na kami!” naghihimutok na saad sa akin ni Ella habang walang tigil ang pagdulas ng mga luha pababa sa kanyang mukha. Napayakap na lang ako sa kanya at napangiti rin ako nang makita si Gale sa kanyang likuran.

Hindi pa ako makapagsalita ng maayos dahil sa tuyo kong lalamunan. But I allowed my eyes to wander as I looked for my other comrades. We were still under the mountain. Pero kaming apat lang ang naririto ngayon.

“Where are the others?” garalgal kong tanong sa kanila. I was still hugging Ella. Her tears never stopped coming and I caressed her back to comfort her.

Napaismid naman si Zara dahil sa tinanong ko. “Hindi mo talaga napansin?” She sarcastically asked me. Nagsalubong naman ang aking dalawang kilay habang binibigyan siya ng nagtatakang tingin.

“You’re being rude, Zara,” suway sa kanya ni Gale. She just shrugged him off afterwards. Ang lalaki naman pagkatapos ang sumagot sa akin.

“The Ella that you had with you all along was an impostor. Nagbalat-kayo si Maddox at nagpanggap bilang si Ella. At mukhang nakuha na niya ang impormasyong kailangan nila kaya hinuli na niya kayo. We saw that they had captured Ophelia, Orion, and Raiden. Wala kaming nagawa dahil napapaligiran sila ni Asher ng mga stygians. But we were relieved to see that you weren’t abducted. Ella located you and we found you in a pit. You were unconscious for two days and we were deeply worried about you, Blaire.”

Napatulala na lang ako nang marinig ko ang lahat ng sinabi ni Gale. Sumagi rin sa aking isipan ang ginawang pagtulak sa akin ni Ophelia. Ginawa niya ba iyon para iligtas ako?

“You should’ve at least suspected that something was amiss,” komento naman ni Zara.

Napabuga na lang ng hangin si Gale. “Maddox was an Imperial Mercenary for a good reason. Ella and I barely helped you escape from him and Freyah,” sagot naman ng lalaki sa kanya.

Napatingin ako kay Zara habang hinihimas ang likuran ni Ella. Humina na rin ang kanyang pag-iyak. “It’s good to see you alive, bitch.”

Kumalas naman mula sa pagkakayakap sa akin si Ella at pareho silang nakanganga ni Gale habang nakatingin sa akin. Of course, they still don’t know about my friendship with Zara.

Nagsalubong naman ang kilay ng babaeng nakatayo sa harap ko. But I saw her grin. “Likewise, bitch. But I really hoped you’d die this time. You’re not a cat but you surely have more than nine lives.”

Nakanganga pa rin ang dalawa sa gilid ko na hindi makapaniwala sa usapan namin ni Zara. “What do I expect from you? But I’m happy to see that you haven’t changed. You’re not a parrot but you still talk too much and babble a lot.”

Kinalabit naman ako ni Ella at may ibinulong. “You have a lot to tell me, Blaire.” Natawa na lang ako bago tumango.

“Before you whisper there like weirdos, we first need to tackle the situation at hand. What are we going to do now, Everett?” wika ni Zara habang sinusuri ang kanyang mga kuko at nakapamaywang.

Naramdaman ko ang pagbigat ng aking paghinga at pamumuo ng tensyon sa buong paligid. Nahuli na sina Ophelia. But I knew that she saved me for a reason.

Napaisip din ako sa mga nangyari nitong nakaraan. If Maddox was able to pretend as Ella, there’s a huge possibility that he also turned himself into Ophelia. He might be the one who hit me with a rock back at Alkyne Town. At alam ko kung bakit niya iyon ginawa. He wants to destroy our bond. He wants me to doubt the last Maxime.

Dapat hindi ko hinayaan ang sarili ko na pagdudahan si Ophelia. She let herself get caught to save me. But I should be the one protecting her and not the other way around. But I realized something about her recent acts.

She trusts me. Niligtas niya ako dahil naniniwala siya sa akin. Even if she was taken away, she believed that I could still raise her an army. At iyon ang gagawin namin ngayon.

____

Kakatapos lang naming gumawa ng bangka. Nasa dalampasigan kaming apat habang pinagmamasdan ang madilim na karagatan. We were at the Black Ocean that was at the topmost part of the Boreal Region. The current was mysteriously placid. Maliliit din ang mga along nakikita namin.

“According to the stories that I have heard, Vallahan can be found in this ocean. Pero hindi ako sigurado, Blaire. That isle might just be a myth,” sabi ni Ella sa akin habang nakatingin sa payapang karagatan.

Naikuwento ko rin kasi sa kanila ang mga napanaginipan ko tungkol sa nakaraan pati ang propesiya na malinaw ko pa ring natatandaan. They didn’t believe me at first. Pero nang banggitin ko ng tuloy-tuloy ang propesiya ay naniwala na rin sila sa akin.

Ngayon ay balak naming pumunta sa isla ng Vallahan. Sa lugar kung saan dapat dadalhin ni Aramis ang reyna at ang kanyang sanggol. The place was also mentioned in the prophecy and my instincts just told me that we need to go there.

“But I think it’s worth the risk. Vallahan is believed to be the home of the winged magicaes who were believed to be the best warriors in all of Terrazia. Sila rin ang mga pinagkakatiwalaang tagapagbantay ng royal family noon. We can ask them to join us if we manage to find their whereabouts,” wika ni Gale na sinagot ni Ella ng tango. Sinuri ko ulit ang karagatan at umaasang may makita akong isla. But there was none. I only saw the horizon where the gloomy sky met the quiet ocean.

“We must go now then. We don’t have time to waste,” seryosong saad ni Zara at nauna nang sumakay sa bangkang ginawa namin. We couldn’t use our abilities to travel because the saltwater has magical properties that suppress our abilities.

Napayakap naman ako sa aking sarili nang may dumaang simoy ng hangin. Tumabi ako kay Zara nang makaakyat na ako sa bangka. It was wide enough for the four of us. Sinimulan na ring itulak ni Gale sa tubig ang bangka bago siya sumakay.

Napatingin ako sa pinanggalingan namin at may nakaagaw ng atensyon ko. There was a black cloud slowly forming in the sky far from us. Sa tantiya ko ay nasa gitnang rehiyon iyon nangyayari. Kinutuban ako ng masama sa aking nakita.

Nag-aalala na naman ako sa tatlo naming kasamahan na nahuli ng emperyo. I tried to talk again with Orion through my mind, hoping that he could still hear even though we’re miles apart. Pero katahimikan lang ang sumagot sa akin pagkatapos ko siyang subukang kausapin.

“Please wait for us,” sabi ko sa aking isipan kahit alam kong hindi ako naririnig ng lalaki. I can only pray for their safety right now. Nagdadasal din ako na sana hindi pa huli ang lahat.

“There’s something I don’t understand about the prophecy,” rinig kong litanya ni Ella kaya bumaling ang atensyon ko sa kanya. Gale was paddling for us now.

“You’ll lose your mind if you take it seriously. All omens are cryptic,” sagot naman sa kanya ni Zara. Ella sagged her shoulders in response. Sa akin na lang tumingin ang huli pagkatapos.

“I think that Vallahan was mentioned in the prophecy. Kung tama ang pagkakaalala ko, nabanggit doon na mula sa isang hukay na nasa islang iyon ay babangon ang nakalimutang prinsesa.”

Natawa naman sa tabi ko si Zara. “Don’t take it literally, Sherriden. I’m pretty confused of how you got into House Prudite if you think like this.”

“I’m just not that convinced about Ophelia being the last Maxime. Parang may hindi tumutugma,” seryosong sagot na lang sa kanya ni Ella. Tahimik ko namang prinoseso ang sinabi niya.

“Let’s not doubt her. Let’s focus on finding the isle instead. Dahil baka masagot na ang tanong natin kapag nakarating tayo roon,” pahayag naman ni Gale. Mas bumibilis na rin ang kanyang pagsagwan dahil sa matiwasay na daloy ng tubig.

Napabuntong-hininga na lang si Ella. “What do you think about the child of the dark? Sa tingin mo ba ay isang stygian ang tinutukoy ng pariralang ito, Blaire?” Umiling ako bilang tugon. Napahawak na lang ang kaibigan ko sa kanyang sentido at minasahe ito.

Ella grunted afterwards due to frustration. “Everything’s complicated.” Sinuklian ko siya ng isang ngiti.

“I know. And things will surely get worse soon. But we will survive it together.”

_____

Nagising ako mula sa himbing na pagtulog nang maramdaman kong umaalog ang aming bangka. Lumuwa naman ang aking mata nang makita ang nagtataasang alon ng karagatan. Zara was also shaken just like me. Mukhang bagong gising din siya.

Napaatras ako nang mabasa ang aking mukha ng tubig alat. I couldn’t wipe the water away because it’ll be more painful for my eyes. Pero kahit humahapdi ang aking mga mata ay napansin ko pa ring nawawala ang dalawa naming kasama.

“Where the heck did they go?” galit na tanong ni Zara habang kumakapit kami sa gilid ng bangka. The waves went higher and they crashed onto our water vessel. Tumalon naman kaming dalawa sa tubig para maiwasan ang malakas na puwersang dala ng higanteng alon.

I couldn’t swim well because of the strong current. Pero ginawa ko ang aking makakaya para makalapit kay Zara. I heard her chanting a series of curses but she stopped when we heard someone singing. Nagkatinginan kaming dalawa at isa lang ang nasa isip namin.

This was caused by a siren.

Nakakahalina ang boses ng sirena at muntikan na akong malunod dahil nakalimutan kong galawin ang aking katawan. But men were more vulnerable to be lured by a siren’s voice. Kinabahan naman ako para sa kasama naming lalaki. Pero hindi ko alam kung matatawa o matatakot ako para kay Ella nang marinig ko ang malakas niyang sigaw na umalingawngaw sa buong karagatan.

“Kapag kakanta ka, kumanta ka lang! Walang agawan ng jowa!”

Mukhang malapit lang iyon sa amin kaya hinanap naming ni Zara ang pinanggagalingan nito. At sa hindi kalayuan ay may nakita kaming isang babaeng nakaupo sa isang mataas na bato. Mayroon siyang buntot na kagaya ng sa isda at ang kanyang mga kaliskis ay kumikinang na parang pilak. Her long black hair covered her naked upper body. Pero nang makita ko ang matatalim niyang mga ngipin at palikpik ay nanuot ang kaba sa aking dibdib.

Below the siren was Gale. Mabilis ang paglangoy ng lalaki pero nakita kong nakasunod sa kanya si Ella. Malakas niyang hinila ang lalaki kahit nahihirapan siyang gawin iyon dahil patuloy pa rin sa pagkanta ang sirena. Her voice was music in the middle of the raging ocean. And she wouldn’t stop seducing our male friend.

“Maghanap ka ng hipon kung gusto mo. Dahil akin lang ang Galeby ko!”

Hindi ko na nakita ang sunod na nangyari dahil may along humampas na naman sa amin.

_____

Nagising ako nang maramdaman kong may gumagapos sa aking mga paa. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil nakatali rin ang aking mga kamay. A blindfold was also preventing me to see.

Kahit kinakabahan ay nagsalita ako. "Sino ka?"

Wala akong narinig na tugon. Mukhang malapit ako sa tabing-dagat dahil naririnig ko ngayon ang mahinang paghampas ng alon.

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ng kung sino. Idinala ako nito papunta sa karagatan. Narinig ko rin ang sigaw ng tatlo kong kaibigan.

"Get off me!"

"Huwag mo ako hawakan, manyak ka!"

"Touch me again and I'll break your hand."

Hindi ko ulit magamit ang aking mahika. Pinakalma ko naman ang sarili ko habang nag-iisip ng paraan.

That's when I heard the flapping of wings nearby. And I suddenly got an idea.

"Unbind me and my comrades."

Matalim kong utos pero wala na namang sumagot sa akin. Malapit na akong lumubog pero pinilit ko pa ring magsalita kahit may pumapasok nang tubig sa aking bunganga.

"I command you as Princess Lithuania Maxime. Unbind us now or you'll be punished."

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now