55. Reason

3.4K 216 26
                                    

We ran fast without stopping. Nasa loob na kami ng kagubatan ngayon. Nauuna sa pagtakbo si Ophelia habang sinusundan namin siya. Did she already know her true bloodline? That she is Princess Lithuania Maxime?

Kanina pa natuyo ang mga luha ko pero hindi ko pa rin matanggap na wala na si Avery. She went inside the Labyrinth to warn us and help us get out. But she risked her life and ended up dying just to protect us. Sumasakit pa rin ang dibdib ko kapag naaalala ko ang ngiting binigay niya sa akin bago tuluyang sumara ang maze.

Naramdaman ko naman ang mahinang pagpisil ni Orion sa aking kamay na hawak-hawak niya ngayon habang kami ay tumatakbo. He wasn't looking at me but I know that he's just hiding what he feels behind his cold mask. Mas mabigat ang dinadala niya dahil sa isang iglap lang ay nauwi sa wala ang lahat ng ginawa niyang pagpaplano.

The Vanguards were discovered. Our cover had been blown in a blink of an eye. Alam na ng emperyo kung sino ang nangunguna sa rebelyon. They'll come hunting for Midas now and the other rebels. Taimtim naman akong nagdasal na sana nakaligtas ang mga nasa Frontier noong sinalakay sila ng mga kabalyero.

Nakarating na kami ngayon sa masukal na parte ng kagubatan. Nabunggo naman ako sa likod ni Orion nang bigla siyang tumigil. Napatingin ako sa harapan at nakita kong huminto rin si Ophelia dahil nagising na rin si Ella.

"I think we have to rest for now," sabi ni Ophelia sa amin. Orion seemed to disagree but he didn't show his objection. I wanted to comfort him and to tell him that everything will turn out well soon. Pero hindi ko na kayang magsinungaling pa sa kanya. Magulo na ang lahat at hindi ko alam kung babalik pa ito sa ayos.

Pinapalakas ko lang ngayon ang loob ko. Pinipigilan ko lang ang sarili kong hindi maiyak dahil namamaga na ang aking mga mata. Inisip ko na lang na may mga rason talaga kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. And I'm also hoping that better things are in store for us. I hope that we can still rise from this downfall.

Nakahanap naman si Ophelia nang ligtas na lugar para magpahinga. Nang makarating ako sa parteng iyon ng kagubatan ay napahinga ako ng malalim. Hindi ko napansing napagod din ako ng husto sa pagtakas. I was also worn down by other emotions inside of me. Maraming nangyari sa araw na ito kaya nahirapan pa akong iproseso ang lahat ng pinagdaanan namin.

Nakita kong isinandal ni Orion si Raiden sa isang puno bago magsalita. "I'll take watch." Tinignan ko lang ang papaalis niyang pigura kahit may gusto akong sabihin sa kanya. I think he needs to be alone right now.

Inaasikaso ni Ophelia ang walang malay naming kasama kaya pumunta na lang ako kay Ella. She was unusually quiet and I can see that her eyes were swollen. Tulala siya habang nakatingin sa lupa. Nabiyak naman ang puso ko nang makita siya sa ganoong anyo. Uminit bigla ang dugo ko dahil sa galit.

What did they do to Ella?

"Nandito na ako, Ella. Wala ka nang dapat ikatakot pa," wika ko sa aking kaibigan pero nanatili lang itong tulala at tahimik. Hindi niya ako nagawang tignan at parang hindi niya rin ako narinig. I couldn't see any emotion on her pale face. She was alive but she looked dead inside.

I panicked. Nanginging ang kamay ko sa sobrang galit. Gusto kong magwala at parusahan ang may gawa nito kay Ella. I'll make that bastard pay for what he did.

Pero bumalik ako sa sarili nang may humaplos sa aking likuran. Malamig ang kamay niya pero nakaramdam ako ng kakaiba roon. Gumaan naman ang pakiramdam ko at nawala ang pagkamuhi sa aking puso.

"She must be in a state of shock right now. Huwag natin siyang madaliin. Hayaan na lang muna natin siyang mapag-isa. There might be battles that she has to face on her own," makabuluhang pahayag sa akin ni Ophelia. Sumunod naman ako sa kanya at napaupo sa isang natumbang puno.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now