11. Encounter

9.6K 518 22
                                    

I gulped the lump in my throat as I stared at the debris of rocks falling down below. Hindi ko masukat kung gaano kataas ang isla na itong kasalukuyang lumulutang pa rin sa kalangitan. But my instincts told me that anytime soon, Forestia may crumble and fall.

Nang mapatingin ako kay Ella ay mababakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkagulat. Napaisip ako at may bigla akong naalala. This explains the earthquakes and sudden motions we were experiencing inside this forest for the past days. Pero hindi pala iyon mga lindol. Sadyang gumagalaw lang ang islang kinaroroonan ng gubat na ito kaya nangyayari ang paggalaw.

"Come on, Ella. We need to keep going," wika ko sa kanya at agad naman siyang sumunod sa akin. Delikado na at baka gumuho pa yung lupang inaapakan namin ngayon.

We can't afford to die at this moment. Malayo na ang narating namin at nararamdaman ko na konting konti na lang, matatapos na namin ang pagsubok na ito. At sana, walang masamang mangyari.

Sa aming paglingon ay ang seryosong mukha ni Raiden ang bumungad sa amin. Nakakibit balikat siya habang magkasalubong ang dalawang kilay. Mukhang ayaw niyang pinaghihintay.

Mula roon ay ipinagpatuloy na rin namin ang aming paglalakbay. Marami kaming nadaanang mga kapatagan at mga ilog pero wala pa rin kaming nakitang bakas ng diyamante. Napakatahimik ng kagubatan at wala akong naramdamang presensya ng mga kalaban.

The heat coming from the sun was very intense during this time of the day. Napagpasyahan muna naming magpahinga at maghanap ng silong. After a few minutes, we decided to rest underneath a tall and shady willow tree.

The wind was blowing peacefully which made me calm and comfortable. The birds were chirping sweetly in this part of the forest. It looked like we were having a picnic. But we don't have time for that.

Time is quickly running out. Mayroon lang kaming isa at kalahating araw para maghanap ng blood ruby para makaligtas. And neither of us has one. Alam kong lalo kaming mahihirapan pag nagkataon. I wonder what will be the punishment if we don't pass the trial. Chills enveloped my body as one word answered my thoughts. Death.

Bumuntong hininga ako at napatingin na lang sa aking dalawang kasama. Raiden was comfortably leaning on the tree at mukhang natutulog na naman siya. Si Ella naman ay nasa tabi ko at nakita kong binibigyan niya naman ako ng malisyosong tingin.

"Ikaw talaga, Blaire. Huwag mo nga siyang tignan, baka malusaw siya sa mga titig mo," tukso niya sa akin habang sinusundot ako sa aking tagiliran. I just pouted in response.

"Huwag ka ngang sumimangot diyan. Nagmumukha kang bibe," komento ulit ni Ella habang mahina niya akong tinatawanan. Dahil sa ginawa niya ay panandaliang gumaan ang pakiramdam ko. A friend like Ella will always enlighten you with joy even in times of fear and sorrow.

"Malalim na talaga ang iniisip mo, Blaire. Care to share?" makahulugan niyang tanong sa akin. Huminga ulit ako ng malalim bago magsalita.

"I'm just afraid, Ella. Hindi ko alam kung makakaalis pa ba tayo dito ng buhay," malungkot kong tugon habang nakayuko. Nahihiya akong ipakita sa ibang tao ang pagiging mahina ko.

"Before, you said to me that we're stronger together. But look, may dumagdag pa sa atin ngayon. We just need to trust in each other and never give up to beat this trial. Be brave, Blaire," wika niya habang tinatapik ako sa balikat.

Her advices made me face her with a bright smile on my face. She smiled back at me with her eyes full of hope.

I then remembered the first time I saw Ella. Sa una, akala ko napakasensitibo niya. But now I know that it is indeed true. She's sensitive to the feelings of her friends and loved ones. Parati siyang nandiyan at ginagawa niya ang lahat para mapagaan ang loob ko. I can also see optimism in her eyes and I salute her for being so resilient and happy at the same time.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now