63. Chains

3.5K 216 8
                                    

THIRD PERSON

Sa isang madilim at malamig na bilangguan ay makikita ang isang babaeng nakayuko. Ang dating mahabang puting buhok nito ay hanggang leeg na lang. Namumugto ang mga mata nito habang ang mga paa at kamay ay nakakadena sa pader na gawa sa ladrilyo.

Namumula ang kanyang pulsuhan at hindi pa tuluyang naghihilom ang mga pinsalang kanyang natanggap nang hulihin sila ng emperyo. Hindi niya alam kung ilang araw na ang lumipas dahil dinala at ikinulong sila sa ilalim ng palasyo ng emperatris kung saan hindi siya nasinagan ng mainit-init na sikat ng araw.

Ang tanging pinanggagalingan ng ilaw sa buong lugar ay ang tanglaw na malapit sa nakabantay na kabalyero. Nahaharangan ng mga rehas ang seldang nasa kanyang harapan pero nakikita niya pa rin ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang kaibigang lalaki.

Mas maayos ang kalagayan niya kumpara kay Raiden. Pabalik-balik sa kulungan ng huli ang isang Imperial Mercenary para labis na pahirapan ang binata. Nanginginig sa galit si Ophelia kapag naririnig niya ang mga malalakas na palahaw ni Raiden. Pero kahit ano pa ang gawin sa kanya ay hindi ito nagsalita. Hindi nito ibinigay ang impormasyong gustong malaman ng kalaban.

Gumapang si Ophelia palapit sa rehas ng kanyang selda. Napadaing ito nang bumukas ang malaking sugat sa kanyang mga paa nang pilitin nitong makawala roon. Kinagat niya ang kanyang labi para kahit papaano ay maibsan ang hapdi na kanyang nararamdaman. Dahil sa mga kadenang nakapulupot sa kanya ay hindi niya magagawang iligtas ang kanyang sarili at ang taong malapit sa kanya.

“Raiden,” tawag ni Ophelia nang makaya na niyang tiisin ang sakit. Kinalampag naman ng kabalyero ang rehas nang marinig siyang magsalita.

“Manahimik ka!” asik ng huli. Natakot si Ophelia. Hindi dahil sa ginawa ng guwardiya. Kundi dahil wala siyang natanggap na tugon kay Raiden.

“Pakisaup, Raiden. Please don’t let go. I’m going to find us a way out of here,” sabi ng babae pero nadismaya naman siya dahil hindi pa rin gumagalaw ang taong nasa loob ng kabilang kulungan.

Napahawak naman si Ophelia sa malamig na sahig habang hinahabol ang kanyang hininga. Ayaw niyang isiping malapit nang bawian ng buhay ang lalaki.

Napatingala naman siya nang marinig ang mga mabibigat na yabag ng paa na umalingawngaw sa buong pasilyo ng silid-piitan. May nakita naman si Ophelia na tatlong paparating na anino. Dalawa sa kanila ay mga kampon ng emperyo at hila-hila nila ang isang taong nakaroba.

Nagtaka si Ophelia nang makilala ang lalaking ipinasok sa seldang katabi ng sa kanya. Nakita rin niya ang pagdating ng isa pang babae na kasalukuyang tinitignan ang nakakulong na si Chief Zero.

“I’m giving you one last chance, Zero. Tell me who’s the real Princess Lithuania and I’ll give you mercy,” seryosong saad ni Lady Mirage.

“I already told you, Mirage. Si Ophelia ang hinahanap niyo,” sagot naman ni Chief Zero sa babae. Napatingin naman siya sa gawi ng dalagang kanyang tinutukoy pagkatapos.

“Then who’s wielding the fucking blade? Who got Amaranthine?” Nanggagalait na tanong ng kanang kamay ni Empress Devorah.

Pumantig naman ang tainga ni Ophelia sa kanyang narinig. Naalala niya naman ang kakaibang mahikang naramdaman niya nitong nakaraan. Dahil ba iyon sa tuluyang pagkagising ng sagradong espada? At sa pagbabalik ng karapat-dapat na mamuno sa Terrazia?

Hindi alam ni Ophelia ang dapat niyang madama ngayong malaki ang posibilidad na hindi siya ang tinutukoy sa propesiya. Na hindi siya ang huling prinsesa.

“Hindi ko alam. Why don’t you ask the seer? Unless you killed him, you won’t get the answers you’re looking for,” madiin na tugon ni Chief Zero sa kausap.

“We’re not done yet, Zero. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mong nagsinungaling ka sa akin.”

Bago naglakad paalis si Lady Mirage ay may iniutos ito sa mga kabalyero. “Bring the girl upstairs.”

Napaatras naman si Ophelia nang may pumasok na dalawang kabalyero sa loob ng kanyang silid. Inialis ng mga ito ang pagkakadikit ng kanyang mga kadena sa pader bago siya sinimulang hilahin palabas.

Nakaposas pa rin ang kanyang mga kamay at paa pero pinili niyang lumaban. Inatake niya ang isa sa mga guwardiya. Pinulupot ni Ophelia ang kadena sa leeg nito bago niya itinulak ang kabalyero para ibangga sa matigas na pader.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now