Naramdaman ko ang pagkabalisa ni Cato sa aking tabi dahil gusto na niya talaga akong tulungan. But my words surprised him. “Huwag kang mag-alala sa akin. Who says a princess can’t protect her familiar?” wika ko sa kanya sabay kindat. Napabuntong hininga na lang si Cato pero hinayaan niya lang ako sa aking ginagawa.

Nabalik naman ako sa pokus nang makita kong kumakaripas na tumatakbo si Commander Odin patungo sa aking direksiyon. Nasa kamay niya ang isang lumalagablab na espada. He was far but I saw that he sliced the air using his weapon. After he did that, I saw a crescent shaped blue fire coming at me.

Yumuko lang ako para iwasan ang atakeng iyon at ganun din ang ginawa ni Cato. Mabilis na lumapag sa harapan ko ang kalaban at itinusok papunta sa akin ang kanyang espada. I feinted to the left as I prepared my fist. Nang akala ni Commander Odin na susuntukin ko siya ay binigyan niya ako ng ngisi. But I directed my punch at the sky and at the same time, a molten hand made of earth and fire appeared from below my enemy. Hindi iyon nakita ng huli kaya natamaan siya nito. The force also threw him upwards.

I jumped and started to envelop my right hand with lava magic. Ginamit ko rin ang hangin para pataasin ang aking pagtalon. At nang magtagpo kami ni Commander Odin sa himpapawid ay buong pwersa ko siyang sinuntok pababa gamit ang nagbabaga kong kamao.

The whole place shook when Commander Odin met the ground. Nabalot ng makapal na usok ang paligid at nagsiliparan din ang maraming alikabok. Nang makababa ako ay nakita kong nakatulalang nakatingin sa akin si Cato. Kailangan ko pa siyang batukan para mabalik siya sa sarili.

“How are you feeling?” tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin siya nagsasalita. I looked at his back and saw that the blood already clotted.

“Hindi mo kailangang gawin iyon, Lithuania,” sambit niya sa akin kaya napabuga naman ako ng hangin. I was expecting him to thank me but I might’ve stepped on his pride for saving him. I really can’t understand men and their egos.

“You’re my responsibility too, Cato. I’ll protect you because you are part of my court,” saad ko sa kanya at nauna nang maglakad. Humabol siya sa akin at narinig ko na may gusto siyang sabihin pero nauutal siya.

“You’re welcome,” saad ko bago tumalikod ulit. Nakailang hakbang pa lang ako nang may maramdaman akong paparating na kidlat.

A wall of fire protected me from the attack. Nagsilabasan naman pagkatapos ang napakaraming ipo-ipong gawa sa apoy para kalabanin ang mga kabalyerong pumapalibot sa amin.

“Blaire?”

Halos maiyak ako sa tuwa nang makita ko ang lalaking nagsalita. “Raiden!” tawag ko sa kanya bago ko siya binigyan ng yakap. Kumalas naman ako mula sa pagkakayakap nang makitang napangiwi siya dahil mukhang natamaan ko ang ilan sa kanyang mga sugat. But I’m relieved to see that he’s alive.

Nabigla naman ako nang walang babala niya akong hinila papunta sa kanyang likuran. Umapoy ang kanyang kamao habang tinitignan si Cato. The stares that they were giving each other was deadly and edgy. Sa loob ng ilang segundo ay walang nagsalita dahil para bang nagsusukatan ng tingin ang dalawa.

“Sino siya?” Malamig na tanong ni Raiden sa akin habang nakatingin pa rin siya kay Cato. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin bago ako pumagitna sa kanila.

“He’s Cato and he’s my familiar. And don’t look at him like that. He’s not an enemy,” sermon ko kay Raiden kaya sa akin na siya napatingin. His stare was cold but I can see another trace of emotion in his eyes that I couldn’t quite depict.

Hinila naman ako ni Cato palapit sa kanya kaya tumama ako sa kanyang dibdib. Napadaing ako ng mahina dahil hindi ko inaasahang matigas pala iyon.

“Get your hands off her,” seryosong utos ni Raiden pero may bakas ng galit sa kanyang boses. Nagulat ako nang hilahin niya ako papunta sa kanya pero kinuha rin ni Cato ang isa kong kamay kaya hindi iyon natuloy.

The Lost ProdigyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum