“Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin sa akin, Inang Zipporah. Ensuring the safety of others is also our top priority other than winning this battle. Ingatan niyo po ang sarili niyo at ang ibang mga Patronus. Keep each other safe,” sabi ko sa kanya. Her wrinkled face softened when she heard my words. Magpapaalam na sana ako sa kanya pero napahinto ako nang hawakan niya ang aking pisngi.

“Namumukhaan ko talaga siya sa iyo.” Gumuhit naman ang pagtataka sa aking mukha dahil sa komento ni Inang Zipporah.

“Sino po ang tinutukoy niyo?”

Tanging iling lang ang sinagot ng huli. Nakahawak pa rin siya sa aking mukha nang magsalita ulit siya.

“Ipinahihiwatig ng iyong mga mata na hindi mo pa tuluyang natatanggap kung sino ka, Prinsesa Lithuania. Alam kong nahihirapan ka sa posisyon mo ngayon at pinanghihinaan ka ng loob. Nararamdaman ko rin ang pagdududa mo sa iyong sarili. Kailan mo lang nalaman ang katotohanan pero nalugmok ka na kaagad sa napakarami mong responsibilidad. Sa iyong edad ay hindi nararapat na maranasan mo ang ganitong katinding hirap. Pero nais ko lang ipabatid sa iyo na hindi mo kailangang pasanin ang bigat ng obligasyon mo ng mag-isa. Nandito kami at ang lahat ng mga taong naniniwala sa iyo upang tulungan ka. At sana hayaan mo kaming gawin iyon, mahal na prinsesa.”

Isang luha ang lumabas sa aking kanang mata na pinunasan naman ni Inang Zipporah gamit ang kanyang daliri. Nakangiti naman akong napatango sa kanyang direksiyon pagkatapos.

“At kapag sa tingin mo ay nawawalan ka na ng pag-asa, alalahanin mo kung bakit ka nagsimula. Alalahanin mo ang rason kung bakit mo piniling lumaban.”

Napahinga ako ng malalim. “For a better world.”

Si Inang Zipporah naman ngayon ang napangiti.

“Huwag kang matakot na maging ilaw sa gitna ng masalimuot na kadiliman, Prinsesa Lithuania. Dahil ang iyong liwanag ang magbibigay-daan para matupad ang iyong hangaring mapabuti ang mundo.”

Nang matapos siyang magsalita ay niyakap ko ng mahigpit si Inang Zipporah. Napatawa naman siya habang hinihimas ang aking buhok. Malaki ang naging epekto ng mga binitawan niyang kataga sa akin dahil nabuhayan agad ako ng loob. And I felt better.

“Maraming salamat po,” wika ko sa kanya nang kumalas ako sa mula sa pagkakayakap. Pinisil naman ni Inang Zipporah ang aking pisngi at napalingon sa aking likuran.

“Cato! Huwag mong iiwan ang mahal na prinsesa at protektahan mo siya palagi kundi malilintikan ka sa akin!” Striktong utos niya sa lalaking kanina pa naghihintay sa amin.

Napakamot na lang sa kanyang batok si Cato. “Masusunod po, Inang Zipporah!”

“At huwag na huwag kang mamamatay! Hindi mo pa ako nabibigyan ng apo sa tuhod!” dagdag ng matanda at natawa naman ako sa reaksiyon ni Cato.

Yumuko naman ako nang magpaalam na si Inang Zipporah sa amin at pumasok na sa loob ng bundok. May mga Patronus na ring naglagay ng harang doon para itago ang entrada.

Pero halos matumba ako nang sumakit ang aking puso. Nasalo naman ako ng mga bisig ni Cato kaya hindi ako nahulog. Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil hindi pa rin nawawala ang kirot sa loob nito.

“May problema ba, Lithuania? Ilang beses nang sumasakit ang puso mo,” tanong ni Cato sa akin habang inaalalayan akong tumayo ng tuwid. He was correct. I started experiencing constant pain from within after I got Amaranthine. But I was completely healed after I left the cave where I retrieved the holy weapon. At alam kong hindi ito dulot ng mga pisikal na sugat na natamo ko noon.

Napabuga naman ako ng hangin nang mawala na ang dinadamdam ko. “It’s okay, Cato. Umayos na ang pakiramdam ko,” sagot ko sa lalaki.

“Ayaw mo bang magpatingin sa manggagamot?” usisa pa rin nito kaya umiling ako. Napabuntong hininga naman si Cato. He’s not that convinced. And he looks troubled because of me.

Lumipad naman kami pagkatapos nang utusan ko siyang dalhin ako sa dating mabuhanging dalampasigan ng Vallahan kung na saan naghihintay ang aming hukbo. Nasa itaas pa rin kami ngayon ng Black Ocean pero natatanaw ko na ang hilagang rehiyon sa malayo kaya binalot na naman ng nerbiyos ang aking sistema. Kumakabog pa rin ang aking puso nang ilapag ako ni Cato sa tabi nila Ella.

“Have you already prepared it?” tanong ko na lang sa aking kaibigan. Nakangiti niya muna akong binati pero hindi iyon umabot sa kanyang mata. Mukhang kinakabahan na rin si Ella. And I couldn't blame her. Parang mangingisay na rin ako dahil sa pangamba.

“Of course, bestie! Dinagdagan pa namin, in case something unexpected happens,” sagot ng huli sa akin sabay kindat.

“And we’ll keep an eye on that person,” litanya ni Gale bago inakbayan si Ella. Tumango naman ako at napangiti rin dahil nagkaayos na ang dalawa. My friend looked relieved because of what Gale did.

Nang igala ko ang aking mga mata ay nakita kong nakahanda na ang lahat. May hawak na sulo si Zara at itinapat niya iyon sa mga panggatong na nasa lupa para makalikha ng malaking apoy. Ngayon ko lang din napansin ang kakaibang kadiliman na bumabalot sa kalangitan. There were a lot of bonfires around us but they were no match to the black cloud that seemed to dim the light of the planet.

But when I looked below, I saw that we were already in the Boreal Region. Kahit malayo ay naaaninag ko na ang lumulutang na kaharian na nasa itaas ng gitnang rehiyon. The Crimson Empire.

“Are you ready to give your crappy speech?” Nabalik naman ako sa huwisyo nang dahil sa tanong ni Zara. But I asked a question instead of answering her.

“Will the others come?” mahina kong bulong sa kanya. Sumeryoso naman saglit ang mukha ni Zara. I was expecting her to give me a witty retort but she did otherwise.

“They will. Just trust them.”

Umabante na rin ako pagkatapos at hinarap ang mga taong lalaban para sa aking hangarin. Nagulat ako sa laki ng bilang nila at nakaramdam naman ako ng tuwa dahil marami pa rin talaga ang naniniwala sa liwanag.

But facing the winged magicaes who were born and honed to become warriors was not easy. I barely managed to swallow the lump inside my throat because I felt intimidated by their strong presences. Ibang-iba sila sa mga taong nakita kong nagkakatuwaan noong ipagdiwang nilang lahat ang aking pagbabalik. All of them became entirely different individuals.

Parang mga mandirigma sila noong sinaunang panahon dahil sa lakas ng dating nilang lahat. Some of them already had their battles faces on. Pero kahit nanliliit ako sa mga titig na ibinibigay nila sa akin ay pinilit kong magsalita.

“Sa loob ng ilang taon, alam kong nagdusa kayo. Nawalay kayo sa iba niyong mahal sa buhay at nakulong kayo sa islang ito dahil sa nakaambang panganib sa uri ninyo. Kahit hindi niyo na alam ang inyong gagawin ay pinilit niyo pa ring huwag mawalan ng pag-asa. Kahit walang kasiguraduhan ay patuloy pa rin kayong nanalig sa pangalawang propesiya. Kahit nabalitaan niyong pinuksa ang lahat ng mga Maxime ay naniwala kayong buhay pa ang huling prinsesa. Hinintay niyo siya. Hinintay niyo ako. Hinintay niyo si Prinsesa Lithuania.”

Tahimik lang ang paligid dahil sa akin nakatutok ang atensiyon ng lahat. Huminga ako ng malalim bago ko ibinuka ulit ang aking bibig.

“Ngayon ay nagbabalik na ako para ipaglaban ang liwanag at kabutihan. Pero kahit bughaw ang dugong dumadaloy sa aking katawan, mahina pa rin ako. Isa lang akong hamak na taong sumasalungat sa kasamaan ng emperyo. Hindi ko kayang lumaban ng mag-isa. Kailangan ko ng mga taong handa akong samahan at protektahan kagaya ng ginagawa ko para sa kanila. Kailangan ko ng mga taong nais wakasan ang maling pamamalakad at pananaw na bumulag sa daigdig sa loob ng mahigit isang dekada. Kailangan ko kayo sa giyerang ito. Lumaban kayo sa tabi ko at sabay-sabay nating babaguhin ang mundo.”

Halos mabasag ang tainga ko dahil sa dumadagundong na hiyawang sumalubong sa akin nang matapos ko ang aking talumpati. Nakaramdam naman ako ng tapik sa aking balikat.

“You should be proud. The whole of Terrazia just heard your declaration,” bati sa akin ni Zara at napalingon naman ako kung na saan si Ella. Nakangiti siya sa akin habang pumapalakpak. Her wand was glowing and she might’ve used a spell to amplify my voice so everyone can listen to me.

Nagulat naman ako nang biglang huminto ang ingay. Sumeryoso kaming lahat habang hinihintay kung ano ang paparating.

Everything felt surreal. But the moment I saw a black comet engulfed in dark energy flying towards Vallahan’s invisible barrier, I snapped back to reality. There’s no turning back now.

War was upon us.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now