“Where are we?” nanghihina kong tanong sa kanila. I requested Orion to put me down and he didn’t think twice before doing it. Nakita ko namang seryosong nakatingin sa amin si Raiden.

But Ophelia was the one who answered me. “We’re at Mt. Tempest. And we’re still in the north.”

Napatango naman ako sa sinabi niya. Napalunok naman ako ng tignan ko ulit ang bundok na nababalutan ng hamog. Aakyat ba kami doon?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ophelia na para bang nabasa niya ang aking isipan. “Huwag kang mag-alala, Blaire. Hindi natin kailangang umakyat. Because we’re going under the mountain.”

I shot her a confused stare. Nagsimula na ring maglakad si Ophelia kaya sumunod naman kami sa kanya. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na parang may nagmamasid sa amin.

“The place where we’re going was one of our hiding spots when we were young. It is completely safe and undiscovered. We stayed there for a long time but we also have to find food. At walang mapagkukunan malapit dito kaya kinailangan din naming umalis,” pagpapaliwanag naman sa akin ni Raiden.

“But this place would be perfect for us to stay the night and discuss our plans. Only Ophelia and I know the secret passageway. We don’t have to worry about enemies finding us,” dagdag ng lalaki.

We walked for several minutes. There were huge boulders all over the place. Pero natigil naman kami sa harap ng pinakamaliit sa mga ito. That rock was almost as big as me. I almost volunteered to move the boulder but I was astonished when Ophelia went through it.

“Sumunod na kayo sa akin,” utos niya sa amin pagkatapos kaya naglakad na rin kami papasok doon. Nang makalampas ako sa bato ay nalaman kong isa pala iyong ilusyon. That would’ve explained why no one found their secret place.

Natakot naman ako dahil kadiliman ang nadatnan ko sa loob kaya napakapit ako sa taong malapit sa akin. I heard someone snapped their fingers at biglang nagkaroon ng apoy sa mga sulo na nakakabit sa lugar na ito.

Napahiwalay naman ako mula sa pagkakakapit sa braso ni Orion nang magkailaw na. Inikot ko na rin ang aking paningin at napansin kong parang nasa loob din kami ng isang kweba. But this was a cave hidden inside a mountain.

I was walking side by side with Orion while Ophelia led us deeper into the cave. Napatingin ako sa katabi ko at wala na namang bakas ng emosyon sa kanyang mukha.

“Bakit hindi ka galit sa akin?” Tanong ko sa kanya. Inaasahan ko na sesermunan niya ako dahil hindi ako sumunod sa mga utos niya noon. I was expecting for it but it never came.

“And why should I be mad at you?” Kumunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. It seems that every time I ask him, he always gives me a question instead of an answer.

“For starters, I disobeyed you. And I keep on being a burden to our group.”

“Who said that?” He asked again while still not looking at me. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala akong makukuhang matinong sagot sa kanya.

“I should’ve respected your decision in the first place. I regretted for not bringing you along with us. But knowing how determined you are, I knew that you’d find a way. That was why I wasn’t surprised when I saw you with an almost dead guy inside the maze.”

Nagulat ako sa sinabi ni Orion. Kahit si Raiden ay napaubo rin sa aming harapan na mukhang narinig ang aming pinag-usapan.

“You made me proud, Everett.”

Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil nagkasabay sila ni Ophelia na magsalita. “Let’s settle down for a while.”

Nakarating kami sa isang pabilog na espasyo. Nang tumingala ako ay namangha ako nang makita ang bilog na buwan sa itaas. It looked like we were at the heart of the mountain. There were also circular stairs formed from the landform itself. At nang iikot ko ang aking paningin ay nakita ko rin ang ibang mga daanan sa paligid namin.

“What would be our next plan?”

Napabuga ng hangin si Orion bago sumagot. “We’ll continue searching for the Vanguards. Lady Evangeline’s forces might have allied with us now. We must also rally Sir Callum, Lady Adelaide and the other preceptors inside the Stronghold to our cause. But I’m not sure if they already knew that Chief Zero sold us out.”

“How about our numbers?” Tanong naman sa kanya ni Raiden.

“Over the years, we only managed to gather a small group of about a thousand Terrazians. All of them are willing to fight but letting them do so is risky. Our count wouldn’t suffice.”

Naging matamlay ang mga kasamahan ko pagkatapos. Pero kinuha ko ang pagkakataong iyon para sabihin ang aking suhestiyon.

“What if we take advantage of the current dilemma that we are facing right now? Ngayong alam na ng emperyo ang totoong katauhan ni Ophelia, hindi na rin dapat natin siyang itago mula sa mga taong naghihintay sa kanya. We must declare the last Maxime’s return to the whole continent. We are not simply using word of mouth to announce her rightful ascension to the throne because we will perform acts that’ll show our pure intentions. We’ve been running and hiding for so long. We need to fight back. We need to create big news by targeting an important branch of the empire like the Citadel. Kapag matagumpay tayong nakagawa ng kaguluhan ay awtomatikong kakalat ang balita. News about the rise of Princess Lithuania will spread like wildfire. Sa ganitong paraan ay ang mga tao na mismo ang kusang maghahanap sa atin. Many will join us and our numbers will grow. The lost hope will be reignited by the rightful queen herself.”

Tahimik lang silang apat na nakikinig sa akin pero nakita kong nabuhayan sila ng loob sa sinabi ko.

“I chose the right adviser,” papuri naman ni Ophelia sa akin kaya nginitian ko siya.

Sana lang tama ang ginawa ko. Sana tama ang desisyon kong tulungan si Ophelia.

I was about to speak again but I stopped when I saw dark figures barrelling at us. Nagdikit-dikit kaming lima habang pinagmamasdan ang napakaraming stygians na nakapaligid sa amin. But they weren’t as savage as before. They seemed to be more controlled now.

At kung saan kami dumaan kanina ay lumabas ang isang lalaki. Si Asher.

He chuckled at us and it resonated through the whole cave. I cowered in fear because of him and the dark magicaes. Paano niya kami nahanap? Siya ba ang naramdaman kong nagbabantay sa amin kanina?

“You’re planning everything without knowing that there is a wolf among you, pretending to be a sheep.”

Namutla ako dahil sa binitawan niyang mga kataga. Hindi ko na nagawang tignan ang mga kakampi ko dahil may puwersang nagpatalsik sa amin palayo sa isa’t isa. Naramdaman ko naman ulit ang biglang pagkawala ng enerhiyang nagbibigay sa akin ng kapangyarihan.

Hindi pa ako tuluyang nakakatayo mula sa pagkakatumba nang may humila sa akin. It was Ophelia.

Nagpumiglas ako pero ngayon ko lang napansing napakalakas niya kaya hindi ko naalis ang pagkakahawak niya sa akin. Pumasok siya sa isang daan at halos makaladkad niya na ako dahil patuloy lang siya sa pagtakbo.

Mula sa likuran ko ay nakikita ko ang dalawang stygians na humahabol sa amin.

“What are you doing, Ophelia?” Asik ko sa kanya. Ginawa ko ang lahat para makawala sa kanya pero hindi iyon umobra. Nagulat naman ako nang bigla siyang tumigil. We were beside a large pit. It looked bottomless in the dark.

Kinabahan naman ako nang mapagtanto ko ang balak niyang gawin.

“Please, don't!”

“I’m sorry, Blaire,” wika niya bago niya ako tinulak sa napakalalim na hukay.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now