“We need to get out of here.”

Kinabahan ako sa sinabi ni Orion pero tumango lang ako bilang sagot. We have only taken a few steps when we heard another voice.

“Where do you think you’re going, Topher? Or was it Orion?”

Nagulantang ako nang makita ko si Asher na nasa aming likuran at may kasamang batalyon ng mga kabalyero. But what petrified me the most was the fact that my former Pillar was wearing a familiar armor. The armor that Zara and Maddox had worn. Naubusan ako ng dugo sa mukha nang mapagtanto kong isa rin siyang Imperial Mercenary.

Napaatras ako nang mapunta sa akin ang paningin ni Asher. Narinig ko siyang tumawa bago namamanghang nagsalita.
“You even had the Channel with you. How convenient. You really worked hard for this, do you?”

Hinigit ako ni Orion palapit sa kanyang likuran. The veins of his hand were already bulging. I can feel his fury but he chose to stay calm.

“Leave us alone, Asher.” Kahit ako ay nanigas dahil sa lamig ng boses ni Orion. But Asher just sneered at him.

“I can’t do that. The empress requested you and Blaire’s presence. So you’ll have to come with me. You have no choice otherwise,” kalmadong pahayag ng lalaking kaharap namin. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Asher ang kinakausap ni Orion ngayon.

Was everything an act?

Pakitang-tao lang ba ang lahat ng ginawa niya? It’s painful to see one of my closest friends turn against us. My heart was once again broken into little pieces. Napayuko na lang ako at hindi magawang tignan si Asher nang diretso.

I thought he was different.

“Leave us now or I’ll turn you to dust,” babala ni Orion na sinagot lang ni Asher nang halakhak. Halos mapaluhod ako nang makita ko ang isang babaeng hila-hila ngayon ng isang Crimson Knight. It was Ella.

Itinulak ng kabalyero ang walang malay kong kaibigan kaya natumba ito sa lupa. Napakuyom ang aking kamao at susugurin na sana ang taong gumawa nun kay Ella nang pigilan ako ni Orion.

“I already expected that you’ll use force to defeat us. So I brought a special guest. Will you say hi to your friend, Blaire?”
Hindi ko na mapigilan ang aking galit habang nakatingin kay Asher. Nakaposas si Ella ngayon at kalunos-lunos na ang kanyang kalagayan. Napaiyak na lang ako dahil sa sinapit ng kaibigan ko. Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Ella.

I raised sharp slabs of rock from the ground where Asher was currently standing on. Ngumisi lang ang huli at walang ginawa para iwasan ang atake ko. Bago pa siya matusok ng mga ito ay may puwersang pinakawalan si Asher kaya nasira ang mga matutulis na bato. That force expanded towards us and it was too late for me and Orion to make a shield.

Tumilapon kaming tatlo. Habang bumabangon ay nakaramdam ako ng kakaiba. I reached into my core but I was terrified when I didn’t find my spiritus energy in there. Asher just nullified our abilities.

“You didn’t expect that Blaire, do you? I lied when I told you that my flair works only if I touch someone. It’s really good to have the element of surprise by my side, eh?”

“Shut up, you asshole!” Parang sasabog na si Orion sa galit. Mabibigat ang paghinga ko habang nasa tabi niya.

“I like your choice of words, Orion. You wield them well. That’s maybe the reason why Blaire had fallen for you instead of me. But I’ll make her forget you after this. I’ll make her mine.”

Nanginig ako dahil sa aking narinig. Orion was fuming now but he hid me behind his back. Halos pumutok na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit na pinipigilan niyang lumabas.

“Surrender yourself and Blaire. And I’ll spare this weakling.” Natigil naman saglit si Asher sa pagsasalita nang may mapagtanto ito.

“But why am I making you decide?” Tumawa naman siya na parang wala sa sarili bago sumigaw.

“Knights, capture them!”

Pero bago pa makahakbang ang mga kabalyero ay natigilan sila nang may mga kamay na humila sa kanila pababa. Dark and brutal unearthly hands rose from below  and attacked the Crimson Legion. Parang galing mismo ang mga bagay na iyon mula sa isang bangungot. But I was not frightened because they were on our side.

I then saw someone teleport behind Ella to pick her up. Hindi natuloy ni Asher ang pag-atake sa taong iyon dahil tumalsik siya nang tamaan siya ng itim na apoy. In a blink of an eye, that person vanished into smoke with Ella and teleported towards us. Nabuhayan ako ng loob nang makita ko siya. Ophelia had arrived to save us.

“We have to go,” utos niya sa amin. Tinulungan ko rin siyang buhatin si Ella. Mabilis na rin kaming tumakbo paalis doon. Hndi pa bumabalik ang mahika namin ni Orion kaya ang pagtakbo na lang ang magagawa namin para makaaalis.

Asher’s loud growl echoed far behind us. Halos matumba kami nang biglang yumanig ang Labyrinth. The walls were moving and rearranging themselves.

Narinig ko ang pagmura ni Orion na nasa aming likuran. Pero hindi natinag si Ophelia. Nakasunod kami sa kanya ngayon at isa lang ang hinahanap ng aming mga mata. Ang daan palabas sa maze.

The twisted and long branches of dead autumn trees were also chasing us right now and preventing us from escaping. Ginamit ko ang aking dagger para putulin ang mga sangang malapit sa akin. Ophelia was using her black fire to pave the way for us.

Halos ilang minuto na rin kaming tumatakbo pero hindi pa rin namin nakikita ang labasan.

“Come here! This is the way!” Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Halos mapaluhod ako sa pasasalamat nang makita ko si Avery. Iniba na rin namin ang aming direksiyon at sumunod sa kanya.

“The Frontier has already been discovered and was under attack. Nalaman din ng emperyo ang nakatagong dimensyon kung na saan si Lady Evangeline,” pahayag ni Avery kaya nanghina naman ang tuhod ko. Saan na kami pupunta ngayon?

“Where are they?” tanong ni Orion. May bakas ng takot ang boses niya. Tahimik lang na nakikinig si Ophelia sa amin habang walang malay pa rin sina Ella at Raiden.

“I don’t know,” malungkot na sagot ni Avery. Hindi ko na alam ang iisipin ko ngayon. I thought that everything was going well. But we shouldn’t have underestimated the empire.

“That’s the way out,” banggit naman ulit ni Avery kaya napatingin kami sa napakahabang daan sa aming harapan. Tumango naman kami sa kanya. Pero natumba kami nang biglang lumindol ng malakas. Nagulat din kami nang magsimulang gumalaw ang mga pader sa aming tabi. They were enclosing us.

“Shit,” mura ni Orion habang tinutulungan kaming makabangon. Nagsimula ulit kaming tumakbo pero kinakabahan na kami dahil mas lalo nang lumalapit sa amin ang pader. Kalahati pa lang ang natakbo namin at hindi ko alam kung makakaabot pa kami. And Ophelia couldn’t teleport all of us there.

“Continue running and don’t look back,” rinig kong utos sa amin ni Avery at tumigil siya sa pagtakbo na ipinagtaka ko. May nagsilabasan namang mga higanteng baging mula sa ilalim na lupa na sinubukang pigilan ang pagsara ng pader.

“Avery, no!” Babalikan ko na sana siya pero hinila na ako ni Orion paalis. May nalaglag namang mga luha sa aking mga mata nang makita ko ang ngiti ni Avery na parang namamaalam. Her hands were glowing with green energy.

Thick vines surrounded the walls to prevent them from moving. Napakarami ng mga baging pero hindi nagawang pigilan ng mga ito ng tuluyan ang paggalaw ng pader. But it was enough to slow them down.

We ran faster as the walls finally broke free from Avery’s magic. Kahit napuno ng luha ang aking mga mata ay nakikita kong malapit na kaming makalabas.

“Run far and don’t let the empire catch you. Find the others. And bring back the light.”

Those were my friend’s last words before the Labyrinth closed behind us with a thundering boom.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now