I chased her while maintaining a safe distance. Sa pagtakbo ko ay naramdaman kong binabalot ng hangin ang aking mga paa kaya bumilis ako at gumaan ang aking bawat yapak. Nadaanan ko na ngayon ang lugar kung saan may mga nakataas pa ring bahagi ng lupa dahil sa naging laban namin kanina ng tagapagsanay ko. I mentally slapped myself dahil chineck ko pa talaga kung nakakulong pa rin si Topher sa loob.

With my newfound powers, I easily arrived inside the forest. Ilang metro lang ang layo ni Ophelia sa akin at kasalukuyan pa rin siyang tumatakbo na para bang may tinatakasan. Lumingon naman ako para tignan kung may humahabol ba sa kanya pero wala naman. If she's the mastermind behind all of the recent incidents, then maybe she's planning to escape now. Pero hindi ko siya hahayaan. Kung may kinalaman talaga siya ay siguradong alam niya kung na saan si Ella at ang iba pang mga Novitiates.

Her trailing obsidian cloak was the only guide that I had to avoid losing her. Kahit tinutulungan na ako ng hangin ay napansin kong hindi ko pa rin siya nahahabol. For a Novitiate, she seemed incredibly fast as a runner. Baka dahil sa abilidad niyang ito ay nahirapan si Ella na hulihin siya. Mahina pa naman yun pagdating sa takbuhan.

I kept chasing her until I lost track of time. But I didn't feel any fatigue. Maybe because air has refreshing abilities that replenished my lost energy. Sa tagal ng paghabol ko sa kanya ay nalampasan ko na ang maliit na sapa sa loob ng kagubatang ito ng akademya. Kinakabahan na rin ako dahil nasa malalim na parte na ako ng kagubatan na hindi ko pa nagawang puntahan noon.

Narinig ko naman ulit ang babala ni Avery. "Be careful of the woods."

But I can't stop now because I'm already a step closer to catching the culprit. Baka ganito rin ang naramdaman ni Ella kaya napupunta sa wala ang mga bilin at paalala ko sa kanya. It's pretty hard to control yourself when you know that you're about to reach your goal. Because if you stop, the opportunity might not pass again so you should take it while it's still there.

Kahit na mapahamak man ako sa pananaw kong ito, I'd rather take a risk now. Dahil bawat segundo ay importante. Sa magiging desisyon ko nakasalalay ang buhay ni Ella. At kahit ayaw kong isipin, may posibilidad na baka hindi ko na makitang muli ang matalik kong kaibigan kung hindi ko susundin ang aking instinct.

Ophelia went deeper into the woods and I kept trailing behind her. Close but not close enough for her to sense someone following her. Kailangan ko ring mag-ingat dahil hindi ko magagawang iligtas ang kaibigan ko kung ako ang unang mapapahamak.

But I stopped on my tracks when I saw Ophelia just simply vanished. Ikinusot ko pa ang aking mga mata bago ko inilibot ang aking paningin. Inis naman akong napadabog dahil nawala ko ang taong makapagbibigay sa akin ng mga kasagutan.

Sa parte ng kagubatan kung saan ko nakitang naglaho si Ophelia ay nakakita ako ng isang higanteng bato. The boulder reeked of enchanted energy that's why I decided not to test my earth abilities on it. Nang igala ko pa ang aking paningin ay napahawak ako sa aking dibdib. I didn't know that the Stronghold was protected by a large wall that extended up above. Hindi ko na makita ang tuktok nito dahil sa taas nitong nakakalula. Para akong langgam ngayong nakatingala rito sa baba.

The forest bordering the academy was always shrouded in mist and it obscured my vision effectively, rendering me unable to see that there's indeed a wall enclosing us. Hindi ko alam kung bakit kailangan ng ganitong kalaki at kalawak na pader na pumapalibot sa akademya. The Stronghold is managed by the strongest preceptors and commanders.

Para saan ba talaga ito? Was it to prevent trainees from escaping? Or to stop enemies from attacking the Stronghold?

Hindi ko inaasahan ang pagwawala ng aking puso dahil sa pangamba nang may maramdaman akong mga bagong presensiya. Basing on their footsteps coming toward me, masasabi kong lima sila.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now