And it's undeniable that I have a lot of catching up to do. But having these two people with me today eased my senses and made me relax for a while. Dahil alam kong panandalian lang ang kapayapaang ito. Dahil may laban pa akong dapat ipagpatuloy. At ngayong kababalik ko lang sa realidad, alam kong maraming pagbabago ang susubok sa akin at mga problema rin.

Before, I still have my doubts but now, I think I'm ready and brave enough to surge forward.

Bumuka ang bibig ni Ella na parang may gustong sabihin sa akin pero natigil iyon nang may pumasok ulit sa kuwarto.

"I heard that you're already awake," panimula naman ni Avery at napangiti rin ako nang makita ang kagalakan sa kanyang mukha. May dala siyang maliit na vial na may lamang maputlang berdeng likido. Iniabot niya rin sa akin ang potion pagkatapos.

"You can take this replenishing potion before eating. After sleeping for many days, baka namamaguhan pa ang katawan mo sa paggalaw. This mixture can help you restore your strength. I also prepared the courtyard for you and your friends. Pwede kayong kumain doon sa labas para makalanghap ka na ulit ng sariwang hangin," mahabang pahayag ni Avery. Napatango na lang din ako dahil totoo nga ang sinabi niya. Dahil nang tanggapin ko na ang iniabot niya sa akin, halos mabitawan ko ang lalagyan dahil parang hindi pa sanay ang daliri at kamay ko sa pagkilos.

"Thank you, Avery!" pasasalamat ko naman sa Head ng Healing Camp. Ella and Gale also echoed my words of gratitude before Avery excused herself because she still have to finish her other obligations inside the infirmary.

"Wow! Parang manamis-namis," rinig ko namang komento ni Ella habang nakatingin sa hawak ko. Natawa na lang ako sa kanya bago ko nilagok at inubos ang laman nun. Naramdaman ko naman ang malamig na sensasyong dumaloy sa aking katawan na dulot ng potion. Napanbilib ako dahil umepekto kaagad ito dahil sa ilang subok ko lang ay nagagalaw ko na ng maayos ang aking katawan.

Pero nang agaran akong tumayo ay muntik na akong matumba. Laking pasasalamat ko na lang dahil nahila ako ng dalawa kong kaibigan kaya hindi iyon natuloy. "Huwag mo munang biglain ang sarili mo, Blaire. Keep your movements small and slow right now. Nag-aadjust pa kasi ang katawan mo," payo naman sa akin ni Gale.

"Nagmamadali lang kasi siya dahil gusto na niyang makita si Asher," litanya naman ni Ella at bago ko pa siya mabatukan ay nakaiwas na siya.

Kinindatan naman ako ng huli. "I'm prepared," sambit ni Ella at nakapameywang pa.

"Baliw," sambit ko kaya kahit si Gale na kasalukuyan akong inaalalayan at natawa na rin. Sabay na kaming tatlong lumabas sa malawak na pintuang magdadala sa amin sa inner courtyard ng kampo. May nakita naman kaming wooden bench doon at doon din kami umupo. I smiled once again as a passing wind brushed my cheek. Pero naglaho rin iyon kaagad dahil may iba akong naramdaman nang dumampi ang hangin sa aking balat.

I brushed that thought away as I focused on the food served before me. Walang babala na rin akong lumamon na gumulat sa dalawa kong kasama. But they just chuckled it off and joined me afterwards. In the middle of eating, I asked them both.

"Kumusta naman pala ang Stronghold? How's the training?"

Hindi ko inaasahang sa dalawang tanong kong iyon ay nagbago bigla ang mood ng dalawa. Nagkatinginan pa sila at naghintayan kung sino ang sasagot sa akin. Pero sa huli ay si Ella rin ang nagsalita.

"Okay naman ang pagsasanay namin," wika niya at parang may balak pa siyang sabihan pero hindi niya iyon pinatapos.

"May hindi ba dapat akong malaman?" tanong ko ulit kina Ella at Gale. Kanina pa kasi sila nagpapalitan ng tingin. There are things that they won't to tell me. Or maybe they're waiting for the right timing to do so.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now