My Untold Story (Parts 1 & 2)

Start from the beginning
                                    

Lolo seper: umalis na siya
Parang kaming nabunotan ng malaking toothpick sa dibdib nun tapos nagkakagulo kami sa loob kasi kanya kanya ng kuha at ayos ng gamit.
Ako: tara pre uwi na tayo
Jan: tanga ka? Alas 11 ng gabi? Maglalakad lang tayo pauwi?
Ako: bahala na basta umalis na tayo dito.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtatalo ng biglang may sumitsit.
Yung malakas na sitsit natahimik kami tapos tumingin kami kay lolo seper, tingin din siya samin. Isang sitsit pa ulit. Siksikan na kami kay lolo seper, di namin alam kung nasaan yung sumisitsit pero parang nasa loob lang ng bahay.

Lolo seper: binalikan tayo may kasalanan kayo, isa narin ang dahilan na dayo kayo dito.
Bakas sa mukha namin yung pagtataka. Anong kasalanan namin?

Siguro siya yung lalaking nakatambay sa gilid ng kalsada, natamaan ko yun nung pagpitik ko ng sigarilyo. Nung nakasakay pa tayo sa habal-habal, sesenyas sana ako ng sorry kaso nahirapan akong gumalaw kasi sa dala kong bag. Siya rin yung nakasalubong natin kanina. Nagtataka nga ako nun kasi bat nandun siya agad eh nauna tayo. Pero nawala sa isip ko yun kasi nagtatawanan tayo tapos nagkasalubong kami ng tingin habang tumatawa ako. Siguro iniisip niyang pinagtatawanan ko siya sa nangyari sambit ni patrick

Ang haba pero ewan ko kung mapopost to, pero kung mapopost man to salamat admin Chai.

Part 2

Dalawa? Tatlo? Apat? Ewan ko kung ilan na sila. Basta madami yung tunog sa labas. Tapos may naglalakad sa bobong, eh gawa lang sa pawid makikita mo yung paglubog nun kada hakbang nung nilalang na nasa itaas.
Puro "kikik kikik" naririnig ko. Kinakalmot yung plywood nung mga kuku nila ng dahan dahan ang pangit pakinggan.
Parang lalabas na puso ko nun sa dibdib. May tumawag ulit.
Patrick! Patrick! Hanap kana ni mama!
Ka boses ng kapatid niyang si anton.

Patrick: gago ka pak u ka, mamatay kana! Wag mo idamay mama ko.
Sa galit niya binuksan niya yung bintana.
Mga potang ina niyo pasok! Mga gago!
Kinuwelyuhan ko si patrick nun bat niya ginawa yun.

Alex: ano trick? Gusto mo nang mamatay ha? Lumabas ka wag mo kaming idamay!
Pota pre ayoko pang mamatay dito sabi patricn. Babawi pa ako sa magulang ko lalo na kay mama pre, babawi pa ako. Habang nakayuko siya at umiiyak. Biglang pumasok sa isip ko sila mama. Tang ina di ako naiyak bagkos lumakas ang loob ko.
Alex: makakauwi tayo pre makakauwi tayo. Mamaaaaa gusto ko ng umuwi
Sinambit niya yung mama natawa ako ng beri light nun ang pogal ni alex.

Lolo seper: kung nasan yung naglalakad sa taas tusukin niyo.
Busy kami sa pagbabantay sa itaas para kaming naghihitay na mahulog yung bayabas. Tusok dito tusok doon. Yung feeling na nakaka excite pero at the same time nakakatakot, ganun na ganun.

Hanggang sa nawala na yung pag lalakad sa bubong. Then boom! Halos tumalon kami sa gulat. Sinapak yung dingding. Butas at lumusot yung kamay ang langis ng kamay na yun tsaka labas mga ugat niya. pasmasdo yata aswang na yun. Nasa gitna kami kumpulan bawal ka sumandal sa dingding kung nais mo pang makauwi ng buo o buhay.

Kasi naman nasa paligid lang sila, sumilip pa yung aswang, kulay pula yung mata yung hindi umiilaw yung parang naka contact lense siya na kulay pula. Tapos ginigiba niya pinapalaki niya yung butas. Wala kaming magawa lahat kami na'stun. Nung hatawin na ng itak ni lolo seper saka pa kami natauhan.

Defend the tower pala buti nalang di natamaan si gago putol kamay niya nun.

Patrick: yung empe! Yung empe!
Alex: gagawin mo na parang holy water?
Patrick: hindi iinom ako!
Alex: gago!
Patrick: pampalakas ng loob!

Lahat kami uminom one shot. Tapos seryoso na ako nun, tapos paglingon ko sa kanila ganun din, parang handa na kaming harapin kung ano man panganib na naka amba. Di ko alam yung mga dasal na pangontra sa mga ganyan, kaya our father, holy mary at glory be yung dinadasal ko, nilalakasan ko yung boses ko. Sumasabat din sila. Para kaming nag vidjel nun. Medyo lumaki yung butas, sumilip yung isa. Ngiting demonyo si tanga. Binuhosan ni lolo seper ng tubig na may kahalong asin at bawang. Napaksiw si tanga! Hanggang sa di namin namalayan paumaga na pala. Nag aagaw na ang dilim at liwanag. Sa awa ng panginoon nawala na sila. Sa wakas! Pero walang kumpyansa parin. Di kami lumabas at nakabantay parin. kinabukasan sinamahan kami ni lolo seper papunta sa bahay ng sinasabi niyang aswang.

Yun na yata ang pinakamahabang gabi na naranasan ko sa talambuhay ko. Maski sa panaginip eh hindi ko inaasahan ang ganung pangyayari.

Jan: lolo uuwi na kami, tara pre.
Kahit wala pa kaming kain eh minadali na naming ayosin ang mga gamit at ready to go na.
Lolo seper: wag muna kayong umalis kasiii
Ako: hindi na lo, ayoko nang magtagal pa dito baka pantay na mga paa namin kapag tumagal pa kami dito ng isang araw.
Lolo seper: mga bata, kinakailangan niyo pang puntahan ang bahay ng aswang at humingi ng tawad, iba magalit ang mga yun at tiyak na susundan kayo hanggang sa paguwi niyo sa inyong mga bahay.
Ako: kahit na! Kahit na gusto ko ng umuwi eh pupunta muna tayo sa bahay ng aswang na yun at mag sorry.
Alex: kala mo talaga matapang, ehh lolo malayo na po samin kinakailangan niya pang sumakay ng bus para marating yung lugar namin.
Lolo seper: may sasakyan sila, yung inaalagaan nilang segben. Natatawa pa siya nun habang sinabi niya yan.

Gustohin man naming umuwi ng agaran eh kinakailangan pa naming humingi ng tawad, di bali na kasama naman namin si lolo seper.

Tao po! Tao po! Sigaw ni lolo kasi naman bukas yung gate na gawa sa kawayan, nakabakod kasi eh gawa rin sa kawayan, bat di nalang kami dumiretso at kumatok sa mismong pintoan nila.

May nagbukas ng pinto, lalaki bata pa mga tantsa ko nala 12-14 palang edad nun.
Bata: napagiliw ka lolo seper, ano sadya niyo po?
Lolo seper: andyan ba si pareng gardo? Patawag naman.

Sinara niya yung pinto at ilang minuto pay bumukas uli yung pinto. Hali kayo, pasok. Malamig na tugon ng babae, asawa yata yun.

Jodel: parang hindi tayo welcome. Tara na at umuwi nalang kasi tayo.
Patrick: sige umuwi ma mag-isa mo gusto mo yatang punitin nila tiyan mo at kalkalin yang laman loob mo.
Sinabi ni yun habang kinakalmot niya yung tiyan niya. Napalunok si jodel nun.

Natatakot pa kami nun tulakan kung sino susunod kay lolo seper. Ini imagine ko yung loob ng bahay nila maraming garapon at doon nilalagay yung mga laman loob ng mga biktima niya gaya ng nakikita ko sa mga palabas. Pero hindi, normal lang din. Pagpasok namin may lalaking nakaupo sa stall, si gardo yata yun, suminyas siya sa asawa niya kaya pumasok naman yung mag ina sa kwarto nila.

Moreno, hindi pango at hindi rin matangos yung ilong sakto lang, barbers yata yung gupit. masama yung tingin pero nakangiti, ganun din si lolo seper. Ang init ng titigan nila.

Gardo: napasadya ka per,
Seper: patawarin mo na tong mga bata, dayo lang kasi sila dito.
Gardo: anong sinasabi mo? Wala namang kasalanan sakin yang mga yan haha
Napangiti ng plastic si gardo
Seper: alam ko na gardo di mo maitatanggi yan kahit tignan pa natin ang kamay ng panganay mong lalaki kung walang peklat ng hiwa ay aalis agad kami.
Gardo: ikaw!
Tinuro niya ako, trages nanlaki mata ko
Gardo: hindi yang nasa likod mo
Buti naman kala ko ako, huy patrick wag kang magtago.
Gardo: tinatakot ko lang kayo nun para bigyan kayo ng leksyon na matutong gumalang lalo nat dayo kayo at hindi niyo alam kung sino ang binabangga niyo.

So...sorry po talaga manong gardo, di ko po sinasadya.
Lolo seper: yun naman pala hindi sinasadya.
Inangat ni lolo seper ang kamay niya upang makadaupang palad si gardo. Ang init parin ng titigan nila, hinihintay ko nga sino unang kukurap tapos kukutosan yung talo.
Gardo: basta ikaw seper, wag lang nilang uulitin yun. Nag almusal naba kayo? Dito na kayo kumain.
Kanya kanya sabi na busog na daw kami kahit uma albutoro na mga tiyan namin. Baka kasi kapitbahay nila yung ihahain samin ehh.

Seper: yun lamang at kami ay tutuloy na.
Gardo: per sa huling pagkakataon, hindi ako o kami ang pumatay kay cris ibang aswang yun. At alam kong hindi mo ko paniniwalaan.
Seper: kayong dalawa ang huling nagsama sa gubat. Hindi ako makasama nun kasi may sakit ako. Kaya sino pa yung paghihinalaan ko? Ikaw lang gardo, ikaw lang.
Marahan niyang sinabi yun habang naka sarado dalawa niyang kamao.

Gardo: hindi ko magagwa yun sa kaniya seper lalo nat matalik natin siyang kaibigan.
Nagulat kami sa narinig namin magkaibigan pala silang tatlo. Pero nagugulohan parin kami sa pagkamatay ni cris. Lumakad na kami palabas sa bakod nila, humabol ng lingon si lolo seper,

Seper: tandaan mo gardo, kahit sino sainyo wag magpapakita sakin na anyong aswang dahil hahanapin ko ang hustisya para kay cris.

Pinipilit namin siyang mag kwento tungkol kay cris pero ang sabi niya lang mas bata samin yun, 34 pero itinuring na naming bunso si cris. At yun lang ang sinabi niya.

Kapag tayo ay dadayo po, kung maari ay ingatan natin ang ating mga kilos at matutong gumalang kahit hindi natin kilala. Di natin alam kung anong uri ng tao at ugali meron sila. Hanggang sa muli. Salamat admin chai.

Sxmon

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now