Maristella (Parts 1-4)

Start from the beginning
                                    

Part 2

ATTENTION!
•Nabasa ko comment and sad to say na bash ako dahil wala daw Belgian Sheperd na aso. Halatang mangmang at walang alam nagyayabang sa comment. Asal aso rin eh.

[Continuation]

Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Stella sakin nagtaka ako kung ano ang ibig sabihin nya. Kaya lumingon ako at sinabi na "Ano bang pinag..., ayun nawala kana naman bigla." Sambit ko sa sarili ko. Siguro nasa paligid lang si Stella nagmamasid kaya pinabayaan ko nalang. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan at pumasok na sa opisina para sa interview, at magpapasa ng mga papeles. 30 minutes ang nakalipas at natapos narin kami kasama si Tito Ben sa opisina. Malapit na mag 6PM kaya sinamahan nya ako sa canteen namin. "Oh sge iho jan ka kakain habang ako doon sa kabila kasama ng mga iba pang instructor din. Mag hanap kana jan ng mga kasama mo." Anya ni Tito Ben sakin. "Opo Tito wag po kayong mag aalala." Sagot ko naman sa kanya. Pag pasok ko doon napaka tahimik ng canteen. Lima pa pala kaming estudyante na narito. Sila sina Jeff, Daryl, Marcus, Ed, at Ako. Expected ko kase marami kami, pero sa palagay ko madadagdagan ma kami dito. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain nag hanap ako ng pwesto ko. Biglang lumapit ang isa sa kanila at umupo sa tapat ko, si Jeff. Madaldal din itong si Jeff at maraming tanong, parang radyo di mauubusan ng mga salita. "Oy mga bruh ! May bago tayong kasama ! Si Giann nga pala." Sigaw ni Jeff sa mga kasamahan namin habang kumakain. Nag kawayan lang kami at nag kamustahan sa isa't isa. Di kalayuan sa inuupuan ko, sa likuran ni Jeff may bintana. Naka silip lang si Stella tapos kaway sya ng kaway. Isip bata talaga, may palabas-labas pa ng dila tapos mukhang nang aasar. Sa isipan ko nasabi ko talaga na "Andito na naman si Stella, ano naman kayang kalokohan gagawin nito." Sumemyas sya na papasok daw sya. Malayo ang tingin ko habang si Jeff salita ng salita sakin. Alam ko mang-iistorbo na naman to kaya padilat-dilat ako ng mata sa kanya at sumenyas na wag pumasok. "Anong ginagawa mo bruh?" Tanong ni Jeff sakin. "Ahh ano lang ah wala bruh haha nakoo patay tayo ditoo..." sagot ko kay Jeff habang pahina ng pahina ang boses ko. Biglang sumulpot si Stella sa tabi ni Jeff. Dalawa silang naka harap sakin ngunit nakikinig lang si Stella sa pinagsasalita namin. Pilit kunin ni Stella ang attention ko sa pamamaraan na parang nang aakit na. May pa kindat-kindat at may pa nguso-nguso pa. "Bweset ka tumigil kana Stella." Bulong ko habang naka tingin ako sa pagkain ko. "Ano yun bruh?" Tanong ni Jeff sakin. "Ano lang bruh sarap pala ng pagkain dito no? Aheheh" sagot ko sa kanya habang patuloy sya sa pag k'kwento nya. Pilit na ayaw kong pansinin si Stella dahil mapagkakamalan na akong baliw ni Jeff pag paulit-ulit nalang akong ganto. Kaya ang ginawa ko tinutok ko lang ang mata ko sa pagkain ko habang tango lang ako ng tango sa mga pinagsasabi ni Jeff. "Ahhh ayaw moko pansinin Giann ah." Sambit ni Stella sakin at bigla nalang syang nag tatakbo at pinag hahampas nya ang mga kagamitan sa loob. Binasag nya yung ibang baso, nilaglag nya ang mga tinidor at kutsara pati na yung mga gamit sa pag luluto. Pagkatapos kinuha nya yung megaphone tapos nag sisigaw ng malakas at nakakatakot. Naalarma ang lahat at mukhang gulat na gulat sa pangyayari, habang si Stella nman halos mamatay matay sa kaka tawa. Si Marcus, Ed at si Darly halatang matatakutin dahil tumakbo sila palabas ng canteen at iniwanan ang pagkain nila. Si Jeff naman nararamdaman ko na nanginginig ang tuhod nya at pinagpawisan na. Pero pinilit nya parin maging kalmado kahit takot na takot na. "Nga pala bruh, ingat-ingat ka sa lugar na to, maraming ligaw na kaluluwa at mga maligno na pakalat-kalat dito sa camp natin. Nag tanong ako sa mga bahay na malapit lang sa camp na to dati daw itong pinagtatapunan ng mga patay. Hindi ko alam kung totoo ba sinasabi nila pero mararamdaman mo talaga ang ingay at mga ginagawa nila." Anya ni Jeff sakin habang sumabat naman bigla si Stella at sinabi na "Blaaaah! Ka lalaking tao nyo matatakutin kayo, bakla." Habang tumatawa. "Lalo na dun sa Lumang bahay na pagtatambakan ng mga di na magagamit, nararamdaman kong may namamalagi doon na nakakatakot at panget na multo dun." Sabi ni Jeff sakin. Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa sa sinabi nya. Napikon si Stella kaya binalibag nya ang plato ni Jeff na may pagkain pa at napatigil sa pag sasalita si Jeff. Tinakpan ko ang mukha ko dahil alam kong matatawa ako sa mga pangyayari. Pagkaraan ng limang minuto lumabas na kami ni Jeff sa canteen kasama si Stella na nasa gilid ko lang at mukhang nagtatampo. "Sasakakalin kita mamaya sa pag tulog mo." Sabi ni Stella habang naka tingin kay Jeff. "Oh bruh Giann, pano ba yan mauna na muna ako sayong bumaba't mag yoyosi pa ako at matutulog na din." Sabi ni Jeff sakin. "Oh sge bruh maya na muna ako bababa't tatawag pa ako sa Mama ko para kumustahin sila, hihintayin ko din si Tito Ben." Sagot ko naman kay Jeff. Pagkatapos nun ay bumaba na si Jeff at kami ni Stella nalang ang naiwan sa labas ng canteen. Tumingin ako kay Stella at mukhang na badtrip sa sinabi ni Jeff. "Wag mo na pansinin yon..." sabi ko kay Stella. Di ko alam pero natatawa talaga ako sa nangyari at bigla akong napatawa ng malakas. "Ahh tatawa tawa ka ah." Sabi ni Stella sakin at bigla nya akong sinabunutan. Pagkaraan ng ilang minutong sabunutan at harutan humarap ako sa kanya. Nag titigan kaming dalawa, tahimik, at walang imik. Di ko mapigilan kaya nag salita ako at sinabi na "Pwede ba Stella.. ahhhh." "Na ano Giann?" Sagot naman ni Stella sakin. "Pwede ba naaaaa... uhmm.... anoooooo ahh... pwede ba mag bihis ka naman ng maayos? Kasi halos mag hubad kana sa harapan ko eh, nakaka ilang." Habang sinasabi ko sa kanya yan binaling ko ang tingin ko at pumikit, tapos pa gaway-gaway ng dalawang kamay tas naka silip ang isang mata. "Ahhhhh ahehe g-ganun ba? Akala ko kung ano na sasabihin mo eh, maliit na bagay ehehe. Bakit ano ba gusto mong suot ko?". Tanong no Stella sakin. "Yung medyo pormal naman di yung ganyan, yung naka T-shirt, tas ano ahehae mag short ka pero di gaanong makili." Sagot ko kay Stella. "Bukas na Giann, matulog kana't para narin makapag pahinga ka ng maaga." Sagot rin ni Stella sakin. Nagpaalam na kami sa isa't isa ni Stella dahil bababa na ako. Akmang tatalikod na ako ng biglang may sumigaw ng malakas sa CR ng mga lalake sa babae malapit sa Barracks. "Boses ni Jeff yun ah!" Sabi ko kay Stella at agad na bumaba kami para puntahan si Jeff. Pagkarating ko sa CR ng mga lalake naka upo lang sa gilid si Jeff habang nanginginig. Punong-puno ang CR ng mga nagkalat na dugo sa pader at may biglang nakapasok na uwak mula sa bintana papasok sa CR. Bigla rin itong nalaglag sa sahig habang nagliparan ang mga itim na balahibo nito sa loob ng CR. Hinatak ko si Jeff palabas ng CR at itinakbo ko sya papalayo. Nang maka rating kami sa ground ay pinakalma ko sya at tinanong kung ano ang nangyari. Ang sabi nya pagkatapos nyang mag CR humarap sya sa may malaking salamin. Nag iba daw ang itsura nya na tila ba nakakatakot. Bigla nalang daw syang nakarinig ng kakaibang boses at unti-unting nahihilo at nagsilabasan daw ang mga dugo mula sa gripo. "Siguro nagalit sakin yung multo dahil sa sinabi ko kanina." Anya ni Jeff sakin. Nagtaka ako dahil ang may gawa nun kanina sa canteen ay si Stella. Kasama ko rin sya mula pag labas hanggang sa pag punta sa kinaroroonan ni Jeff. Bigla kong naalala na naiwan ko si Stella sa CR kaya bigla akong tumayo at sinabi kay Jeff na "Teka lang bruh babalik rin ako." At tumakbo papunta sa kinarorooonan na Stella. "Oyy wag mokong iwan dito bruh!" Sigaw namn ni Jeff sakin habang palayo ako ng palayo sa kanya. Habang papalapit ako sa CR naaninag ko si Stella, parang may kausap. Dahan-dahan akong nag masid sa kanya at nag tago sa gilid ng pader. Nagtataka ako, si Stella nakikita ko, pero yung kausap nya hindi at anino lang ang naaninag ko. Nakarinig ako ng sigaw nila Tito at iba pang kasamahan nya. Kaya napalingon ako, pag lingon ko pabalik bigla nalang naglaho si Stella at ang anino na nakausap nya. Kinabukasan, inimbestigahan ang nangyari. Napag alaman ni Tito Ben at iba pang mga nagta'trabaho sa camp na may nag lagay ng patay at duguan na aso sa loob ng water tank. Pinakiusapan ako ni Tito na kung maari ay maging tahimik at tikom ang bibig ko sa lahat ng pangyayari. Inaalam pa nila ang buong pangyayari at kung sino ang may gawa nito. Napansin ko hindi ako kinulit ngayong umaga ni Stella kaya napagdesisyunan ko na pagkatapos kumain, pumunta agad ako sa lumang bahay. Pagkarating ko doon ng biglang..

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now