CHAPTER 41:TEAM BUILDING

3.2K 60 1
                                    

CALVIN POV:

"Asan na sila Sophie at Khian?" -Tanong ko sa buong grupo

"Baka nag-eenjoy pa, Sir. Kanina ko pa yun naririnig na nagkukulitan eh."-Sabat ni Jhenny

"Fine. We need to start this activity."

         Hindi ko parin maipagkakailala na nagseselos ako pero gaya ng iba ano bang karapatan ko para maramdaman yun? Naiinis ako kay Khian hindi dahil siya ang gusto ni Sophie kaysa sa akin pero dahil sa hindi niya kayang ipaglaban si Sophie.Hindi ko alam kung anong meron sa nakaraan niya para hindi bitawan yun para kay Sophie. Oo alam kong mahal ni Khian si Sophie at ganun rin sa kanya si Sophie pero dahil sa isang nakaraan hindi ni Khian na makalimutan pati si Sophie hindi niya na napapansin na nasasaktan niya na.

        Mahal ko si Sophie pero kahit na mahal ko siya kaya kong siyang ipaubaya dahil mahal ko siya, hindi dahil kagaya ako ni Khian na isang duwag na bumabalik sa nakaraan.Binabalak ko na sana bumalik sa US para makalimutan si Sophie pero dahil sa hindi pa sigurado si Khian sa kanyang nararamdaman sa tingin ko hindi ako matutuloy.Magpapaubaya na sana talaga ako pero sa mga narinig ko sa mga sinabi ni Khian kanina napagdesisyunan ko ng hindi muna tumuloy. Para tingnan kung anong kaya niyang gawin para ipaglaban si Sophie.

"Sorry guys, we're late."-Khian, nakaakbay siya kay Sophie.

"Ikaw Sir, masyado mong pinagod si Sophie. Ang aga aga pa."-Sabat ni Anthony.Nagtawanan naman ang lahat pero kitang kita ko kay Sophie ang pagpula ng kanyang mukha.

"Ganyan talaga kapag bagong kasal, ineenjoy pa nila ang isa't isa."-Sabat ni Mary Jane.

"Stop that, we need to start." -Pagkuha ko nang atensyon ng lahat.

         Napansin kong nakat-shirt si Sophie na damit pa ni Khian.Ipinatong niya yun sa dress na suot niya. Nakikita ko naman na nagiging concern si Khian kay Sophie pero kahit ganun hindi niya parin malaman kung ano ang tunay na nararamdaman niya para kay Sophie dahil kung hindi niya naman talaga gusto si Sophie hindi siya nagkakaganun.Nakikita ko ang mga pagbabago kay Khian nang dumating sa buhay niya si Sophie, ngayon nagiging konserbatibo siya para kay Sophie na kung dati kung makakita nang nakasuot na babae na maluwag at yung tipong pangmanang asar na asar na siya.

"This is the first activity. We need to build our trust to each other. So, in every group there are 5 to 6 person. You may find your groupmates now."-Nagkagulo sila.

   Magkakagrupo sina Khian,Sophie, Jhenny, Mary Jane, Elise at Anthony. Sila Britanny, Trixie,Paulo (bakla), Shiny, Stephie,Mimi at may 3 pang ibang grupo.

"In this activity, all of us need to be focus cause if you won't, one of your member would be in risk. So the first rule, all of the group members need to choose one of their subordinate that you all know who have confidence and strength to face everything.If you choose that person, no one can back out. You have three minutes to choose. Go!" -Nagkagulo na nga sila.

THIRD PERSON POV:

"Oh sino ang atin?"-Anthony

"Ikaw nalang kaya Sir Khian?" -Jhenny

"Guys, I can't. Dapat babae ang piliin natin dahil kung tama ang nasa isip ko na ipapagawa ni Calvin mahihirapan kayo kung ako ang pipiliin niyo."-Khian

"Ikaw Sir palusot ka pa! Hahaha!"-Tawang tawang sabi ni Mary Jane

"Huwag naman kayong ganyan kay Sir Khian baka tama siya.Mas advantage rin sa atin kung babae ang pipiliin natin kasi kung sakaling buhatan or anything mas madali natin yun magagawa."-Elise

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now