CHAPTER 35:HEARTBREAK

3.4K 50 3
                                    

ELISE POV:

      Niyakap ko ang mga tuhod ko na akala mo'y nilalamig. Matagal ako na nakaganoon akala ko ako nalang ang nasa punong yun kaso..

"Oh eto kunin mo, kainin mo na rin medyo gabi na rin baka hindi ka pa kumakain at pampakalma na rin."-Napatingin ako sa inooffer niya sa akin at kinuha ko na rin kanina pa kasi rin nagrereklamo ang tiyan ko.

"Cake?"-Napatanong ako bigla sa kanya. Kasing laki ng isang platito yung cake na binigay niya sa akin. Strawberry flavor dahil nakita ko kaagad yung nakaibabaw na strawberry na isa sa mga favorite ko.

"Ayaw mo ba?"-Parang may panghihinayang niyang tanong sa akin.

"Huh? Syempre hindi no, eto kaya ang favorite na flavor ko."-Natutuwang sabi ko sa kanya.

"Ah akala ko ayaw mo, wala kasi akong maisip na ibili sayo kanina. Hindi ko rin naman naitanong sayo ang gusto mo."-At binuksan ko na nga yung cake na mula sa karton, ganun rin ang ginawa niya.

"Oh bakit mo tinanggal?" -Nagulat ako nung tanggalin niya yung strawberry toppings dun sa cake.

"Huh eto ba? Mahilig ako sa strawberry flavor kaso ayaw ko kainin ang mismong strawberry."-Parang nahihiya niyang sabi sa akin. Ang weird lang.

"Huh bakit naman? Parang ang gulo naman nun? Gusto mo yung lasa kaso ayaw mo ng mismong pinagkunan ng lasa? Niloloko mo ata ako eh."-Totoo naman kasi para niya akong niloloko.

"Hindi, may nakapagsabi kasi sa akin dati kapag tinititigan raw niya ang strawberry parang nagmamakaawa raw ito sa kanya. Kaya bilang alaala ko sa kanya ginawa ko rin yung ginawa niya tinatanggal ko ang strawberry kapag kinakain ko." -Parang may binabalikan siyang nakaraan habang kinukwento niya yun sa akin.

"Ganun ba? Kung gusto mo ako nalang kakain ng mga strawberry na ayaw mo? Umm. Sayang naman."-dugtong ko at nakangiti kong sabi sa kanya.Nagulat ako sa reaksyon niya parang may pagkagulat. Ewan ko ba? Nagmamalasakit lang naman ako kasi ayaw ko lang naman na may nasayang sabi kasi ng magulang ko kung kayang ubusin dapat ubusin bawal itaboy ang grasya at isa pa mahal rin to no!

"Oh sige."-Inabot niya sa akin yung cake at kinuha ko naman yung strawberry sa ibabaw nun.

"Thank you."-Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Wait lang parang narinig ko na yang boses mo. I'm sure na narinig ko na talaga yang boses mo eh.San ko na nga ba narinig yun?"

CALVIN POV:

"Tok tok!"

"Come in."

"Sir, bakit niyo po ako pinatawag?"-Bungad sa akin ni Sophie.

"Can ask you for a date?" -Halatang nagulat siya pagkabungad na tanong ko sa kanya.

"Po?"-hindi pa rin maalis ang gulat niya parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

"Don't worry Sophie. I had asked it to Khian but I wanted to confirm to you?"

"Oh sige po."-Pahinto hinto niyang sagot.

       This is the time, I wanted Sophie go with me for a date cause this is the special day. I wanted to ask her, if she can be my girlfriend? I told it to Khian after an hour.

SOPHIA POV:

"Sophie can I be your boyfriend?"-Nagulat ako sa tanong na lumabas sa bibig ni Calvin. Walang reaksyon na maipinta sa mukha ko ngayon.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now