CHAPTER 58: BLUE UMBRELLA

2.7K 38 1
                                    

SOPHIA POV:

"Best, anong gusto mong orderin?" Best

Nasa isang coffee shop kaming tatlo nina Best at ni Tol. 

"Frapuccino nalang." Sagot ko

"Ikaw Sir Calvin?" Best

"Coffee. Thanks." Isang matamis na ngiti ang sinagot ni Best kay Calvin.

"Umm. Sophia kamusta na?" Nakatingin siya sa akin. Halatang halata sa kanyang mga mata ang bakas na nag-aalala parin siya.

"Eto medyo umookay na rin kahit paano." Pasaglit akong ngumiti sa kanya kahit hindi naman talaga.

"Buti naman. Wala pa rin bang balita kay Khian?" Ngumiti siya sa akin para pagaanin ang loob ko.

"Meron na rin naman kahit paano. Sabi nung isang taong hinire ni Lolo may tao raw na nakakita ng nangyari sa aksidente." Malungkot kong saad.

"Oh anong nangyari?" Nacucurious niyang tanong

"Kaso yung taong nakakita raw nung aksidente biglang nawala nung mismong araw nung kakausapin na siya ni Lolo." Nakatingin ako sa labas ng coffee shop habang sinasabi yun sa kanya.

"Sayang naman. Bakit naman kaya yun biglang nawala. Nakapagtataka naman." Napatingin din siya mula sa labas na tanaw na tanaw namin ang lakas ng ulan.

"Oo nga eh. Ganun siguro talaga ang kapalaran." Napatingin ako sa kanya.

"Tiwala lang malapit niyo na siya makita." Lahat sila ganun ang sinabi sa akin pero bakit kaysa lumakas ang loob ko ay parang mas pinamumukha nila sa akin ang katotohan?

"It's almost 6 months nung araw ng aksidente pero wala paring response na nangyayari. Parang nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Di ko na alam ang iisipin pero sana naman makita ko parin siya." Naluluha na naman ako sa takot sa mga posibilidad na bumabagabag sa utak ko

"Order niyo po." Pabiglang sulpot ni Best kaya nagulat ako.

"Ano ka naman Best!" Naiirita kong sabi sa kanya.

"Eh mag-eemo ka na naman dyan eh." Pagtataray niya habang binibigay ang Frapuccino ko.

"Salamat." Padabog kong sabi pero pabiro lang 

"Hahahaha!" Sabay tawa nilang dalawa.

Buti nalang na kasama ko ang dalawang to kundi baka nabaliw na ko. Silang dalawa ang nagbibigay sa akin ng pag-asa na makikita ko pa si Khian bukod pa sa pamilya ko. Nakakatuwa at meron akong mga kaibigan na kagaya nila.

"Sir Calvin, babalik ka ba ulit sa kompanya?" Best

"Oo, babalik ako. Kailangan kasi ni Lolo ng tulong sa ngayon at medyo nakakabalita na rin kasi ako na nasa alanganin na ang kompanya simula nung mawala si Khian." Naging mas seryoso ang usapan namin

"Oo nga. Balita ko nga rin marami ng nagrereklamong shareholder tungkol sa kung sino ang uupong bagong CEO sa kompanya, yung hindi na representative. Gusto na nilang maghanap ng kapalit dahil sa tagal na rin na bakante." Nag-usap kami about sa company at kung anu ano pa. Marami nang nangyari dahil sa pagkawala ni Khian. Sobrang dami na. 

Naglakad na kami pabalik ng kompanya ni Best at kasama na rin namin si Tol dahil kakausapin niya si Lolo. Patawid na kami ng pedestrian lane. Kaso bigla itong nagred light. 

Nakapokus ako sa tatawiran ko dahil medyo di maganda ang panahon ngayon kaya di maiiwasan na madulas ang daan at nakapayong kami dahil sa umuulan pero di naman kalakasan kagaya ng kanina. Nakaaninag ako ng isang asul na payong dahil dun ay nakuha nun ang atensyon ko dahil yung kulay asul na yun ang paboritong kulay ni Khian. Naaalala ko pa nga yung kulay nung venue ng kasal namin dahil sa payong na asul na yun. 

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now