CHAPTER 34:MEET MY SAVIOR!

3.4K 63 1
                                    

ELISE POV:

"Oh anong nangyari pa sa inyo? Sure ka na walang nangyari sa inyo kasi kong makangiti ka diyan ngiting tagumpay!" -kasama ko si Best,nagkwekwentuhan lang kami kung anong nangyari sa kanila ni Sir Khian nung gabing ng halloween party! Tapos nalate pa siya ngayon. Parang sinulit ata ang oras na kasama si Sir Khian.

"Wala nga Best parang pang-apat na beses mo na ata yan tinatanong sa akin."-nakukulitan na siya sa akin. Patuloy niya pa ring inayos yung mga dokumento na pinaayos ni Sir Calvin sa kanya. Eh sino ba kasing maniniwala na ganung lang ang nangyari? Eh king makangiti parang nakuha na ang lahat ng kagustuhan niya sa mundo.

"Eh kasi parang hindi kapanipaniwala sa itsura mo ngayon sa sinasabi mong walang nangyari. Para ka kasing nanalo ka sa lotto sa ngiti mong yan!"-pangungulit ko.

"Wala nga promise peksman Mamatay man yung Ipis! Natutuwa lang kasi ako na bati na ulit kami  ni Asungot." -parang nag-iimagine pa siya ngayon sa harapan ko.

"Eh sino ba kasi ang nagsabi sayo na magkaaway kayo? Naisip ko lang ano ba talaga ang nangyari sa inyo. Pahinto hinto ka kasi sa pagkwekwento sa akin. Kwento mo kaya ng buong nangyari sa inyo ng maintindihan ko ng todo todo."-pagtataray ko sa kanya.

"Hahahaha! Oo nga! Kasi ganito yun...."-at kwinento niya ang lahat ang nangyari.

"Feeling ko may gusto yun sayo si Sir Khian! Sa mga da moves palang niya. I feel it Best. This is your time to shine! Hahahaha." -nakita kong nagblush ang mukha ni Best. Hindi ko alam ko dito sa babaeng to hindi marunong makiramdam! Kung ako yun alam ko na! Ang manhid ng Bestfriend ko, Super! Eh halata namang may nararamdaman rin siya kay Sir Khian, ayaw lang umamin ng isang to!

"Sira! Impossible yun! Ako magugustuhan nun? Baka na pagnarinig niya yang sinabi mo eh masuka pa siya at matawa sayo! Naiimagine imagine ko lang!"-Naging busy ulit siya sa ginagawa niya. Napasandal nalang tuloy ako sa upuan. Kunwari pa to for sure kilig to the max na to ngayon kung wala lang ako! Kunwari pa!

      Parang nasa indenial stages tong bestfriend ko eh. Kulang nalang ata mauntog to para makita niya ang ginagawa sa kanya ni Sir Khian! Alam ko naman na mahal niya na si Sir Khian. Ayaw lang umamin nito ni Best! I feel it when she talked to me about Sir Khian! Ay nosebleed ako dun! Tagalog na nga lang ulit bago ako duguin.

"Kung alam mo lang Best!" -napatingin tuloy ako sa malayo.

      Bigla ko kasing naalala ko yung nakita  ko nung gabi nung halloween party sigurado naman akong hindi naman ako nakainom nung gabing yun pero nakita ko si Sir Khian na hinihila niya si Trixie at parang nag-aaway sila. Dahil dun nanguna na naman ang pagiging chismosa ko. At narinig ko ang lahat hindi ako nagkapagsalita sa narinig ko.Alam kong blinackmail ni Trixie si Sir Khian. Sa sitwasyong yun hindi ako mangingialam dahil alam ko na karapatan na ni Sir Khian na siya ang magsabi nun kay Best. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Sir Khian nung oras na yun.

"Bakit ano ba ang hindi ko nalalaman?"-nakuha ko ang atensyon niya sa sinabi ko.

"Huh? Wala..."-pagtanggi ko.

"At kung may gusto man sa akin yun si Asungot edi dapat nung umpisa palang ay hindi niya na pinayagan na ligawan ako ni Tol."-bulong niya sa akin.

"Ewan ko lang Best."-hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Pwede rin naman kasing may di pagkakaintindihan lang at alam kong may dahilan ang lahat.

"Maiba tayo Best! Bakit mukha kang nalugi nung nakaraang araw?"-napatingin siya akin.

"Ayun ba?"-napatungkod ang dalawa kong siko sa may mesa at ipinatong ang baba ko dun.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now