CHAPTER 10:I'M A SECRETARY!

5.2K 80 2
                                    

SOPHIE POV:

Lumabas ako ng opisina ni Tol ng maraming emosyon. Una natutuwa ako na tumaas ang ranggo ko isa na dun mas mataas ang sweldo ko. Pangalawa naiiyak ako kasi magkakahiwalay na kami ni Elise ng opisina pati na rin si Calvin  at pati rin sa mga ibang kaibigan ko. Pangatlo naiinis ako kasi yung Asungot na yun ang magiging bagong boss ko. Kaasar! Sarap patayin!

FLASHBACK

"Good morning po Sir Calvin!" Nakangiti kong bungad sa kanya.

"Good morning rin Sophie!" Malungkot niyang tugon.

"Meron po bang problema, bakit niyo po ako pinatawag?" Tila kinakabahan ako sa mga sasabihin niya.

"It's not a problem instead it's a good news for you!" Kahit seryoso siya ngayon ang gwapo niya parin. Bakit naiisip ko pa yun?

"Ano po ba yun?" Pormal kong tanong.

"Take a seat." Napakapormal niya ngayon di ako sanay.

"Okay po." Umupo na ang ako. Nakatingin siya sa akin na mas lalong nagpapakaba sa akin.

"Congratualation Ms. Dela Vaga, lilipat ka ng ibang department but unlike in my department you gonna be a secretary." Nagulat ako sa sinabi niya. Ngumiti siya pero di natural na ngiti.

"Sino po ba yung magiging bagong manager ko?"

"He is not a manager but our CEO. My cousin Khian Mercedez." Tila may tunog ng kidlat sa likod ni Tol. Na tila nasa isang Horror movie ako.

"What?" Napatayo pa ako sa sobrang gulat ko.

"And why not?" Naguguluhan niyang tanong.

"Pano po yun nangyari?" Umupo ulit ako at nahiya sa ginawa ko.

"Because the chairman of this company want you to be secretary of the CEO. Nakita niya ang magandang naging performance mo kaya ikaw ang pinili niyang magiging bagong secretary ni Khian and because his previous secretary already passed her resignation letter. You are the best qualified on that position."

"Pero diba po ba masyadong bago pa ako sa industriya na to para maging secretary ng isang CEO?" Naguguluhan kong tanong. Akala ko joke lang nung una, totoo pala.

"As I said a while ago, the chairman of the company want you to be the secretary of the CEO and according to your resume and skill you are very qualified for it." Hindi na ako nakapagsalita. Nakakainis sino ba yang chairman na yan?! Bakit gusto niya ako mapunta sa malaimpyernong lugar na yun?

"You will start at 2pm. Don't be late."

"Ngayong araw po talaga ako lilipat dun?" Di ko na naman napigilan ang bibig ko

"Oo, marami ng gawain ang naiwan dahil ilang araw ng walang sekratarya si Khian." Ano pa bang magagawa ko? I really feel down!

"Sige po, maraming salamat." Palabas na sana ako ng office ni Tol.

"Wait." Humarap ako kay Calvin

"Ano po yun?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kaya mo yan Sophie, never give up!" Nakangiti niyang pagcheer sa akin na alam kong nahalata niya ang pagiging down ko.

"Thank you po Sir sa support." Ngumiti pa ako

"Don't call me Sir, I'm not your Boss anymore. Just call me as your friend." Ngumiti naman ako sa sinabi niya

"Oh sige Tol" Lumabas na ko nun na may halo-halong emosyon

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon