CHAPTER 37:WRONG THOUGHTS!

3.6K 54 1
                                    

KHIAN POV:

"Oo mamaya nalang kapag nakaalis ka na!"-Sigaw niya sa akin. Natatawa ako sa sagot niya sa akin dahil alam kong sobrang hiyang hiya siya ngayon.Naiimagine-imagine ko na nga kung anong itsura niya ngayon.

"Sophia hindi ako aalis kasi hindi ako papasok ngayong araw. Kaya lumabas ka na diyan at kumain na baka lumamig pa ang pagkain na hinanda ko."-Bubuksan ko na sana ang pinto kaso nakalock.

"Ayaw ko nga, mamaya na ako kakain."-Pagmamatigas niya.

"Kapag di ka diyan lumabas papasok ako diyan at bubuhatin kita pababa!"-Tinatakot ko siya para lumabas.

       Mabilis na lumabas siya sa may pintuan at patakbong pumunta sa baba. Natatawa ako sa kanya kasi hindi man lang talaga tumingin sa akin.Sinundan ko siya at umupo sa may tapat niya. Minadali niya ang pagkain niya halos mabulunan na nga.

"Libre naman ata ngumuya diba?"-Pilyo kong tanong sa kanya pero patuloy parin siya paglunok.

"Mag-ingat ka nga sa pagkain,mahirap na baka mabulunan ka."-Concern na sabi ko sa kanya.

       Pero ganun parin siya kumain kaya napilitan akong kunin ang kinakain niya.Masama siyang nakatingin sa akin habang nginunguya ang kinakain niya.

"Ngunguyain mo rin naman pala. Gusto mo pa ba ako ang magpakain sayo?"-Sweet kong sabi.

"TSE!"-Sabay bawi ng platong pinagkakainan niya.

       Natawa ako bigla sa itsura niya para siyang bata. Hindi pa talaga siya makarecover sa nangyari kanina.

"Huwag kang mag-alala walang malisya sa akin na niyakap mo ako. Kaya wag mong isipin yun." -Kaysa sa matuwa siya sa sinabi ko ay bigla pa naman nabulunan.

      Madaling madali kong inabutan siya ng tubig sa baso.Unti unti siyang nakahinga ng maayos. Ewan ko ba bakit siya nabulunan at kung bakit siya parang namumula ngayon. Gusto ko lang naman na pagaanin ang loob niya at huwag na siyang umasta sa akin ngayon na ganun dahil alam ko naman na nahihiya siya sa akin. Pero iba ata ang naisip niya at ganoon ang naging reaksyon niya.

"Hoy ikaw! Sino ang nagsabi sayo na niyakap kita?!"-Habang nakaturo siya sa akin at akala mo'y sisistensyahan niya na ako anytime. Sobra siya ngayong namumula at akala mo sasabog na siya sa sobrang pula niya ngayon.

"Sabi ko sayo wala nga sa akin yun.Kaya wag ka nang mag-alala."-Mahinahon kong sabi.

"Ik--aw!"-Para talaga siyang bomba na malapit ng sumabog.

          Pumunta ako sa may pwesto niya at pinakalma siya.

"Okay...Okay hindi mo na ako niyakap o kung ano man ang naramdaman kong ginawa mo kanina basta kumain ka muna diyan at huwag mo nang isipin ang sinabi ko. Sorry na diba eto yung araw na kailangan nating maggeneral cleaning ng bahay,sobra na rin kasing dumi ng bahay na to."-Sa tingin ko kumalma na siya ngayon.

***********************

"Dun pa sa itaas oh, ang alikabok dun."-Utos ko sa kanya.

"Try mo kaya akong tulungan dito. Ikaw ang mataas kaya ikaw kaya ang gumawa dito."-Mataray niyang sabi sa akin habang nakapamewang.

"Ayaw ko nga madudumihan lang ako kapag ako ang gumawa yan."-Inaasar ko lang siya. Nakakatuwa kasi ang mukha niya kapag naaasar.

"Ang arte mo, akala mo gwapo ka!"-Asar niyang sabi sa akin at pinipilit niyang abutin ang dumi sa may sulok ng bintana.

"May sinasabi ka?"

"Wala PO Sir!"-Inis niyang sagot.

       May kasunduan kasi kami na mapapasakanya ang bahay na to sa isa pang kundisyon, siya ang maglilinis ng buong bahay na to kapag day off niya. Syempre nung una hindi siya pumayag pero unti unti pumayag rin dahil sa sinabi kong tulungan kami sa paglinis, syempre joke lang yun.Hahahaha...

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now