CHAPTER 62: WHAT IS REAL YOU?

2.8K 45 1
                                    

CALVIN POV:

"Anong balita sa pinapaasikaso ko?"  Naghire ako ng detective na inaasign ko para humanap ng impormasyon kay Trixie

"Sir, may nakalap na po kaming impormasyon kay Ms. Trixie May Co."

"Good."

******

"Tol, ano ba yun? Bakit mo ako gusto makausap ngayon na ngayon na? Emergency ba yan?" Naguguluhang tanong ni Sophie

Dalawang linggo bago kami muling nagkita pagkatapos ng aksidente na nangyari sa kanya.

"Diba sabi mo natatandaan mo na ang lahat nung bata ka?"

"Oo, ano ba yun? Parang nakakatakot yan ah." Pagbibiro niya.

"May kilala ka bang Trixie?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Oo, si Trixie May Co, yung anak ni Mr. Co. Naging sekretarya ni Khian at nakasama na rin natin siya sa team building." Mabilis niyang sagot.

"Bukod pa sa kanya nung bata ka?"

"Wait lang, pag-iisip isipan ko yan."

Ilang sandali lang ay feeling ko may naalala na siya. "Oo meron nga. Si Trixie yung kapitbahay namin dati dun sa Laguna. Wait, pano mo yun nalaman?" Nagtataka niyang tanong.

"Dahil si Trixie May Co at yung Trixie na kilala mo noon nung bata ka ay iisa." Halata ang pagkagulat sa mukha niya.

"Huh? Impossible, ibang iba ang itsura nila sa isa't isa at iba rin ang mga apelyido nila. Kaya impossible ang sinasabi mo Tol." Kampante niyang sabi.

"Bago tayo magkita ngayon ay napaimbistigahan ko na si Trixie noon palang." Pagsisiwalat ko

"Huh? Bakit mo yun ginawa?" Naguguluhan niyang tanong. Napalapit pa siya sa akin

"Di ko lang to sinabi sayo Tol pero alam kong may masamang balak sa inyo si Trixie. Patawarin mo ako na di ko sinabi yun sa inyo ni Khian. Gusto ko sanang malaman ang motibo niya kung bakit niya yun ginagawa bago ko yun sabihin sayo. Nung una akala ko ay pagkagusto lang talaga ang meron siya kay Khian kaya ganun siya  kadesperado para makuha niya si Khian mula sayo pero sa tingin ko ay may masmalalim pa siyang dahilan kaya niya ito ginagawa." Nakatingin ako sa kanyang mga mata habang sinisiwalat ko ang nalalaman ko. Gusto kk matapos ang lahaat ng pagsisinungaling ko kay Sophie kahit sa ganitong paraan lang ay maipapakita ko na nagsisi ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin Calvin?" Nagiging seryoso na siya ngayon sa tono ng kanyang boses at sa pangalan ko na niya ako tinawag.

"Bago palang mangyari ang team building kinausap na ako ni Trixie at gusto niyang agawin kita kay Khian at nang mapasakanya si Khian. Gagawin niya raw lahat para makuha si Khian mula sayo pero di ko alam kung pano niya yun gagawin. Nalaman ko nalang na siya pala ang kababata ni Khian na matagal na hinahanap ni Khian. Matagal ko ng alam na may hinahanap si Khian gaya rin ng paghahanap ko sayo pero kalaunan ay sinabi ni Trixie na siya ang matagal ng hinanap ni Khian noon palang pero nakakapagtaka kung bakit di niya na yun inamin kay Khian nung umpisa palang nung magkakilala sila ni Khian at bakit pinatagal niya pa yun?"

"Calvin di siya ang kababata ni Khian! Hindi yun totoo!" Napagtanto ko na alam na ni Sophie ang lahat.

"Huh? What do you mean?" Gusto kong makumpirma kung alam niya na ba talaga ang katotohanan.

"Ako yun, ako ang Lollipop Girl ni Khian." Mahina niyang sabi.

"Nalaman mo na rin pala." Nakita ko na mabilis na nagpalit ang ekspresyon niya sa mukha.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon