CHAPTER 53:PHOTO ALBUM

3.4K 48 1
                                    

SOPHIA POV:
"Good Morning!"(bati ni Asungot)
"Morning din."-ako
"Bakit ang lalaki ng eyebags mo? Anyare?"(nakatingin siya sa mga mata ko)
"Huh? Hindi ah. Malalaki lang talaga ang mata ko. Ikaw nga yung malalaki ang eyebags dyan eh."(pagbabalik ko sa kanya.)
     Totoo di talaga ako nakatulog. 3 am na nga ako nakatulog eh. Ewan ang baliw ko talaga. Paikot ikot lang ang ginawa ko sa kama buong gabi. Di ko mawala sa isip yung nangyari kagabi. 3 beses namin ginawa yun. Hanggang ngayon di ko maiwasan isipin yun, ang laki pala ng epekto ko sa kanya.
"Oo di talaga ako nakatulog."
"Bakit naman?"(pagtataka ko.)
"Basta di ako nakatulog."(tumalikod siya sa akin at nilagay ang seasoning.)
"Ah. Oo nga pala. Aalis ako ah."(pagpaalam ko.)
"Sasama ako."(nakangiti niyang sabi sa akin.)
"Huh? Wag na. Ako nalang."
"Di ka aalis ng di ako kasama."(tinikman niya ang niluto niyang adobo.)
    Di ko maiwasan na mapatingin dun sa labi niya. Kainis! Di ako mapakali dun talaga sa labi niya.
    Habang tinitikman niya ang adobo. Medyo may tumulo dun sa labi niya. Sh*t! Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag-aayos ng mesa. Di ko tuloy maiwasan na makagat ang labi ko.
"Kami lang ni Calvin. Kaya wag kang magulo."
"Oo nga pala. Araw mo ngayon para maglinis kaya maglinis ka nalang bago ka umalis, di na ako sasama."(nakangisi siya sa akin ngayon. May plinaplano na naman to, for sure.)
"Nang-aasar ka ba? Mamaya na ako maglilinis pagkauwi ko."
"Hindi, aalis ka pagkatapos mong maglinis."
"Haist. Kaasar! Opo na po Kamahalan."
"Yan ang gusto ko sumusunod."(nakangisi niyang saad.)
********************************
     Yun na nga naglinis ako. Mahirap na baka di lalo akong paalis ng Asungot na yun kung di ko siya sinunod. Kaso baka abutan ako ng oras ng pag-alis ko. Kaasar, napansin ko lang bakit ang dami ng lilinisin ko ngayon? Unti lang naman yung kaninang lilinisan ko ah?
"Eto pa, madumi oh."(tinuro ni Asungot ang alikabok sa may bintana.)
     Actually napakaliit lang ng alikabok na yun, feeling ko nang-aasar lang talaga tong isang to.
"Opo Kamahalan."(sabay punas.)
    Tiningnan ko ang orasan. 1:17 pm na. Ano ba to? Malalate ako nito eh. Tiningnan ko si Asungot na abalang abala sa pagbabasa ng diyaryo.
     Eto ang pagkakataon ko para makatakas. Kunwari naglilinis ako sa may hagdan para makaakyat lang. Unting linis sa hagdan hanggang paakyat ng paakyat.
"San ka pupunta?"(nakataas yung kilay niya habang tinitingnan ako, nakade kwatro pa.)
"Babush!"(sabay takbo paakyat.)
     Mabilis kong nilock yung pinto. Di ko alam kung sumunod yung Asungot na yun pero ang mahalaga ngayon ay nakatakas ako sa kanya.
     Naligo na ako at nakapagbihis na rin. Dress na kulay pink at isang doll shoes ang suot ko. Minsan lang ako magsuot ng ganito kaya medyo nakakailang. Saktong inaayos ko na ang bag ko para sa mga dadalhin ko.
"Oo nga pala yung cellphone. Asan ko na ba yun nalagay?"(habang hinahalungkat yung mesa ko.)
"Alam ko andito lang yun eh."
     Umabot din ako ng ilang minuto sa paghahanap ng cp sa kwarto ko pero wala akong mahanap. Isa ito sa mga dahilan kaya di ako nagccp eh kasi parati ko nalang nakakalimutan kung saan ko naiwan ang isang bagay.Kahit natatakot akong bumababa para hanapin yung cp ginawa ko parin baka kasi tumawag si Tol.
      Pagkababa ko nakita ko agad si Asungot na nanonood ng tv. Kaya dahan dahan akong bumaba. Pumunta ako ng kusina kaso wala dun, sa garden wala dun at kung saan saan pa. Dun lang sa place na kung san si Asungot ang di ko pa nahahanapan.
"Eto ba ang hinahanap mo?"(nagulat ako ng  biglang may nagsalita.)
    It means na alam niya na naghahanap ako. Ano yun nakakabasa ba siya ng isip ng tao?
"Che!"(pagtataray ko.)
   Di ko man lang siya sinulyapan kahit unti.
"Ring ring ring!"(tunog ng cp)
"Akin yun ah."(nung makirinig ko yung tumutunog.)
     Unti unti kong hinanap kung san nanggagaling yung tunog at sa kasamaang palad andun sa Asungot. Hawak hawak niya habang nakataas ang kamay niya.
"Akin na nga yan. May tumatawag oh."(kaysa ibigay niya ay pinahabol niya pa ako.)
"Kiss mo muna ako bago ko ibigay to sayo."(pang-aasar niya.)
    Sa di malamang dahilan ginawa ko yun pero sa pisngi lang. "Lang" talaga? Ewan parang nanghihinayang ako sa ibang parte. Kaasar. Masyado na ata ako naadik sa halik niya.
"Akin na"(sabay kuha ko sa kanya.)
"Hello, Calvin. Sorry late ko na nasagot. Hehehe. Sensya na."
"It's okay, it's my pleasure na sumagot ka rin."
"San ka na?"
"Dito sa harap ng bahay niyo."
"Huh? Are you joking me?"(medyo natagalan siya sa pagsagot.)
"No, i'm not."
"Weh? Andito ka talaga?"(habang tumatakbo papunta sa labas.)
"Oh,oh,oh. Andito ka pala talaga kala ko binibiro mo lang ako."
        Hinihingal ko pang sabi sa kanya. Nakingiti naman siya sa akin.
"Yup, i'm here. Sa tingin ko di na natin matutuloy ang lakad natin Sophie."
"Huh? Bakit ano nangyari?"(nagtataka kong sabi.)
"I mean is kung pwede di na tayo lumabas. Dito nalang tayo sa bahay niyo? It's okay to you?"(nahihiya siya.)
"Oo naman. Ikaw pa, malakas ka sa  akin eh. Pero bakit dito sa bahay pa namin gusto mong icelebrate ang birthday ko?"(kinukuha niyang mga dala niya sa likod ng kotse niya.)
"I just wanna come here."(ngiti niyang sabi.)
   Yun lang ba talaga? Nakakapagtaka naman. Di kaya yung Asungot na yun ang gumawa nito? Baliw talaga yung isang yun!
"Halika ka na nga."(sabay hila sa kanya papasok ng bahay.)

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now