CHAPTER 56: ACCIDENT

2.8K 37 1
                                    

SOPHIA POV:

"Sophia, asan si Khian?" Pambungad ni Lolo.

"Di ko pa po siya nakikita pero tumawag siya sa akin kanina. Pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko ngayon."

"Saan na kaya ang batang yun? Tatlong oras na siyang nawawala. Sinundan ka niya kanina."

"Hindi po siya nakasunod sa akin dahil nagmamadali po ako kanina at nung kausap ko siya sa cellphone, tinatanong niya kung saan ako pero ang sabi ko, dito nalang kami magkita." Pagpapaliwanag ko kay Lolo. So mali ang akala ko? Wala siya dito.

"Antayin nalang natin baka parating na rin yun."

"Sige po Lo." Pilit kong pinakakalma ang aking sarili sa mga posibilidad na naiisip ko ngayon.

Tumunog ang hone ni Lolo at mabilis niyang sinagot iyon.  "Hello." Lolo

Di ko marinig kung anong pinag-uusapan nila nung kausap niya.

"Oo, apo ko nga? Ano bang nangyari at bakit na sayo yung cellphone ng apo ko?"

Naalarma ako sa sinabi ni Lolo ibig sabihin hindi si Khian ang kausap niya? Eh sino? At bakit nasa kanya yung phone ni Khian?
Napahawak si Lolo sa batok niya at tila di makatayo ng tuwid sa kinatatayuan niya mabilis ko siyang inalalayan. Bigla siyang nanghina at iba na ang expression ng kanyang mukha.

"Lo, ano po bang nangyayari?" Biglang may dumaloy sa katawan ko na panginginig, di ko maipaliwanag kung anong nangyayari sa akin ngayon.

Parang natatakot mismo ang katawan ko kung ano ba na talaga ang nangyayari at kung bakit nagkakaganito si Lolo.

"Saan ang lugar na yan?"

"Sige, salamat."

Humarap sa akin si Lolo at sinabi ang mga salitang di ko kayang paniwalaan. "Sophia, si Khian naaksidente." Nanghihinag sabi ni Lolo

Biglang nanghina ang mga tuhod ko sa narinig ko. Napaupo ako sa sahig at hindi makapaniwala sa narinig ko.
Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat pero bakit nasasaktan ako?

Hindi ko matanggal sa aking isipan na posible ang sinabi ni Lolo dahil may malakas na tunog akong narinig habang kausap si Khian kanina at di niya na sinasagot ang phone niya pagkatapos ng malakas na tunog na yun.

"Magmadali kayo ihanda ang mga sasakyan." Sabi ni Lolo sa dalawang taong di ko kilala.

"Halika na Sophia." Lolo

Gusto kong tumayo pero nanginginig ang mga paa ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Pinilit kong makatayo para makumpirma na hindi totoo ang binalita ni Lolo, na nagkamali lang siya nang pagkarinig. Inalalayan ako ni Best pasakay ng kotse.

"Okay ka lang ba, Best?" Best, tumango ako kahit hindi ako okay.

"Manong pwede po bang pakibilisan."

Pagdating na pagdating ko sa area kung saan naaksidente raw si Khian, maraming tao ang nakikiusyoso kung anong nangyari kahit na malakas ang ulan, maging mga pulis, soco, at media ay naroon. May isang malaking truck na kung saan nakabunggo sa isang kotse na piping pipi na ang tagiliran at nakatagilid na ito. Nakalambitin ngayon ang kalahating parte sa tulay na kung iisipin mo'y unting unti nalang ay babagsak na ang kotse sa ilalim ng tulay. Kung saan ang ibaba ng tulay na ito ay may tubig, di ko alam kung anong tubig iyon parang isang ilog.

Unti unti akong lumapit sa kotse upang makumpirma na hindi kay Khian ang kotseng yun ngunit halos di na ako makahabang ng makita ko ang plaka na pag-aari ni Khian. Unti unting tumulo ang aking luha sa takot na baka may nangyari sa kanyang masama, na hindi ko na siya makikita pa at maraming pumasok sa utak ko na mga posibilidad na kinatatakutan ko na kahit isa ay di ko nanaisin na mangyari.

Maigi kong hinakbang ang aking mga paa para lang mas makalapit pa pero mabilis na humarang sa akin daan ang mga pulis.

"Ma'am bawal po kayo dito." Humarang ang pulis

"Anong nangyari sa asawa ko?" Nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon.

"Ma'am, kayo po ba ang asawa ni Khian Mercedez?" Mas lalo akong nanlumo na marinig ang pangalan niya. Tumango naman si Elise bilang sagot sa tanong niya.

"Saan na siya? Saan na? Ano? Magsalita ka?" Gusto kong magwala sa harapan ng pulis kahit na mali.

"Sophia, please calm down." Lolo

"Pero Lo, hindi po yan si Khian. Kanina kausap ko lang po siya kaya imposibleng siya ang nandyan. Di ko po talaga maintindihan kung anong nangyayari? Hindi pa ako nakakapagsorry sa kanya, hindi pa siya nakapagpaliwanag at hindi ko pa naririnig na hindi totoo lahat ng nalaman ko kanina. Kaya Lo pakiusap sabihin mong hindi totoo lahat ng to." Hindi ko napigilan ang sarili ko sa takot na baka hindi ko na siya makita.

"Kuya, nagkakamali ka lang diba? Hindi si Khan Mercedez ang sumakay diyan?" Patuloy ang mga luha na dumadaloy sa akin mga mata.

"Best." Inalalayan ako ni Best at dahan dahan na pinakalma.

"Sophia, don't worry you know Khian." Pagpapatahan ni Lolo

"Kayo po ba ang pamilya ni Khian Mercedez?" Pulis

"Opo kami nga po. Saan na ang apo ko?" Lolo

Pinilit kong pinakalma ang aking sarili. Dapat di ako magkaganito sa ganitong sitwasyon. Magiging okay din ang lahat.

"Ayun din po ang iniimbestigahan namin ngayon. Pagdating po namin wala na pong tao sa loob. Sa tingin po namin ay may posibilidad na nalalaglag ang driver sa ibaba ng tulay o baka tumakas siya sa nangyari. Nang tanungin naman namin ang driver ng truck ay di niya rin alam ang sagot dahil nahimatay siya sa lakas ng impact at nagising nalang ng dumating na ang medic. But we need further imbestigation Ma'am."

"Pero pano pong nangyari ang bagay na to?" Elise

"Ayun po sa statement ng driver ng truck nagdadrive siya sa lugar na to papunta sana siya sa factory kaninang around 9 pm at dahil sa kadiliman dahil na rin sa bagyong dumating nung nakaraang linggo ay nasira ang mga poste ng ilaw at hindi pa naisasaayos dumagdag pa ang malakas na ulan kaya di niya makita masyado ang daan pero nang bigla raw itong kotse ng apo niyo ay sumalubong at nagpaliko liko na parang di raw kuntrolando ang pagmamaneho kaya sumalpok nagroon ng banggaan. Walang naging witness sa pangyayaring at dahil na rin masyado ng gabi at madilim na ang lugar na to para lakaran ng mga tao. Sa imbestigasyon nakita namin nakalap, nakita namin ang cellphone ng may-ari ng kotse sa ilalim ng driver seat, sa tingin namin ay nalaglag niya ang cellphone na ito habang kausap kayo misis. Maari rin na hawak tumatawag siya habang nagdadrive na alam nating pinagbabawal iyon kaya nagkaroon ng ganitong aksidente. Kung nalaglag man ang katawan ng iyong asawa sa tulay na mahihirapan tayong hanapin siya dahil sa lakas ng daloy ng tubig dahil sa malakas na ulan."

Unti unti akong nanghihina sa aking mga naririnig. Bumibigay ang aking katawan sa aking naririnig. Di ko alam kung san ngayon si Khian. Kung san ko siya hahanapin. Pano nangyari sa amin to?

Asan ka ba ngayon Khian? Eto ba ang nangyari sayo kanina kaya di na kita matawagan? Magpakita ka na sa akin. Pinapatawad na kita basta magpakita ka lang. Kasalanan ko to. Kung sana di ako nagpabigla bigla at pinakinggan siya edi sana okay sana kami ngayon at kung sana di sana ako umalis at di niya na ako hinanap edi sana masaya kami ngayon. Kung sana di ko sinagot ang tawag niya edi sana nasa tabi ko siya ngayon. It was all my fault!

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now