CHAPTER 9:KUSOT SESSION

4.8K 68 1
                                    

SOPHIE POV:

Mga isang buwan na rin ang nakakaraan ng pumasok ako sa Mercedez Corporation. Pero this time eto ang talaga pinakaumpisa ko, kasi yung isang buwan na pinasok ko training palang yun. Ngayon ko malalaman kung itataas ngayon ang ranggo ko o mananatili ako sa opisina ni Tol. Pupunta ako sa office ni Tol (Calvin), pero andito pa ako sa labas kababa palang namin ng jeep ni Elise.

"Bes okay lang ba tong suot ko?" Nafrufrustate na ako dahil napakasimple lang suot ko. Gusto ko mag-iba naman kahit unti.

"Oo,oks na oks nga eh." Nakathumbs up nitong sagot.

"Eh yung mukha ko, okay lang ba?" Hindi ko nga ba alam kung bakit parang naininsecure ako ngayon sa sarili ko.

"Medyo oily lang naman ng konti." Nakakainis, wala akong dalang salamin. Kaya pumunta ako sa kotse malapit sa amin, nasa parking lot kasi kami naglalakad ngayon. Tiningnan ko yung mukha ko dun sa bintana ng kotse, medyo haggard nga ang face ko. Wala naman tao sa loob.

"Uy Bes, pahinge naman ng polbo mo."

"Oh eto, ikaw ah haharap ka lang kay Calvin nagpapaganda ka na. Para kang bulate na nilagyan ng zonrox." Nginitian ko nalang siya dahil busy ako.

Nagpolbo na nga ako, inuna ko muna yung noo ko, sunod yung ilong, sunod mga pisnge ko, at ang huli yung baba ko. Pagkatapos tiningnan ko muna sa salamin ng kotse kung pantay ba yung pagkakalagay. Kusot-kusot-kusot! At okay na, Tada! Maputi pa, kusot ulit ng kusot at ok na rin. Medyo pacute muna ng unti nagpout, nagpogi sign, nagbeatiful eyes pa at ang huli ay nagflying kiss pa. Umalis na kami ni Elise dun sa pwesto na yun.

Nagtataka kayo kung bakit ako nagpapaganda, eto talaga ang sagot ko. Gusto ko lang mapansin ni Calvin yung ganda ko. Hihihi! Hay, para na akong walang pinagkaiba kay Britanny nito eh. Nagdasal pa ako na manatili sana ako sa department ni Calvin.

KHIAN POV:

Ang hina talaga makapick up ng Secretary ko, buti nalang may papalit na, hulaan niyo kung sino.

Tumatawag si Lolo, sasabihin niya na ata sa akin kung sino ang magiging secretary ko para pamalit sa mahina kong secretary. Sana sexy at maganda!

"Oh Lo?" Hindi muna ako bumababa sasakyan dahil sinagot ko muna ang tawag ni Lolo.

"Apo mamaya pa darating ang bago mong secretary mga alas tres pa!" Hindi ko alam kay Lolo kung sa isang taon ko na pagseserbisyo sa kompanya ngayon lang siya nangialam sa magiging tauhan ko na dapat gawain na tun ng Human Resource.

"Sino po ba yun?" Ang totoo di ko pa talaga nakikilala yung magiging secretary ko.

"A close friend of mine." Siguro dahil nga sa kakilala niya.

"Lolo, you know naman diba na ayaw ko sa matanda?" Naninigurado lang, kasi puro matatanda ang kaibigan ni Lolo.

"I know Apo but don't try na bastusin mo ang bago mong secretary and I give you the best." Sure na sure pa talaga si Lolo.

"I don't promise that Lolo." Grin smile.

"Hahaha, if you can?" Tawa pa siya ng tawa di niya ba talaga ako kilala, ang charm ko sa isang babae sa isang kindat ko lang para ka ng nahypnotize.
Papatayin ko na sana yung phone ko pero may biglang huminto sa tapat ng kotse ko, dun sa tapat ng pasenger seat. Feeling ko namumukhaan ko yung babaeng to? Oo nga si..si..si.. Sophia ata to yung friend ni Calvin.

Kausap niya si Elise yung friend niya, ano kaya ang pinag-uusapan nila? Bakit may nilabas na polbo si Elise? Bubuhusan kaya niya yung kotse ko ng polbo dahil galit siya sa akin? Palabas na sana ako ng kotse ko para pigilan si Sophia sa gagawin niya pero kumuha siya ng polbo kay Elise para lang pala magpolbo.

"Kung ano ano kasi iniisip mo Khian eh?" Nasabi ko nalang sa sarili ko

Nagpolbo na siya kumuha lang siya ng kaunti, tapos pinulbuhan niya ng paunti unti yung mukha niya. Nung natapos na siya magpolbo medyo maputi yung pagkakalagay niya ay hindi pala maputing maputi. Kusot ulit siya ng kusot sa mukha niya para lang siyang tanga! Hahaa! Di niya ba alam na may tao dito sa loob ng kotse? Feeling niya pa salamin to? Di pa talaga nakuntento nagpacute pa sa harap ng kotse ko.

Napahalakhak ako ng sobra nakahawak na ko sa tiyan ko.

Nakakatawa talaga tong babaeng to, feeling ko siya ang new version sa commercial sa FITA. Nakakaiyak na nga sa sobra kong tawa. Bago pa umalis nagpahabol pa ng flying kiss syempre sinalo ko naman baka may makakuha pa na iba, sayang naman. And I know na nagkukunwari lang ang isang yun na hindi niya alam na may tao dito sa loob. For sure type niya rin ako.

"Hello apo?" Nagulat ako di ko pa pala napapatay ang phone ko

"Lo, bakit po?" Medyo nahimasmasan na ako.

"Nababaliw ka na ba?" Nag-aalala nitong tanog.

"Feeling ko nga po dahil sa nakita ko." Hindi maiwasan na bumalik sa aking isipan ang nangyari kanina.

"Tandaan mo ang mga sinabi ko, sige na babye na." Ewan ko ba parang may pagbabanta si Lolo sa sinabi niya.

"Okay po, babye." Pinatay ko na yung phone ko.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now