CHAPTER 36:VOMITTING

3.7K 48 1
                                    

SOPHIA POV:

      Namalayan ko ang sarili ko sa pagsagot ko sa halik niya. Nang buhatin niya ako patungong kama hindi ako umangal. Baka sa init na nararamdaman ko kung kaya hindi ko naiisip ang posibilidad na mangyari.Hinalikan niya parin ako habang nakahiga na ako hanggang leeg,ngunit tila naramdaman ko na natatagal na ang tuwalya na nakabalot sa akin ay naitulak ko na siya at nasampal. Ikinabigla ko ang pagkahiga niya sa kama ko. Noong una natakot ako na lapitan siya dahil baka kung anong nangyari sa kanya.Maraming tanong ang nasa isip ko.

"Napalakas ba ang sampal ko?"

       Minabuti kong lumapit sa kanya at inuga ko siya pero sa di inaasahan na pangyayari ay gumising siya at lumapit siya sa akin. Sa tingin ko ay hahalikan niya na naman ako. Papalapit na nang papalapit ang kamay niya sa pisnge ko at pati narin yung mukha niya. Hindi ko namalayan na kusang pumikit ang aking mga mata na parang ang sarili ko na ang may gusto gawin yun. Ngunit naramdaman ko ang mga kamay niya na napunta sa aking mga balikat at naramdaman kong tila may bumuhos na kung ano sa dibdib ko. Napabukas ang mga mata ko at saktong nakahiga na si Asungot sa kama ko. Napatingin ako sa dibdib.

"Waah! Ang bastos bastos mo talagang lalaki ka!"-Inis na sabi ko sa lalaking sarap na sarap na natutulog sa kama ko habang ako parang gusto ko ng pumutok sa inis.

        Hindi talaga ako nakatuntento sa inis sa kanya kumuha ako ng unan at hinampas ko siya ng unan sa katawan. Kainis sinukahan pa talaga niya ako! Kadiri ang lagkit lagkit! Tumungo ako sa may aparador at kumuha ng pantulog na damit. Hays. Buhay nga naman. Kadiri talaga yung suka niya habang hinuhugasan ko ang buong katawan ko. Para akong tanga salita ng salita na mag-isa dahil sa inis sa ginawa niya. Alam niyo ba yung feeling na feel na feel mo na hahalikan ka na ng taong gusto mo yung tipong ang romantic na nga ng scene pero bigla ka niyang sinukahan! Sobrang inis ang nararamdaman ko!

       Pagkatapos kong maligo ulit ay tumungo ako sa may kama at pinunasan si Asungot kasi ang baho niya, amoy suka! Dahil sa wala namang malisya sa akin,Wala nga ba? Hahahaha! Ay hinubad ko ang damit niya, pantaas lang po ah, baka kung ano pong iniisip niyo. Syempre kita ko ang six packs na pandesal niya. Hehehe. Parang namula ang mga pisnge ko ng makita ko yun. Napatanong tuloy ako sa sarili ko. "Ano kayang ginagawa niyang work-out para magkaroon ng ganitong katawan? "

        Haist! Bakit na ganito ang iniisip ko? Kanina lang sinampal ko siya dahil hinalikan niya ako at muntik na mangyari ang hindi dapat mangyari tapos ngayon! Haist! Kung anong kamanyakan ang naiisip ko, nahawa ata ako sa kanya.

       Pinunasan ko ang katawan niya. Naisip kong pumasok sa kwarto niya gamit ang sikretong pintuan buti nalang hindi nakalock. Tinungo ko ang aparador niya para kumuha ng damit na isusuot niya kaso may isang intersting na box ang nakita ko feeling ko nakita ko yun noon. Baka nakita ko yun sa isang lugar basta hindi ko matandaan kaya minabuti kong lumapit at tinungo ang pinaglalagyan nun. Nang saktong hahawakan ko na ay bigla kong narinig na umuungol is Asungot. Kaya napatakbo ako papunta sa kanya dahil nag-aalala ako kung anong nangyari sa kanya.

"Anong nangyari sayo?" -Nagmamadali akong tanong sa kanya pero nakapikit siya.

"Huwag niyo kong iwan! Huwag niyo akong iwan!"-paulit ulit pero nakapikit siya.

           Nag-alala ako sa kanya baka nilalagnat siya o kung ano kaya nilapitan ko siya at kinapa ang noo niya baka nagkokumbulsyon na siya. Dahil ngayon ko lang siya nakitang ganoon. Naisip ko tuloy baka nasa panaginip niya ay yung Mommy at Daddy niya kaya nasabi niya ang mga salitang yun. Ngunit habang iniisip ko yun ay bigla niya akong hinila at niyakap niya ako.

"Ay takte!"-Nasabi ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

           Kahit na ganoon na niyakap niya ako ay hindi na ako pumalag dahil sa tingin ko nanaginip siya ngayon. Niyakap ko nalang rin siya dahil alam ko ngayon ko lang to magagawa sa kanya na yakapin siya ng ganito.Lalo na lumilipas na araw at baka kinabukasan namalayan ko nalang na walang bisa ang kasal namin/pekeng kasal namin.

         Ang init ng katawan niya ramdam ko yun dahil wala siyang suot na damit pangtaas.Inabot ko ang kumot tinaklob sa katawan namin.

KHIAN POV:

"Bakit niyo ako kailangan iwan?"-Tanong ko kay Lollipop Girl at kay Sophia.

      Nasa harapan ko silang dalawa nasa isang kwarto kami na tila madilim pero nakakapagtaka kung bakit ko sila kasamang dalawa at bakit nagpapaalam sila sa akin. Kung saan sila pupunta at bakit nila ako kailangan iwan?

"Huwag niyo akong iwan! Huwag niyo akong iwan!" -Patuloy na hindi sila sumagot na dalawa ngunit pero nakakapagtaka iniwan nila ako.Nakaharap sila sa akin at tila lumalayo sila ng kusa. Hinabol ko sila sa pag-aakalang maabutan ko sila pero kahit anong takbo ang gawin ko ay hindi ko sila maabutan.Napayuko ako at pumatak unti unti ang luha sa pisnge ko.Nagulat ako ng nasa harapan ko sila sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko sila dalawa. Ramdam ko ang higpit ng yakap nilang dalawa hanggang napatanong ako sa aking sarili. "Bakit dalawa ang minamahal ko isang babaeng nasa nakaraan at isang babae sa kasalukuyan?" Umiikot ang tanong na yun sa utak ko na yun ng biglang......

"Sino ba ang pipiliin mo sa aming dalawa?!"-Bulong nila sa akin. Tinanggal nila ang pagkakayakap nila sa akin at paulit ulit na tinanong yun.Hanggang sa....

"Hays. Anong kalaseng panaginip yun?"-Nasabi ko ng mahina sa aking sarili at nasilaw ako ng tumama ang sinag ng ilaw mula sa kisame. Napapikit ako at minulat ko ang aking mata.

"Sino bang hindi nagpatay ng ilaw na to?"-Tanong ko sa aking isip. Naramdaman kong tila namamanhid ang aking kamay kaya napatingin ako. Nakita ko ang babaeng minamahal ko ngayon sa kasalukuyan. Gumuhit ang ngiti sa aking labi pero sumakit ang aking ulo at napahawak ako sa aking sentido.Bigla nagflashback yung nangyari sa akin kagabi na hinihintay ko buong gabi si Sophia at dahil sa takot na maging sila ni Calvin. Napainom ako at dahil sa akala ko ay nasa kwarto niya na si Sophia ay tumungo ako sa may kwarto niya ngunit wala akong naabutan. At hindi ko na maalala ang ibang nangyari. Pero nakakapagtaka kung bakit katabi ko ngayon si Sophia. Hindi ko na intindi yun kundi ay tumagilid ako at hinarap si Sophia at tiningnan ko siyang matulog. Ang ganda niya talaga hangang hanga ako sa kagandahan niya.Napakasimpleng niyang babae hindi lang sa pisikal pati na rin sa puso. Kusang gumalaw ang kamay papunta sa kanyang maamong mukha at inayos ang hibla ng buhok na nakaharangan sa mukha niya. Inayos ko ito papuntang likod ng kanyang tenga. Hinawakan ko ang kanyang malambot na pisnge ngunit naistorbo ko ata siya dahil napagalaw siya kaya nagmadali akong nagkunwaring natutulog ulit.

       Kaysa sa magising ay lalong humigpit ang yakap niya sa akin at mas lumapit pa siya sa akin.sumiksik siya lalo sa akin katawan. Pero umalis ulit siya.Lumipas ang mga ilang minuto ay binuksan ko ang isa kong mata pero nagulat ako ng magising siya at alam kong nakita niyang nakatingin siya sa akin. Pero mas kinagulat kong pumikit ulit siya at tumalikod sa akin baka dahil nagulat siya at parang namumula ang mukha niya. Minabuti kong umupo at magkunwaring walang nangyari at pumunta ako sa kusina para magluto. Naalala ko na Linggo pala ngayon kaya walang pasok si Sophia kaya hindi nalang rin muna ako papasok ngayon.

SOPHIA POV:

      Nang maramdaman ko na nakaalis na si Asungot ay mabilis akong tumayo at dahan dahang sinara ang pinto. Pumunta ako sa may banyo at naghilamos.

"Ano ka ba Sophie! Nakakahiya ka talaga!"-Sinasabi ko sa aking sarili.

      Baka nahalata niya na niyakap ko siya. Nakakahiya talaga! O baka nakita niya akong naglaway o nakanganga o kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko maisip kung anong iniisip niya habang nakatingin siya sa akin kanina. Nakakahiya talaga!

"Anong ihaharap kong mukha sa kanya mamaya?"-Nakatingin ako sa may salamin at kinakausap ang akin sarili.

"Oo nga pala, wala akong pasok ngayon at siya may pasok. Sakto ang timing!"

      Napagdesisyunan ko na maligo nalang at antayin nalang siyang umalis ng bahay. Habang hinubad ko ang damit ko at ilalagay ko yung damit ko sa labahan naalala ko nga pala na maylabahan ako ngayon. Yung sinukahan ni Asungot.

"Hays. Akala ko makakapagpahinga na ako ngayong araw."-Parang isipin ko palang yung labahan na yun hindi ko na alam ang uunahin.

     Kailangan ko nga pala maglinis ng bahay at marami pang iba. Natapos na akong maligo at nilagay ko ang lahat ng labahan sa may basket.

"Sophia! Kumain ka na nang almusal!"-Sigaw ni Asungot sa akin mula sa may pintuan.

"Oo, mamaya nalang kapag nakaalis ka na."-Sagot ko. Ayaw ko nga lumabas ng andun siya.Nakakahiya!

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now