CHAPTER 46: REAL OR UNREAL?

2.9K 42 1
                                    

ELISE POV:

"Best, bakit hindi ka muna umuwi sa bahay niyo? Pansamantala lang naman."

"Hindi pwede Best, baka mag-alala sina Mama't Papa. Alam mo naman yung mga yun."

"Edi dun ka muna sa bahay namin."

"Ano ka ba? Sa tingin mo hindi yun malalaman nila Mama't Papa na nasa bahay niyo, ako? Magkatabi lang kaya ang mga bahay natin?"

"Ay sorry naman. Nag-aalala na kasi ako sayo. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya, kung anong nararamdaman mo sa kanya.? Para diba, mawala na yang sakit na naramramdaman mo ngayon? Atleast kapag nagmula sa kanya na di ka niya gusto edi mas madali magmove on kaysa nasa isip mo lang na di ka niya talaga gusto."

"Best, sana kung madali lang nagawa ko na rin sana yun. Kaso ang hirap hirap. Sobrang hirap. Kahit tingnan ko siya ng matagal. Hindi ko magawa dahil sa takot na hindi niya ako minahal kahit unti, na parang umasa ako sa wala. Na sila talaga ni Trixie ang para sa isa't isa. Na isa akong kontrabida sa buhay nila. Na dapat maghiwalay na kami para maging masaya siya. Di yun ganun kadali." Unti unting bumagsak na ang mga luha na mula sa mata ni Best.

"Oo nga mahirap yun para sa iyo lalo na nasa isa lang kayong bahay. Sabi nga nila, pagnagmahal ka, mahirap pala gawin yung mga payo na sinasabi mo noon sa iba." Nasabi ko nalang kay Best. Napansin ko rin kasi na mahirap rin magpayo ng magpayo kasi kalaunan kapag ikaw na ang nagmahal. Lahat ng ipinapayo mo dati sa iba hindi mo kayang gawin.

Naaawa na talaga ako sa kaibigan ko. Pero wala akong magawa sa sitwasyon niya. Hindi ako pwedeng mangialam sa problema niya ngayon. Kitang kita ko kung gaano niya kamahal si Sir Khian. Nahihirapan na rin siya kapag nakikita niya ito, lalo na kapag nakikita niyang masaya ito sa iba. 

"Ano ka ba Best, huwag ka ngang umiyak ng ganyan. Akala ko ba mas matapang ka sa akin. Tingnan mo nga yang mukha mo ngayon. Sayang yung nilagay kong make-up sayo. Mahahalata na naman yang naglalakihang eye bag mo. Sige ka magmukha ka yan zombie, mamaya." Dugtong ko. Ipinatanong niya ang ulo niya sa balikat ko.

       Sa totoo lang napakadali lang ng solusyon sa problema niya pero nauuna ang takot sa puso niya at mahirap rin gawin ang ipinayo ko sa kanya. Kung mabewala ang lahat ng effort niya. Mahirap ang sitwasyon ni Best lalo na hindi sila totoong kinasal na isa lang itong kontrata. At ang higit sa lahat minahal niya ang taong dapat hindi niya mahalin.

***************

        Inihatid ko na sa isang taxi si Best. Pauwi na sana ako kaso gusto ko munang mag-isip ng plano kung paano ko matutulungan si Best. Umupo ako sa bench na kung saan favorite kong umupo kapag may mga iniisip ako sa buhay. Sabi nga nila yung tipong nag-eemo ka sa buhay mo. Lalo na kung paano ako nagmove on kay Zachary. Dito rin pala ang lugar kung saan ko may nakausap akong taong biglang nawala. Yung tila multo. Jusmiyo. Ang magkakagusto pa talaga sa akin yung mga multo no? Pwede naman yung tipong kasing gwapo ni Christian Grey. Hahaha. (Naririnig ko lang po yun sa kaoffice mate ko. Pero di ko pa po yun nababasa kaya wag kayong grin diyan ah. Guilty oh! Hahahaha)

       Ilang minuto nang pag-iisip biglang may umupo sa bench na kung saan ako nakaupo. Natakot ako kasi nakasumbrero siya at bukod pa dun nakakatakot yung attire niya. Parang ewan, parang yung tipong hindi pagkakatiwalaan lalo na't hindi ko nakikita ang pagmumukha niya. Naalarma ako ng unti kaya napagpasiyahan ko na umusog unti palayo sa kanya. At niready ko na rin yung muscle ko sa paa para mabilis na tumakbo.

"Huwag kang mag-alala hindi ako masamang tao." Medyo hindi ko maintindihan kung sino ang kausap niya kaya tumingin ako sa kaliwa't kanan at likod at harap pero sa tingin ko ako lang at siya ang tao dun.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now