CHAPTER 2:MEET TWO PERSON

12.1K 171 3
                                    

SOPHIE POV:

"Sophie, tumatawag si Elise!" Kumakatok si Mama sa pintuan ng kwarto ko.

"Opo andiyan na!" Bumangon na ko at pumunta ng sala para sagutin ang tawag. Para akong zombie na tumayo sa kama ko dahil antok na antok pa talaga ako.

"Hello Bes, bat napatawag ka?" Kinikuskos ko pa ang aking mga mata dahil medyo inaantok pa ako.

"Anong oras ba ang pasok natin ngayon? Nakalimutan ko kasi sa iyong tanungin kahapon." Nang marinig ko ang salitang oras bigla akong nagising at napatingin sa orasan.

"Hala magseseven na pala!" Sigaw ko na nagpagulo sa bahay

"Anong meron Sophie? Anong nangyayari sayo?" Hinawakan ako ni Papa at tiningnan ng maigi.

"Late na kami Pa!" Naghehesterical kong sabi.

"Yun lang pala akala ko kung ano na." Kalmado niyang sabi at bumaba na ito na tila walang pakialam sa nangyayari sa akin ngayon.

Hindi ko nga ba alam kung matutuwa ba ako dahil masyadong kalmado si Papa kahit galit na yan kalmado parin. Kahit siguro magkasunog, kalmado parin yan. Siguro pinaglihi yan si Papa sa mga santo.

"Huwag mong sabihin sa akin Sophie, maaga ang pasok natin at late na tayo?" Elise, bago pa siya ulit makapagsalita na alam ko na naman na sermon ang maririnig ko sa kanya ay inunahan ko na.

"8:30 ang pasok natin ngayon. Puntahan mo ako dito pag-ayos ka na!" Ibinaba ko na ang telepono bago pa ako masermunan ni Elise para kang nasa Jurassic Park kapag narinig mo ang sermon niya, mas dinaig pa ang nanay ko.

Ayun na nga pumunta si Elise ng bahay at nandito na kami sa may kalsada nag-aantay ng taxi. Huwag ninyo isipin na may pera ako nagmamadali lang talaga kami ngayon. May nakita akong taxi, pinara ko agad. Buti nalang walang sakay. Mahirap kaya ngayon sumakay kasi Lunes, masisipag ang mga tao kapag Lunes pero kapag dumating na ang Martes balik sa dating gawi. Buti ako masipag araw-araw. Wag na kayong umangal, hihirit pa! Malelate na nga kami pero kung anu-ano pa ang iniisip ko.

"Ayan na Bes yung taxi" Papunta na kami sa taxi pero may umepal.

"Hoy kuya, kami ang nauna diyan!" Medyo may kalakasan kong angal sa kanya habang nakaturo ang hintuturo ko.

"Manong sa Mercedez Corporation" Kuya Kapal, di man lang ako pinansin, ang bastos, hinawakan ko yung pintuan ng taxi para di makaandar.

KUYA KAPAL means Kuya kasi di ko siya kilala, pasalamat pa siya dahil gumalang pa ako sa kanya. Kapal kasi halata naman diba? Agree? Napansin niyo naman diba? Sobrang kapal kapal kapal (100X) ng mukha parang dictionary hindi dahil matalino siya dahil kasing kapal niya ang dictionary yung thesaurus dictionary. Ang kapal ng mukha di na nahiya, dapat sa kanya pasabugin ang mukha!

"Hoy kami nga ang nauna diyan diba?" Elise, hawak ko parin ang pintuan ng taxi. Galit na si Elise kasi sino ba naman ang di magagalit ikaw kaya ang agawan?

"Go lang Bes, suportahan kita!" Pang-uudyok ko kay Bes

"I have a meeting, so please maghanap na lang kayo ng iba niyong masasakyan" Kuya Kapal, sarap kutusan to. Paplease please pa sya pleaseplisin ko kaya ang mukha nito.

"Kami nga ang nauna diba at kami ang unang pumara. Kung gusto mo ikaw nalang ang maghanap ng ibang sasakyan. FYI lang wala kaming pakialam sa meeting mo dahil nagmamadali rin kami! Hindi lang ikaw ang taong busy sa mundong ito!" Hindi na ako nakapagpigil dahil parang umatras ang bibig ni Bes. Ewan ko ba kung anong nangyari sa kanya.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now