CHAPTER 17:I WILL BE HERE FOR YOU!!!

4.5K 71 1
                                    

SOPHIA POV:

         Ang lamig na kasi baka lalo pang lumamig mamaya yung tubig at baka lalo pang lumakas yung bagyo. Tutol talaga ang Panginoon sa kalokohan namin ni Asungot na pagkukunwaring pagpapakasal namin. Malakas raw kasi ang bagyo sabi sa balita.Dumagdag pa ang bigat ng wedding dress ko ngayon, wala kasi akong pampalit dahil yung bagahe ko nasa bahay pa namin di naman namin kasi ineexpect na magkakaroon ng bagyo kaya wala akong dalang extra damit dapat kasi sa condo kami tutuloy pagkatapos ng event para dun nalang kami magbihis at dun rin nakalagay ang mga ilan kong gamit. Tapos yung iba naman ay na kila Mama't papa.Napagdesisyunan na rin kanina nila Asungot at nang mga magulang niya na dun muna kami maninirahan pagkatapos ng honeymoon namin sa Guam para magkaroon sila ng time at habang ginagawa pa ang magiging tirahan namin ni Asungot.

     Nakaupo pa rin ako sa kama namin ni  Asungot habang inaantay ko siyang matapos maligo. Pinahiram niya ako kanina ng damit niya pero pangtaas lang  kasi di kasya yung mga short niya sakin ang lalaki.Buti nalang may pagkaboy scout to. Pwede na rin naman na pangtaas lang kasi medyo mahaba at may pagkaluwag yung damit na pinahiram niya sa akin pero naiilang kasi ako kasi di naman kasi mahilig magdaster kahit sa bahay namin eh.

"Oh tapos na, ikaw naman." -nagtakip agad ako ng mata ng makita ko si Asungot. Baka madumihan ang mga mata ko ng kalaswaan. Lumabas  ba naman talaga ng nakaboxer lang di man lang nahiya at medyo basa basa pa ang katawan niya. Ang Hot! Nakikita tuloy ang 6 packs abs niya. Ano ba tong iniisip ko?!

"Oy, oy anong meron bat nagtatakip ka diyan ng mata?" -naguguluhan niyang tanong

"Tingnan mo kaya ang itsura mo sa salamin?"-nakatakip parin ang mga mata ko pero medyo sumisilip na ako

"Ah sorry pero di ka pa ba sanay eh parati mo naman tong  nakikita! Bata ka pa talaga! At wag kang mag-alala masasanay ka rin dahil parati mo na akong makikita ng ganito."-tumalikod siya sa akin.

"Sinong bata ah? At hoy mag-isip isip ka nga babae ako at lalaki ka tapos ganyan ang asta mo sa akin! At FYI lang ayaw ko nakakakita ng isang tingting na kagaya mo ah! Masyado kang feeler eh"-tinanggal ko yung kamay ko sa tapat ng mga mata ko

"Ikaw!"-magkatapatan kami at halatang nanggagalaiti na

"Ewan ko sayo bakla!"-tumakbo na ako papunta sa banyo,hahabulin ba naman talaga ako. Loko. Nilock ko kaagad yung cr.baka manilip pa yun.

    Naligo na ko mga 20 mins. lang naman ako naligo dahil ang lamig ng tubig at sumabay pa ang malakas na bugso ng ulan.Nagdamit ako, ang laki ng damit na sinuot ko para tuloy akong gangster nito. Ang pinagkaibahan ko lang sa mga gangster. Ako ang gangster na walang short. Ang laki nga ng damit pero parang ang iksi naman. Isang dangkal lang ang layo mula sa tuhod ko ng damit na to ang iksi talaga. Nakikita tuloy ang mga legs ko, ang kasama ko pa naman ngayon ay manyak. Lagot ako at patay na rin. Pero okay lang naman ata to kasi nakapagsuot na nga ako ng swimsuit eh. Carry ko to.

       May naalala ako bigla yung sa simbahan kanina yung sa pagkiss niya sa noo ko, feeling ko dama ko pa ang mga labi niya na napakalambot sa noo ko. Ewan basta bawal kong isipin yun baka maging katulad ko siyang maging manyak rin ako, di naman di ba nakakahawa ang pagiging manyak? Diba? Naalala ko rin na naman ang sinabi ni Lolo kanina, kailangan niya na raw magkaapo. Hay nababaliw na naman ako. Bakit ba kasi ako napasubo ako sa ganitong sitwasyon?

KHIAN POV:

      Ano ba to? Bakit ang tagal tagal nun ni Sophia sa banyo? Inaantok na ko, inaantay ko lang siya para sabihin sa kanya kung paano kami matutulog.

"Asungot tingnan mo nga tong suot ko oh, parang ang iksi iksi naman ng damit na pinahiram mo sakin?"-pagkalabas niya ng kwarto, nakatingin siya sa akin na medyo hinihila pababa ang damit niya. Ako naman nakatayo sa sulok ng kwarto

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora