CHAPTER 13.2:THIS IS THE NIGHT!

4.5K 77 3
                                    

SOPHIE POV:

KINABUKASAN

May mga dumating na mga tao sa Bougalow mga labing-apat, anim na babae at walong lalaki. Yung dalawa sa mga babae parang mga designer at yung apat dun mga chef. Anim sa mga lalaki mga nagbubuhat at yung dalawa kasama ng mga chef parang alalay nun.

Si Aling Merinda hindi ko makita parang inutusan ni Asungot para may bilhin nakakapagtaka lang kasi lahat naman nabili namin kahapon, baka may nakalimutan lang. Si Kuya Betong tumutulong sa pag-aayos sa mga lamesa inaayos nila yung mantle. Inaayos na ng iba yung sa venue, medyo matatagalan rin sila sa pag-aayos malaki kasi ang aayusin nila. May naglalagay ng mga champagne sa mga nakaayos na mga mesa. Halos makikita mo kulay blue sa paligid. Naayos na nila yung buong venue mag-aalas sais na malapit na mag-umpisa yung business meeting masyado atang malaking tao si Mr. Co kaya sobra ang paghahanda ni Asungot.

"Ayusin niyo naman yan oh!" Asungot, ngayon ko lang ata siya nakitang tila seryoso sa mga ginagawa niya.

"Opo Sir, sorry po." Isa sa mga nag-aayos ng venue

"Ikaw ano, bakit di ka pa nag-aayos?" Galit na puna qniya sa akin. Takte nakakatakot din pala ang isang to kapag galit. Kala ko puro kalokohan lang ang alam nito.

"Ah opo, wait lang po..." Umakyat ako sa kwarto na pinagtulugan ko.

"Ang sungit naman nun." Inis kong sabi habang umaakyat  sa hagdan.

Pagpasok ko sa kwarto, hinanap ko yung switsuit ko na pinadala ni Asungot sa akin.

"Hays." Nagdadalawang isip ako kung isusuot ko pa ba yung swimsuit ko parang nakakahiya.

Narinig ko naman ang pagkatok sa pinto.

"Tuloy."

"Oh bakit di ka pa nagbibihis?" Aling Merinda

"Kasi po, ano eh."

"Bakit may tinatago ka ba? Tapos ang dami ng  mga tao sa baba, nag-iinit na nga ang ulo ni Khian kanina pa. Masyado atang naprepresure."

"Wala po, kasi po yung nadala ko pang swimsuit di pa po appropriate sa event na ito." Nahihiya kong pinakakita yung swimsuit na hiniram ko pa kay Elise dahil hindi naman talaga ako nagsusuot ng ganito.

"Ano ba yan, Ineng." Kumsimisyon na sabi nito sa akin. "Eh parang ginupit mo lang to ng damit ng bata ah, oh siya, siya....Ito buti pinabili ako ni Khian ng susuutin mo." Nilabas niya sa isang paper bag ang isang swimsuit.

"Wow ang ganda naman po yan, di naman yan babagay po sa akin." Kahit matanda na si Aling Merinda may taste rin pala siya sa mga damit.

"Isuot mo nalang."

Pumasok na ko ng banyo. Nang sinuot ko ang swimsuit parang nakakahiya kasi ngayon lang ako nakapagsuot nito, masyadong daring!

KHIAN POV:

Ang tagal naman ng babaeng yun, kanina ko pa yun pinaghanda. Parang nagproprosisyon sa sobrang bagal. Mamaya talaga yung babaeng yun sa akin. Kanina pa siya namumuro sa akin.

"Hahaha, how about you Sir?"

"I'm okay, I want you to meet my beautiful daughter someday." Mr. Co, one of my prospect investor.

"It's my pleasure, Mr. Co."

Bigla tumahimik ang lahat, nawala ang mga tawa, nakatingin lahat sa iisang direksyon. Napatingin ako sa tinitingnan nila kasi kahit si Mr. Co nakatunganga rin. Lahat talaga sila nakatulala kahit ang mga babae na kasama ng mga businessmen sa iisang direksyon.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now