CHAPTER 51: RESIGN

3K 50 1
                                    

SOPHIA POV:

"Sophie, can you give me your one minute?" Pambungad na tanong ni Tol sa akin.

"Oo naman. Anong meron?"

"Mamaya ko nalang sasabihin? It's ok to you?"

"Ah ganun ba. Oh sige." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Masaya ako dahil masaya ako. Eh sa natutuwa ako. Maganda parin ang pagsasama namin ni Asungot. Masaya rin ako ngayon dahil malapit na rin ang aking kaarawan. Excited ako kasi ito ang unang kaarawan ko na may asawa ako at kasama ko ang mahal ko, syempre si Asungot yun. Medyo nagkakasundo na rin kami ni Trixie, di gaya ng dati.

"Best, ano raw ang sasabihin sayo ni Sir Calvin?" Habang hawak niya ang tinidor.

"Di ko alam. Mamaya niya na raw sasabihin."

"Sus, baka aaminin lang ulit niya sayo na gusto ka niya, hahahaha!" Sarap kutungan nito ni Best. Naku!

"Sira! May asawa na ako."

"Wow! Galing ah! Pinagmamalaki mo na ngayon na may asawa ka na. So masaya ka na sa lovelife mong yan? Hahaha!" Hinampas ko siya sa braso.

"Sira ka talaga Best. Asawa ko naman talaga si Asungot ah. Di ko naman tinanggi yun ah."

"Haist. Hindi raw?" Mataray niyang sabi.

"Baliw ka talaga! Kumain ka na nga lang!" Natatawa kong sabi.

"Pero Best curious talaga ako sa sasabihin sayo ni Sir Calvin. According kasi sa mga tsismis" Sabay lapit sa akin

"Nagresign na raw si Sir Calvin." Halos mabilaukan ako sa narinig ko.

"Huh? Pano nangyari yun?"

"Ewan ko baka broken hearted siya sayo Best. Diba nga kasi nagkakamaigihan na kayo ni Sir Khian? Kawawa naman." Pangungunsensya ng loka

"Ano ka ba! Baka di naman yun totoo kasi tsismis nga diba? Matagal na rin natanggap ni Tol ang tungkol sa amin ni Khian." Di parin ako makapaniwala. Pero anong magiging dahilan ni Tol para magresign?

"Ano ka ba Best. Feeling ko nasaktan talaga si Sir kaya nagresign siya."

"Professional si Tol, Best. Impossibleng isama niya ang personal na bagay sa trabaho niya."

"Sabagay pero malay natin diba?"

"Kung totoo man na nagresign siya baka may mas malaking dahilan. Edi kagaya ng nasa isip mo."

"Oo na. Guilty ka kasi. Naku! Basta balitaan mo nalang ako kung anong sasabihin niya sayo ah."

Alam ko nasaktan ko ng sobra si Tol. Pero sana hindi totoo ang tsismis na kumakalat. Mahal ko si Tol pero bilang isang kaibigan lang. Di ko nga alam bakit pa si Asungot ang minahal ko kaysa kay Tol. Halos lahat ng gusto ko sa isang lalaki na kay Tol na pero si Asungot parin ang tinibok ng puso ko. Sabi nga sa kanta "wala ka nang magagawa kundi sundin ang tibok ng puso."

********

"Sophie?"

"Ummm?" Sabay tingin ko kay Tol.

"Sa Linggo na nga pala ang alis ko."

"Huh? Bakit san ka pupunta? Business trip ba?"

"Hindi, sa U.S."

"Anong gagawin mo dun?"

"Dun na ako maninirahan at aayusin ang business ng pamilya namin." Nashock ako sa sinabi niya, so totoo pala ang tsismis

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now