CHAPTER 63:CONDO UNIT

3.3K 48 1
                                    

SOPHIA POV:

     Mag-aalas sais na pero walang Khian na dumating pero inantay ko parin siya. Inisip ko nalang na di niya akong kayang pag-antayin ng ganito. Alas kwartro palang ay dumating na ako sa coffee shop, halos nakasampung kape na ata ang naiinom ko o baka lagpas pa nga pero di parin siya dumarating.
Lumagpas na sa alas sais pero di ko parin siya nakikita. Tingin ako ng tingin sa relo ko. Dumating na yung oras ng alas siyete pero hanggang ngayon ay di parin siya dumarating. Hanggang sa alas otso, alas nuwebe at alas dyis..... ngunit walang Khian na dumating.

"Miss, magsasarado na po kami. Pasensya na po." Ngumiti ako sa Manager at tumayo na ako pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako sa may mesa.

"Miss, okay ka lang ba?" Inalalayan niya pa ako.

"Huh? Oo okay lang. Pasensya na ulit." Lumabas na ako sa coffee shop.

Pagkalabas ko ng coffee shop ay napahawak ako isa sa mga mesa. Biglang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari.

KHIAN POV:

"Bye, babe." She kiss me on my cheek.

"Bye."

"Call me if you are in your condo."

"Yep." Umalis na ako sa condo niya

Naglakad ako papunta sa malapit na sakayan ng bus nang mapadaan ako sa coffee shop na kung saan sinabi nung babae na magkita kami. Pagtingin ko ay closed na kaya naman di ko na inabala pa na pumasok.

"Baka nakaalis na nga siya." Nasabi ko ng mahina sa sarili ko.

Di ko alam kung anong meron sa sarili ko na bakit nanghihinayang ako na di ako nakapunta? Saktong paalis na ako ng biglang may lumabas ng pintuan ng coffee shop, akala ko isang employee lang pero yung babae kanina na nagpupumilit na Khian daw ang pangalan ko ang lumabas.

Nakayuko siya habang lumalabas kaya di niya ako napansin. Napahawak siya sa isa sa mga mesa sa labas ng coffee shop at nakakagulat ng bigla siyang nawalan ng malay sa harapan ko. Nalaglag ang bag niyang dala.

Hindi ko alam kung bakit isa sa parte ng katawan ko ay gusto ko siyang tulungan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Baka nakokonsensya lang ako dahil sa ginawa ko sa kanya na hindi ko siya pinuntahan kanina. Baka nga.

Binuhat ko siya at dinala na rin ang mga gamit na dala niya kanina. Pumara ako ng taxi at dinala siya sa ospital na di kalayuan dun sa coffee shop. Isang public hospital ang pinagdalhan ko sa kanya sa sobrang pagmamadali baka kung anong nangyari na sa kanya. Di ko mapaliwanag ang sarili ko sa ngayon kung bakit ganito ako sobrang nag-aalala sa kanya

Kinakabahan ako kung anong nangyari sa kanya at tila naramdaman ko na ito dati. Nung nadala ko na siya at chineck ng doktor ay okay naman daw siya. Nasobrahan lang daw ng caffeine sa katawan at pagod lang raw yun. Over fatigue raw. Sabi ng doktor na okay na raw siyang iuwi. Hindi ko alam ng bahay niya kaya mas ginusto ko nalang na maghanap ng pwede niyang pagpahingahan sa hospital pero wala akong makuhang kwarto at ni kama man lang para sa babaeng ito dahil sobrang dami ng pasyente ngayon dito sa ospital.

Kaya napilitan akong dalhin siya sa condo unit ko dahil hindi ko rin naman alam kung saan siya nakatira. Kung tatanungin ko naman si Trixie kung saan siya nakatira, alam kong ikakagalit lang niya yun dahil kasama ko ang babae na ito. Ibinilin niya pa sa akin na huwag huwag kong tatangkain na makipagkita sa babaeng to dahil baliw daw to.

May pagkahawig daw kasi ng asawa ng babae na patay na. Kaya inaakala niyang ako ang asawa niya.

Nang makarating kami sa condo ko ay dinala ko siya sa kama ko para magpahinga. Ilang oras na rin siyang walang malay. Habang inaayos ko siya sa pagkakahiga ay di ko maiwasan na pagmasdan ang mukha niya. Di ko alam pero parang may kakaiba sa babaeng ito. Maamo ang kanyang mukha at nakakapang-akit talaga ang kagandahan niya.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon