CHAPTER 50:TRIP

2.9K 40 1
                                    

SOPHIA POV:

Simula nung araw na pumayag ako na magsimula kami ni Asungot ay masaya ako parati. Parati akong masaya sa tuwing naalala ko yung mga ginagawa namin sa tuwing magkasama kami. Gaya ng ibang couples ay gusto ko na ligawan niya muna ako. Gusto ko lang makita kung paano siya gagawa ng effort para maging kami. Hanggang ngayon nga di parin ako makapaniwala na hahantong kami sa ganitong sitwasyon.

Sa tuwing pupunta ako ng opisina ay parati kaming magkasama kahit sa break ko kasama ko siya at pati sa pag-uwi ng bahay kahit na busy siya parati, may time siya sa akin. Di rin siya pumapalya sa pagbibigay ng mga roses, teddy bear, at kung ano ano pa. Masaya ako sa tuwing magkasama kami.

Kung tungkol naman kay Trixie ay di ko na tinanong kung anong meron sila pero siya na ang nag-open sa akin na wala silang relasyon nito. Si Trixie ang hinahanap niyang tao noon pa. Merong selos syempre sa part ko sino bang hindi diba? Yung taong hinding hindi nagseselos sa taong mahal niya na kasama niya ang mahal niya dati, baka di niya na mahal yun or maybe bato n siya. Minahal niya si Trixie noon kaya may takot ako na baka bumalik na naman yung pagkagusto niya kay Trixie but he always assure me na wala siyang nararamdaman kay Trixie at di niya raw alam kung bakit ganun dahil matagal niya itong hinanap pero bakit daw nung nagkita na sila parang walang excitement siyang naramdan. Dun ko rin nalaman na niyakap niya si Trixie dahil natuwa siya na makita ito kahit pano. Baka raw dahil mahal niya na ako nung panahon na nalaman niyang si Trixie yung kababata niyang nawawala kaya di niya nabigyan pa ng pansin si Trixie.

We are here in my parents house na dati ko ring bahay. Birthday ni Papa kaya may handaan. Tumatanda na si Papa, he already 48 years old. Malapit na rin pala akong mag20, magkalapit lang kasi kami ni Papa ng date ng birthday.

"Happy Birthday po Papa!" Sabay halik sa kanya sa pisngi.

"Thanks my princess." Bulong niya sa akin.

"Walang anuman po Pa. Nga po pala ito po yung regalo ko sayo oh." Sabay bigay ko ng regalo.

"Dapat di ka na nag-abala anak, alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga regalo regalo na yan eh."

"Ano ka ba Pa, minsan lang naman to. Sana magustuhan mo po." Sabay yakap.

"San na pala si Khian?" Nagtataka niyang tanong ng di makita si Khian sa tabi ko.

"Malelate po siya ngayon. Pasensya na raw po Pa, pinapasabi niya."

"Ah ganun ba? Sabagay, busy talaga kapag may-ari ka ng malaking kompanya."

"Happy Birthday Tito!" Sabay yakap ni Elise kay Papa.

"Salamat at nakarating ka Elise." Natawa naman kaming lahat dahil katabi na nga lang namin yung bahay nila Elise di pa ba siya makakarating dito?

"Kayo talaga, Tito. Nagpapatawa na naman kayo."

"Saan nga po pala si Tita?" Tanong ni Elise

"Nasa kusina busy sa pagluluto. Sawayin mo nga yun si Tita mo sabing huwag na magluto ng marami dahil gusto ko simpleng handaan lang ang gaganapin pero ayan ang tigas ng ulo. Di makaundagaga sa pagluluto." Habang nakatingin si Papa sa lugar na malapit sa kusina.

"Sige po Tito." Natatawang sabi ni Elise.

"Alis muna po kami Papa ah." Sabay hila papuntang kusina kay Elise.

"Oh sige, tulungan niyo muna ang Mama niyo."

*****

Halos puro kamag-anak ang dumating sa bahay. Masaya pero may kulang kasi wala si Asungot eh. Baka busy pa talaga siya. Yung iba nagsipag-uwian na ng bahay nila kasi medyo gumagabi na rin. Sila Papa ayun nag-enjoy din naman. Puro nga tawa ang narinig ko sa kanya. Si Mama naman yun pagod na pagod pero tinulungan ko naman siya kahit papano.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now