CHAPTER 24:BED OR FLOOR?!

4.6K 60 1
                                    

KHIAN POV:

"Thank you Khian sa pagsama mo dito kay Sophie."-Papa

"Walang anuman po. Pinapunta rin po kasi nila Lolo dito para malaman niyo raw na andito na po kami sa Pinas at alam ko naman po na namimiss niyo na rin po ang anak niyo."-ako

"Pakisabi nga rin sa Lolo maraming salamat. Kumain na kayo ni Sophie?"-Papa

"Opo kanina pa pong tanghali."-alas tres na

"Dito nalang kayo maghapunan ni Sophie, Khian?"-Papa

"Oh sige po."-mabilis kong sagot

"Iiwan ko po dito si Sophia para naman po magkasama sama po kayo."-ayaw ko naman putulin ang saya ni Sophia ngayon.

"Salamat naman makakasama rin namin ulit si Sophie pero kung gusto mo dito ka nalang rin matulog dahil di ka pa naman na iba sa amin dito at para magkaroon na rin tayo ng bonding."-Papa

"Okay lang po ba?"-ako

"Oo naman di ka na iba sa amin Khian kaya huwag ka ng mailang sa amin. Pamilya mo na rin kami. Alam mo tatapatin kita Khian ang gusto ko ituring mo ako ng gaya  ng tatay mo gusto ko tatay rin ang turing mo sa akin. Okay lang ba yun sayo?"-Papa

"Opo naman po. Maraming Salamat po, Pa."-ako

"Pagpasensiyahan mo nalang tong bahay namin ah, mas maliit lang to sa bahay niyo."-Papa

"Okay lang po, atleast dito masaya naman ang bahay na to."

*************

"Pa, ikaw na po ang maglead ng prayer."-Sophia

"Hmmmp dahil ngayon lang natin nakasama si Khian sa hapunan. Okay lang ba sayo Hijo na ikaw muna ang maglead ng prayer?"-Papa

"Oh sige po." -nag-aalinlangan kong sagot dagil ngayon lang ako magdadasal sa tanang ng buhay ko kasi di naman kami pinagdadasal ni Lolo sa bahay.Kaya nga nagulat ako kasi pumayag si Lolo na magdasal si Sophia nung kumakain kami.Napatunayan ko na malakas talaga si Sophia kay Lolo.

"The name of the Father, the Son,the Holy Spirit. Amen." -nagsign of the krus kami.Magaling na rin ang Mama ni Sophia, buti naman kaya kasama namin siya ngayon sa hapag-kainan.

"God thank you for the food that you gave to us in this wonderful evening and thank you all of those blessing. And thank that all of us are here in this wonderful dinner. Amen." -ginaya ko nalang ang dating dinasal ni Sophia kasi di naman ako sanay na magdasal. Kumain na kami pagkatapos nun.

     Ang saya saya kasama ng pamilya ni Sophia. Close na close sila sa isa't isa. Ang galing ng mga magulang ni Sophia sa pag-aalaga sa kanya. Kaya hindi ako nagtataka kung paano sila magturingan sa isa't isa akala mo magkakaibigan sila pero alam parin nila ang limitasyon nila sa isat isa.

"Sophie anak sa dating kwarto nalang kayo ni Khian matulog."-Mama

"Ma, hindi niyo po ba nababago yung kwartong yun?"-Sophia

"Oo naman di namin yun babaguhin yun."-Mama

"Thank you Ma."-niyakap ni Sophia ang Mama niya.

"Pagpasensyahan mo na Khian ah."-iniluwa si Papa ng isang pintuan sa kwarto ata nila yun ni Mama na may dalang pantulog na damit.

"Salamat po."- kinuha ko ang pantulog na inaalok niya. Nang buklatin ko yun ay wagas! Hindi wagas yung pantulog na pinahiram sa akin ni Papa kundi yung tawa ni Sophia nang buklatin ko yung pantulog dahil sobrang ikli nun at ang liit para sa akin. Medyo may katabaan pa kasi ang Tatay ni Sophia kaya malalaki ang damit niya baka itong pinahiram niya sa akin ay nung kabataan niya pa.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now