CHAPTER 21: OUR FIRST KISS

4.9K 68 2
                                    

KHIAN POV:

"Oh eto na pala ang towel mo!"-dun ko nalang napagtanto na andun pa pala si Sophia.

"Thank you."-walang emosyon kong sabi.

         Nashock ako kanina at alam ko rin naman si Sophia dahil ang kiss na yun ay ang First Kiss ko.Si Sophia siya ang First Kiss ko at ako rin naman ang First kiss niya sa pagkakaalam ko. Ang pagkakaalam kasi ng iba ay babaero ako. Oo totoo yun pero hanggang pakikipagflirt lang ang ginagawa ko pero ang makipaghalikan sa iba at yung alam niyo na ay hindi no!

         Dumiretso na si Sophia sa kama niya after niya ibigay ang towel sa akin pero ang sama parin talaga ng pakiramdam ko ng unti. Kasi nung di pa kami nagkikiss ni Sophia ay sobrang sama na akala ko umiikot ang mundo pero ewan ko ba nung nagdampi ang mga labi namin ni Sophia ewan ko parang nawala lahat yun. Hindi naman sa mahina ang katawan ko pero kasi parati akong nagpupuyat nang mga nakaraang araw dahil sa kasal namin ni Sophia.

FLASHBACK

"Ano ba talaga to di ako makatulog. Ano bang nangyayari sa akin?"-Habang kausap ko si Sophia na masarap na natutulog.Para tuloy akong tanga na kinakausap ang tulog na impossible naman akong sagutin. Nakatagilid siya ng higa na nakaharap sa akin bahagya siyang natutulog habang ako naman ay kumakanta ng mga panahon na yun. Nang malaman ko na tulog na siya ay minabuti kong umalis na.

"Huwag kang umalis, please!"-Nagsalita si Sophia habang natutulog parang nanaginip ata.Kaya kaysa umalis ako ay hinayaan ko nalang ang sarili ko na manatili sa tabi niya dahil nag-aalala rin ako sa kanya dahil takot siya kidlat. May naalala tuloy ako sa kanya si Lollipop Girl ko takot rin kasi yun sa kidlat. Mga ilang oras ko rin siyang tinitigan. Totoo nga talaga na ang ganda ganda niya. Malaanghel ang kanyang maamong mukha. Ang tahimik ang payapa ng maganda niyang mukha. Natuklasan ko nalang ang sarili ko na nais na ng aking mga kamay na dumapo sa kanyang mukha. Nang bigla sumilay sa aking utak ang mga pinag-usapan namin ni Calvin ng mga panahong iyon.

********

"Na pwede mo siyang ligawan."-nasabi ko kay Calvin bilang pagsuporta ko sa kanila ni Sophia.

"Pero di ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko siya."-Calvin

"Tutulungan kita para malaman niya na mahal mo siya. I promise to you that"-yung mga salitang yun ay ngayon ay pinagsisisihan ko na lahat yun. Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko.Pero wala akong magawa.

"Salamat pre, tunay ka talagang maasahan pero gusto kong matandaan mo na bawal mo siyang magustuhan as in bawal because she is mine!"-Matigas niyang sabi sa akin. Na akala mo tiger na pinoprotektahan ang kanilang pagkain.

"I promise."-Itinaas ko ang kanang kamay ko bilang pagtupad sa pangako pero parang ayaw sumunod ng aking puso sa ginagawa ng aking katawan.

      Yung sinabi ko ang mga salitang yun kay Calvin parang lahat gusto kong bawiin ngayon.

*********************

    Ibinaba ko ang kamay ko na malapit na sa mukha ni Sophia dahil sa mga naalala kong pinagsasabi ko kay Calvin. Mga 4:30 am na ako nakatulog ng araw na yun. At gumising kami ni Sophia ng mga 6:00 am kaya wala talaga akong halos tulog kasi kinabukasan ay ang flight namin papuntang Guam.

      Habang nasa eroplano kami ni Sophia ay hindi ako makatulog dahil kay Sophia.Kung ano ano kasi ang ginagawa kapag matutulog ako parati ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin. Sino naman diba ang makakatulog kapag alam mong may nagmamasid sayo, kaya ayun puyat na naman ako.

     Habang nasa Guam kami ay plinano ko na lahat ng gagawin ko para sa gabi na yun. Ang pagsayaw ko sa kanya,ang paghahanda ng candle light dinner, ang pagbibigay ng mga pink flowers sa kanya at ang pagkanta ko nang nag-iisa.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now