CHAPTER 54: GUILTY

2.9K 41 1
                                    

SOPHIA POV:

"Ma, Pa andito na po kami." Pagpasok na pagpasok namin ni Khian sa bahay.

"Oh, anak. Di mo naman sinabi na pupunta pala kayo, edi sana nagkapaghanda kami." Nagmano kami ni Asungot kina Mama't Papa

"Okay lang po Ma." Khian

"Ma, yung mga lumang mga pictures ba nung bata ako nakatago parin ba? Yung mga pictures namin ni Calvin?"

"Oo naman. Nasa taas lang yun. Dun sa cabinet na kulay red. Andun sa kwarto mo. Hanapin mo nalang. Nakalimutan ko na kasi eh kung san banda."

"Alam mo naman ang Mama mo, nag-uulyanin na." Sabat ni Papa.

"Oh sige po. Ma Pa. Oo nga po pala si Calvin aalis na siya mamayang 1 pm papuntang U.S."

"Anong gagawin niya dun?" Papa

"Aasikasuhin po nila ang negosyo nila." Asungot

"Ah ganun ba. Nakakalungkot naman." Sabay pang sabi nila Mama't Papa

"Oh sige po Ma Pa akyat na po kami."

Umakyat na nga kami at pumunta ako sa kwarto ko. Wala paring pinagbago. Pumunta agad ako sa red na cabinet.

"Close na close talaga si Calvin sa mga magulang mo no?" Nagulat ako ng sabihin yun ni Asungot.

"Oo matagal na rin kasi kaming magkaibigan ni Calvin simula nung bata pa kami, yun ang sabi nila Mama't Papa. Parati pa nga si Calvin nasa bahay noon eh."

"Huh? Bakit sabi nila. Di mo ba natatandaan na pumunta si Calvin sa inyo dati?"

"Di ko pa pala nasabi sayo, nagkaroon kasi ako ng amnesia noon. Pero ngayon may natatandaan naman akong mga bagay bagay nung pagkabata ko. Pero yung iba kasi talaga di ko na maalala baka dahil hindi na masyado pang mahalaga pero okay lang yun, matagal na rin naman para balikan pa."

"Madami pa pala akong mga bagay na dapat malaman sayo. Akala ko kilalang kilala na kita." Nakuha ko na yung mga photo album.

Tinulungan ako ni Asungot para bitbitin yun dahil 7 yung photo album at malalaki pa. Inilapag niya yun sa kama.

"Thanks."

"Tutal andito naman tayo ngayon sa bahay niyo at andito ang mga pictures mo noon, so pwede mong ipaliwanag kung ano yung mga yun isa isa. Para atleast di na ako nangangapa sa nakaraan mo diba?"

"Oh sige." Binuksan ko na ang isang photo album.

Pagkabukas ko ang nakita ko agad ang picture nila Mama't Papa nung nagpakasal sila.

"Eto yung picture nila Mama't Papa nung araw nung kasal nila. Paliwanag ni Mama sa akin noon na sobrang saya ng kasal niyang yun parang siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Di niya raw maipaliwanag kung anong saya ang dulot ni Papa sa kanya. Nakatago pa nga yung wedding dress niya hanggang ngayon at alam mo ang sabi niya sa akin gusto niya na yun ang suutin ko sa araw ng kasal ko. Pero nung kinasal tayo iba yung suot kong wedding dress, natatawa pa nga ako sa itsura ng wedding dress na yun kulay itim. Para tuloy nagluluksa ako sa kasal natin. Hahahaha!" Nalungkot at masaya ako sa bagay na yun.

"Fashion yun. Pero yung wedding dress ng mama mo pwede mo naman ulit yun suutin."

"Huh? Diba nga tapos na tayong magpakasal kaya di ko na yun masusuot."

"Hmmm. Dahil sa tingin ko di ko na ito maitatago pa sayo. Sa tingin ko ito na yung tamang oras na sabihin to sayo pero balak ko sana gawin to pagkatapos ng kaarawan mo."

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now