CHAPTER 55: PRAYER

2.7K 41 1
                                    

SOPHIA POV:

"Happy Birthday My Princess! Ang ganda mo ngayon, anak." Papa

"Salamat po Pa. Nambola ka pa, Pa" Sabay yakap sa kanya.

"Happy Birthday My Princess!" Mama

"Thanks Ma." Niyakap ko rin si Mama.

"Asan ang asawa mo?" Papa

"Nasa baba na po. Kasama po ata ni Lolo."

"Halika na nga bumaba na tayo." Mama

Pagkababa namin tumambad sa amin si Khian.

"Uy, Khian." Tawag ko

"Oh. Sophia, You're so beautiful today." Pinadausdos niya yung kamay niya bewang ko at hinalikan ako sa pisngi.

Nahiya ako sa ginawa niya dahil di ako sanay na ginagawa niya yun lalo na sa harap ng ibang tao.

"San na sila Lolo?"

"Di ko alam pero andito lang yun kanina baka may kinausap lang."

"Ah."

"Happy Birthday Hija."-Tita Noby

"Thanks po Tita." Nagbeso beso pa kami.

"Kamusta ka na?" Tita Noby

"Okay lang po. Kayo po kamusta na? Eto nga po pala si Khian asawa ko." Nakipagkamay naman si Asungot.

"Okay lang Hija. Gwapo tong asawa mo. Bagay na bagay kayo."

"Hehehe. Thanks po Tita." Asungot

"Walang anuman. Nagsasabi lang ako ng totoo." Tita

"Pasensya na po Tita pupuntahan ko lang po muna sila Lolo. Kayo po muna ni Khian ang mag-usap."

"Oh sige Hija. Happy Birthday ulit." Ngitian ko naman siya.

"Wait lang Khian. Magpapasalamat lang ako kay Lolo para sa birthday party na pinagawa niya." Bulong ko at nakita ko naman siyang tumango.

Medyo maraming tao sa birthday party ko, karamihan sa mga tao dito ay mga kamag-anak at katrabaho. Yung iba nga di ko kilala baka mga businessman  na kilala ni Lolo. Nagulat na nga lang ako na may party pala na  pinagawa si Lolo. Masasabi kong bongga nga yung birthday ko kaysa sa mga nakaraang birthday ko. Kaya nagpapasalamat ako dahil isa ito sa mga birthday na di ko makakalimutan dahil na rin ata kasama ko yung mga taong mahal ko.

Ang daming bumabati kada daan ko sa kanila. Umabot din ata ako ng 15 minuto kakathank you isa isa sa mga bumabati. Di ko parin makita si Lolo kung san siya. Nang biglang may humila sa akin at nung tiningnan ko ay di ako makapaniwala na andito siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Habang hila hila niya ako.

Nakapunta kami sa isang sulok sa likod ng bahay. Kainis talaga siya. Naiinis talaga ako sa presensya niya. Di ko yun maiiwasan dahil sa kanya muntik na kaming tuluyan na maghiwalay ni Khian!

"Ano bang ginagawa mo dito? At sinong nagpapasok sayo? Di ka naman ata sigurado imbitado dito diba?" Pagtataray ko

"Sorry Sophie sa mga ginawa ko sa inyo ni Khian noon. I'm really really sorry for what I've done."  Naluluha niyang sabi.

Di ako nagpapadala sa kanya. Baka kung madala ako ay bigla ko nalang siya mapatawad sa panlalandi niya kay Khian. Alam kong masama na di magpatawad ng tao pero masakit yung ginawa niya at alam kong siya yung kababata ni Khian na matagal na niyang hinahanap pero sana naman huwag niyang landiin si Khian at ilagay niya sa tamang lugar ang sarili niya.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now