CHAPTER 67: I'M SORRY MA

4K 64 1
                                    

KHIAN POV:

"Sir, wala pa po dito si Mr. Pres. Co." Secretary of Mr. Co

"Pakisabi nalang sa kanya na mag-aantay ako hanggang sa kausapin niya ako." Nasa harapan kami ni Sophia sa opisina ni Mr. Co.

"Pero Sir..."

"Basta mag-aantay ako dito. Pakisabi nalang sa kanya." Pumasok naman ang sekretarya niya sa loob ng opisina.

Alam kong nasa loob lang si Mr. Co at iniiwasan niya ako. Nakatayo kami ni Sophia sa harapan ng opisina niya. Nag-antay kami ng halos anim na oras pero hindi parin niya ako kinakausap.

"Sophia, umuwi ka na sa bahay at magpahinga ka na."

"Hindi okay lang ako. Ikaw na nga ang pagod diyan eh."

Lumipas na ang halos siyam na oras pero di parin siya lumalabas ng opisina.

Biglang nagbukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwal nito si Mr. Co kasama si Trixie.

"Mr. Co can I talk to you?" Halos pahabol ko ng kausapin si Mr. Co

Pero akala mo isa lang akong multo kung lagpasan niya ako. Pero patuloy parin ang paghabol ko sa kanya kasama ko si Sophia.

Pero nagulat ako ng biglang bumagsak si Sophia. "Sophia. Sophia!" Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Okay lang ako, Sir. Habulin niyo na po si Mr. Co." Pero pano ko magagawa yun kung ganyan ang kalagayan niya?

"Okay ka lang ba Mrs. Mercedez?" Nagulat kami ng dumating si Mr. Co.

"Okay lang po ako Mr. Co. Maraming salamat po sa pag-aalala." Saad ni Sophia.

Hinang hina siya ngayon dahil di pa kami kumakain simula ng dumating kami sa kompanya ni Mr. Co halos 9 oras na rin ang nakakaraan.

"Papasukin mo sila sa aking opisina, Ms. Levita." Sabi ni Mr. Co sa kanyang sekretarya

"But Dad!" Tutol ni Trixie

"Hayaan mo muna ako anak." Mr. Co

Mabuting tao si Mr. Co, alam yun ng lahat kaya alam ko rin na papayag siya sa inooffer ko sa kanya.

"Kumain lang muna kayong dalawa, alam kong pagod kayo at wala pang kain." May nakahandang mga pagkain sa mesa

"Okay lang po ako."

"Tubig lang po ang sa akin Mr. Co." Sophia

"Sir, pumunta kami dito para makiusap sana sa inyo."

"Alam ko na yun Mr. Mercedez at sa tingin ko ay nakapag-isip isip na ako para dun.

"Ano po yun Mr. Co?"

"Pumapayag na ako pero sa isang kondisyon."

"Ano po?"

"Dahil sa walang kasiguraduhan ang pagtulong ko sa inyong kompanya ay kailangan natin ng isang kasunduan. Gaya mo isa akong business man at alam mo na hindi nakikipagdeal ang gaya ko na walang nakukuhang kapalit."

"Ano po bang kundisyon niyo?" Nakita kong ngumiti si Trixie

"Gusto kong pakasalan mo ang aking anak na si Trixie." Nagulat naman ako sa gusto niyang mangyari.

Di lang ako pati na rin si Sophia. Si Trixie naman ay nakangisi habang nakatingin sa aming dalawa.

"Pero Mr. Co, kasal po kami ni Khian." Sophia

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now