CHAPTER 32:MR. UNKNOWN

3.3K 59 1
                                    

SOPHIA POV:

"Best hindi ba maganda tong suot ko ngayon? Hindi ba mukha akong sira o mukhang OA?" -tanong ko kay Best na kanina pa nakukulitan sa akin, hindi kasi ako mapakali kung maganda ba o  maayos man lang ang suot ko ngayon.

"Maganda nga! Ang kulit mo rin Best, oo nga napakaganda mo nga ngayon kung nasa High School pa tayo baka ikaw pa ang manalo at ikaw ang magiging Prom Queen. Pati nga ako tinalbugan mo na. Hahahaha!" -sabi niya na natatawa pa.

"Hahaha, sobra ka naman Best!" -nahihiya ko namang sabi. Sobra naman kung makapuri si Best sa akin.

"Sobra naman kasi yung asawa mo makaeffort kung magbigay sayo ng susuutin. Hahahaha.Tuloy ayan natalbugan mo na ako. Parang galing pa ata yan sa ibang bansa. Kitang kita diyan ang kasexyhan mo at kagandahan mo. Saludo talaga ako kay Sir Khian sa taste sa pagpili ng mga damit! Pero ingat ka baka siya ang may gustong sumuot yan at tinry niya sayo kung maganda. Hahaha" -tawang tawa  ako sa kanya. Bigla bumakas ang pinto ng parlor.

"Oh sorry ladies, it's too tra... I'm sorry I think I'm not in the right room."-pagbibiro ni Calvin nakahalata naman kami na namukhaan niya kami.

"Calvin!"-maawtoridad na sabay naming sabi ni Best.

"Hahahaha. Akala ko ibang tao.I'm really sorry ladies it's too traffic so I'm late."-napakamot pa siya sa ulo niya.

"Ang gaganda niyo naman."-pagpuri niya.

"Thanks Calvin."-sabay naming sabi.

"Halina baka malate pa tayo,anong oras na oh."-pagsingit ko baka hindi na kami makaalis dahil sa pag-uusap namin.

"Hindi niyo lang ba ako pupuriin sa suot ko?"-sabi ni Calvin na akala mo na nagtatampo.

"Hahaha! Syempre ang gwapo gwapo mo diyan sa suot mo, Sir."-Elise

"Oo gwapo diyan sa suot mo pero ngayon lang!"-pagbibiro ko.

"Hahahahaha!"-tawa naming tatlo at lumabas na nga kami at sumakay ng kotse ni Calvin.

          Simple lang naman ang suot ko na ibinigay ni Asungot.Simple but sexy! Hahahaha. Black yung color na tube at may mga glitters na nangingintab kaya ang ganda may pagka see-through kaya may kitang balat sa tiyan at at fitted kaya kitang kita ang korte ng katawan ko buti nalang hindi ako kumain ng marami nung nakaraan kundi ang taba taba ko na at long back ang style kaya kita rin ang mga legs ko. At yung mascara naman ay super ganda rin gaya siya ng  damit ko ang sosyal may feather na black sa kanan at half mascara siya kaya ang natatakpan lang ang mga mata ko at ang noo. 5 inches ang high heels ko ang sakit nga sa paa eh,hindi pa naman ako sanay pero okay lang mukha naman na akong matangkad sa suot ko eh.Parang yung suot ko mula ulo hanggang paa lahat galing sa ibang bansa ang sosyal kasi mukha tuloy akong mayaman. Hahahaha.

          Kay Elise siya naman ay nakapink na may kasamang violet yung long gown niya gaya nang sa akin, sosyal rin, may 5 inches na high heels. Yung mascara naman niya parang korteng butterfly na maraming butas butas ang ganda super!

 ************

       Nang pumasok kami ay marami na ring nasa dance floor hindi ko makita si Asungot baka busy sa business niya at hindi ko rin siya makilala dahil lahat talaga nakamascara at hindi ko naman alam ang suot niya. Kaya umupo muna kami nila Calvin at ni Elise sa isang table na panglimahan.

"Can we dance?"-Tol

"Ako?"-paninigurado ko.

"Yes, you are."-siya

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now