EPILOGUE

6.9K 112 21
                                    

SOPHIA POV:

Natapos na ang kasal at ang kainan. Kinakabahan ako sa mangyayari ngayong gabi dahil ito ang gabi na kung saan ang unang gabi namin ni Khian na mag-asawa. Di man lang ako nakapaghanda dahil biglaan to. Sa resort na yun dun gaganapin ang honeymoon namin. Pumasok kami sa isang kwarto dun. Ang ganda ng loob nito, may isang malaking kama na nasa gitna na puno ng petals ng pink roses sa unahan may isang couch at isang malaking lcd tv na sa gitna nun ay may lamesita, may banyo na kung saan may bathtub at shower.

"Wait Khian? Pano di ako nakapaghanda kaya wala akong mga baon na dadamitin ngayon." Pagpasok namin sa kwarto.

"Andyan sa cabinet nakalagay. Si Lolo ang nagpabili ng mga damit dyan. Tingnan mo nalang." Tinuro niya ang cabinet.

"Ah okay." Pumunta ako sa cabinet. Tiningnan ko ang laman ng cabinet.

"Sure ba sila ito talaga ang susuutin ko?" Nagulat ako sa nakita ko.

"Bakit anong problema." Pumunta siya sa lugar na kung andun ako.

"Parang di rin ako magdadamit sa lagay nito ah. Ano ba yun si Lolo." Umalis na ako dun.

"Eh tatanggalin mo rin naman yan kaya okay lang. Kung gusto mo wag mo ng suutin para mas maganda." Di ko alam anong irereact ko sa sinabi niya. Nakakrus ako sa katawan. Baliw talaga tong Asungot na to!

"Ewan ko sayo!" Kumuha ako ng isa sa mga damit dun at underwear. Pumasok na ako sa banyo. At nilock ang pintuan nun.

"Sophia?" Kumatok si Khian

"Bakit?" Ayaw ko lumabas ng banyo baka kung anong gawin ng isang yun.

"Sabay nalang tayo maligo." Malakas niyang sabi.

"Ayaw ko!" Baliw talaga yung isang yun.

Naligo na ako at kinusot ko ng mabuti ang katawan ko. Sobrang pula nga sa sobrang kusot ko. Natagalan ako sa loob ng banyo. Katok na ng katok yung isa. Sinuot ko na yung binili ni Lolo. Di ko maiwasan na di maawisa sa suot ko dahil sobrang kitang kita na ang loob nito. See through kasi. Nakakainis talaga. Para tuloy akong nagbebenta ng katawan.

Nung binuksan ko ang pintuan ay biglang bumulaga si Khian. Gusto kong takpan ang katawan ko sa sobrang kahihiyan. Hinila niya ako palabas sa banyo at pumasok sa loob ng banyo. Bigla akong natawa kaya pala katok ng katok kanina yun pala naiihi na.

Pumunta ako sa terrace na kung saan kitang kita ang bilog na bilog na buwan. Makikita mo mula dito ang beach na nasisinagan ng buwan. Ang ganda, ang tahimik ng lugar at payapang payapa. Pumasok na ako sa loob at tiningnan yung mga cd dun. Puro hollywood ang palabas, may twilight, dear john, step up, the grudge, annable, the uninvited at marami pang iba.

Di ako mahilig sa romance na palabas, takot naman din ako sa horror, di rin ako mahilig ng musical pero baka mas maganda ang suspense. Pinatay ko ang ilaw para maganda. Kaya The Uninvited ang pinanood. Malaki ang screen kaya kitang kita mo ang mga pangyayari. Medyo nasa bandang gitna na ako ng biglang tumabi sa akin si Khian sa couch.

"Anong pinapanood mo?" Umakbay siya sa akin.

Napansin kong nakapanjama short lang siya at topless. Kaasar to! Di ako makapagconcentrate sa pinapanood ko sa itsura niya ngayon.

"The Uninvited." Kunwari nakaconcentrate ako sa pinapanood ko.

"Ah. Di ka pa ba inaantok? Maaga ka nagising kanina ah." Nakatingin siya sa akin.

"Mamaya na ako matutulog pagkatapos ng palabas." Di ko siya tinitingnan.

"Sobrang tagal mong naligo kanina halos isang oras."

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon