CHAPTER 12:PICK-UP LINE

5.6K 81 1
                                    

SOPHIE POV:

KINABUKASAN:

"Ang ingay naman, huwag nga kayong maingay please!" Rinig ko na ang ingay kahit tulog pa ako.

"Miss, Sir!" May tumapik sa balikat ko. Hindi pamilyar ang boses niya siguro dahil half sleep pa ako. Pero for sure si Mama lang to, pinagloloko na naman ako.

Kadalasan kasi kapag nahihirapan yun manggising sa akin ay tinatawag nun ako ng miss.

"Five minutes na lang talaga Ma please!" Itinaas ko pa ang kamay ko habang bukas ang lima kong mga daliri.

"Uy, Sophia gising." Sabi ni Asungot sa panaginip ko. Parang binabangungot ako kaya minulat ko na ang aking mga mata ng makita ko na napakaraming tao.

"Ano ba ang i-n-g-a-y, i-n-g-ay......" Slow motion kong sabi at di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa dami nakatingin sa akin, hindi lang pala sa akin pati rin kay Asungot.

Nakulong nga pala kami ni Asungot dito sa elevator kagabi, bakit di ko natandaan? Hays! Ang bopols bopols ko talaga. Baka kung ano na ang itsura ko habang natutulog at nakahiga pa ako sa hita nitong Asungot na to?

Maraming tao dito sa kompanya ngayon kasi maaga na. Marami tuloy nakakita sa amin. Maraming nagbubulungan na tao sa harapan namin baka kung ano pa ang isipin nila. Napayuko tuloy ako habang nakaupo ako, katabi ko kasi si Asungot.

"Miss ano po....." Di na natapos ni Manong guard yung sasabihin niya kasi biglang sinabi ni Asungot sa akin

"Tara na takbo." Tapos hinila niya ako, napatayo tuloy ako. Nasagi na namin yung ibang tao

"Sorry po, sorry po talaga.." Humihingi ako ng tawad sa mga nabangga namin ni Asungot. Nakahawak siya sa kamay ko, feeling ko nangyayari lang to sa korean telenovela na napapanood ko tapos ako yung babaeng bida. Tapos hila-hila ako ng kontrabida.

Nakatingin tuloy lahat sa amin ang mga tao nakakita sa amin. Baka akala nila papatol ako sa Asungot na to. AS IF naman no! NEVER as in N-E-V-E-R. UNDERSTAND?

"Sakay na!" Asungot, nandito kami sa parking lot. Tama nga siya, yung kotse niya yung ginawa kong salamin kahapon. KAASAR!

Mamahalin ang kotse niya, as usual baka magulat ka nakakarito lang ang isang CEO ng kompanya na car dealer ng asia. Lexus lang naman ang sasakyan niya. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganitong kagandang sasakyan?

"Ayaw ko nga." Pagmamatigas ko.

"Bala ka nga dyan." Akala ko pipilitin ako ng Asungot na to. May pagka-ungentleman talaga to. Baka kung si Calvin to hindi ganito ang mangyayari. Paalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Kala mo makakasakay ka, wala ka ngang dalang pera." Asungot, kinompirma ko kung wala nga akong pera mabili ko nga yun nakumpirma dahil di ko dala ang bag ko.

"Asan na ba yung bag ko?"

"Naiwan mo lang naman dun sa elevator, sige good luck na lang! Mahaba haba pa ang lalakbayin mo. Try mo ring tangkap yang mukha mo. Hahaha." Narinig ko na naman ang nakakainis niyang tawa. Sumakay na siya ng kotse.

"Hoy, wait lang, sama na ako. Please!" Lumapit ako dun sa kotse niya.

"Akala ko ba ayaw mo?" Nakangisi siya na akala ko mo mukhang shunga.

"Joke lang yun. Ano ka ba ang hina mo talaga minsan sa joke eh no? Sabay na ako ha. Salamat."

"Oh sige na nga buti mabait ako." Mabilis naman puri ang sarili niya.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now