CHAPTER 13.1:WHO YOU?

4.3K 67 1
                                    

KHIAN POV:

"Good morning Sir, ako po to...." Sabi ng babaeng kaharap ko.

"Who you?" Bumukas nalang ng kusa sa aking bibig.

"Sophia Vhinace Dela Vega." Halatang naguguluhan siya sa naging reaksyon ko at mas di pa ako naniwala dahil wala sa bakas niya ang pangalan na binanggit niya.

Ang Sophia na kilala ko ay galing bundok na hindi man lang alam ang make up at lalo na ang pagsuot ng mga damit na kukurba sa kanyang katawan.

"Weh di nga, ikaw yan?" Napatayo pa ako sa sobrang di makapaniwala dahil unti unti ko ng nakikilala siya kapag tiningnan mo ng maigi.

"Oo, diba halata?" Pero walang pinag-iba ang ugali. Kapag kausapin ako parang kapantay niya lang ako dito sa kompanyang to.

"Oo, parang iba." Pag-amin ko.

"Halata naman." Naiinis ang itsura niya.

"Sabi ko sayo maganda ang kakalabasan kapag suot mo na yan! Tingnan mo naging mukha kang tao." Pagmamalaki ko sa kanya na halata naman na kinainis niya bago pa siya makapagsalita ay muli na akong nagsalita.

"Oo nga pala, may pupuntahan tayo bukas. Magdala ka ng mga damit mga isa't kalahating araw tayo doon." Iniba ko talaga ang usapan baka masupalpal lang ako ng babaeng to, mahirap na. Lahat ata ng lalabas sa bibig ng babaeng to puro pambabarag sa akin.

"San tayo pupunta at anong gagawin natin dun?"

"Sa tagaytay tayo pupunta, isa sa mga Boungalow ng aking Lolo. Meron tayong bussiness na gagawin. Be ready."

"Okay, Sir."

"Magdala ka pala ng swimsuit dahil night swimming ang event."

"Pero...."

"Walang pero, pero." Alam ko naman na tatanggi siya.

"Oh sige na nga lang." Dumiretso siya sa upuan niya.

Muli ko siyang pinagmasdan habang nakaupo siya sa kanyang upuan. Hindi ko namalayan na unti unti na akong naakit sa kanya.

Sinapak ko ang sarili ko para matauhan ay sinabi sa aking sarili. 'Hindi pwede may nagmamay-ari na sa kanya!'

KINABUKASAN

SOPHIE POV:

Umalis ako sa bahay nagpaalam ako kina Mama't Papa bago ako umalis kinuha nila ang address ng tutuluyan ko para makasigurado. Sabi nila pupunta raw sila sa address na yun kapag di ako makauwi agad.

Opo na nga lang po ako ng opo. Umamin na si Asungot na peke siya, na di ko talaga siya boyfriend. Pero nagtataka lang ako dun di naman nagreact sina Mama't Papa, mas okay raw kung tinotoo na raw namin. Porket gwapo lang ganun agad, di sila nagagalit kakainis, unfair! Anong sinabi ko? Gwapo? Sa Asungot na yun? Erase! Erase! Ibahin na nga ulit natin ang usapan. I smell fishy, hindi dahil nasa palengke ako, kundi parang may kakaiba kila Mama't Papa.

Well andito na kami sa Boungalow ng Lolo na mayaman ni Asungot. Ang laki-laki ng swimming pool tamang tama sa event. Kaya ata ang isandaang tao. Halatang mayaman  ang may-ari. Mga hapon na rin, hindi naman talaga ngayon ang nightswimming bukas pa ng gabi, andito lang ako at si Asungot para iayos ang mga gagamitin.

Meron pang ibang tao dito si Aling Merinda at Kuya Betong. Mag-aalas kwatro na kaya pinagpasyahan na bibili na kami ng  mga kakainin kasama namin si Kuya Betong para may tagabuhat. Ginamit namin ang sasakyan ng Asungot na yun.

Sa ilang oras na pamimili sa grocery mga anim na kahon rin ang dala namin, take note di lang simpleng kahon, ang laki parang karton para sa aparador.

Nagluto na si Aling Merinda ng magiging hapunan namin, di na ako tumulong kasi baka sumabog ang kusina kapag tumulong ako dun kawawa naman ang may-ari, baka gumastos ng malaki. Ewan ko saan ba ako nagmana ng kabobohan sa pagluluto kasi sina Mama't Papa akala mo isang Chef kapag nagluluto ang sasarap. Kapag nga pinagsaing ako kailangan pa ng sukatan o tangkalan kung wala yun nganga hilaw o magiging lugaw ang sinaing ko. Kahit isang butil ng kanin di mo kayang tiisin.

Sabay-sabay kami kumaing apat, buti na lang di maarte tong si Asungot, kasi diba yung iba sa mga napapanood kong teleserye maaarte ang mayayaman ayaw nilang makasama kumakain ang mga mahihirap na gaya ko. Pero si Asungot siya pa ang nagyaya na sabay sabay raw kaming kumain. May mabuting puso rin pala to kung minsan. Hahaha!

"Aling Merinda ako nalang po ang maghuhugas diyan kasi di naman po ako nakatulong sa inyo sa pagluluto kanina." Pang-iistorbo ko sa kanya

"Pero Hija." Aling Merinda

"Hindi na po, alam ko naman po na pagod na kayo kanina pa." Hinawakan ko siya sa balikat at pinatanggal ang apron sa kanya.

"Tutulong nalang po ako Inay kay Sophie." Kuya Betong, mas matanda sa akin si Kuya Betong 26 na ang edad niya.

"Oh sige anak, kaw na ang bahala kay Sophie." Aling Merinda

"Opo, nay. Matulog na po kayo." Naghugas na kami ng mga plato ni Kuya Betong, ang dami kasi pati ang gagamitin para bukas ay hinugasan na rin namin.

"Kuya may kapatid ka po ba?" Pag-uumpisa ko ng usapan, wakward kasi kapag tahimik lang.

"Ah wala." Nahihiya nitong sabi.

"Parehas po pala tayo, only child lang  rin po kasi ako."

"Pagkakatoon nga naman no?" Tumawa kami ng tumawa

"Gusto mo ba ipasyal kita mamaya?" Aya niya na nagpantig ang tenga ko sa tuwa. Gustong gusto ko pa kanina na makalabas dito sa bahay na to at makapamasyal.

"Oh sige po."

Natapos na kaming maghugas ng mga plato. Inilibot na ko ni Kuya Betong sa Boungalow. Sobrang laki ng Boungalow na to, maraming kwarto. Ang laki ng hardin sa harapan at ang ganda ganda talaga halatang inaalagaan.

Nakaupo na kami sa bench sa may terrace dahil sa pagod.

"Kuya sino po ba talaga ang may-ari nito?" Pag-uumpisa ko muli ng usapan.

"Si Sir Juanito po siya ang Lolo ni Sir Khian." Kapangalan talaga niya si Lolo Juanito na kaibigan ko, ang galing naman.

"Ah ganun po ba?"

"Pero si Sir Khian mayroon ring iba't ibang lupa dito sa bansa."

"Eh pano po siya nakabili ng ganoon eh bata pa po siya para mabili ng mga lupa, eh ang mahal kaya ng mga lupa ngayon."

"Madali lang nung bata pa siya hindi siya maluho kagaya ng ibang  batang mayaman. Ang mga baon niya ay iniipon niya at dahil sa may pera siyang madudukot, marami ang natutulungan niya dito. Gaya nalang ni Inay natulungan niya kami nung nagkataon na nagkasakit si Inay. Nung bata kasi yan tumira rin siya dito ng ilang taon kaya kilalang-kilala siya dito sa lugar na to dahil marami na rin siyang natulungang tao." Hindi ko alam kung binayaran ba si Kuya Betong ni Asungot dahil naririnig ko pero kung totoo man yun, meron din naman palang magandang ugali ang Asungot na yun.

"Eh ang sama sama naman  po ng ugali nun eh. Di naman po kapanipaniwala ang sinasabi niyo." Masama naman talaga ugali nung Asungot na yun kaya gusto kong linawin.

"Di mo pa kasi masyadong kilala si Sir, mabait na bata yan, kalaro ko nga siya dati eh walang kaarte-arte sa katawan. Medyo may galit ata siya sa mga magulang niya. Di niya kasi halos nakikita ang mga magulang puro trabaho lang ang ginawa nun nila Maam at Sir. Sina Ma'am Mildred at Sir Juanito ang nagpalaki dyan nung bata siya, mas close nga niya ang mga lolo at lola niya kaysa sa mga magulang niya. At sa pagkakaalaam ko (tumingin siya sa paligid) kaya rin nagkaganyan si Sir Khian dahil sa isang babae." Kuya Betong

"At si..."

"Betong, Sophie pumasok na kayo dito sa loob magdidilim na!" Aling Merinda

"Oh sige po." Sabay naming sabi, sayang di ko na natanong kay Kuya Betong kung sino ang babaeng yun.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt