CHAPTER 48:NOT LIKE ME.

2.7K 46 1
                                    

KHIAN POV:

CHRISTMAS EVE

Bago palang magchristmas ay inayos na ni Sophia ang mga gamit niya at ipinunta sa kwarto ko dahil sa bahay kami magcecelebrate ng Christmas, kaya lahat ay dapat nakaorganisado.  Kung tatanungin ako kung ano ang sitwasyon namin ni Sophia. Ganun parin. Di parin nagbabago. Isang buwan na rin. Gusto ko sana magkaroon kami ng pormal na pag-uusap, ngunit sa tingin ko di parin siya handang kausapin ako. Di ko parin alam kung anong dahilan kung bakit siya ganoon kalamig sa akin. Pero sana magkaayos na rin kami kaagad.

*****

Masayang nagkakantahan, nagkwekwentuhan at nag-iinuman sila. Nasa labas kami ng bahay, I mean is malapit kami sa swimming pool. And2 sina Lolo, Lola, Mama't Papa, Mommy at Daddy, Elise, magulang ni Elise, si Johnny at pati na rin si Calvin. Marami kami ngayon sa bahay.

"Kamusta na kayo ni Sophie?" Tanong ni Papa habang hawak hawak ang isang shot glass

"Okay naman po." Pagsisinungaling ko. Alam ko man na mali pero ayaw ko silang bigyan ng alalahanin.

"Kapag may problema kayo ng anak ko, pwede mo naman akong kausapin pero kung meron lang naman. Pero sana hindi na umabot sa puntong magkaganun."

"Ano ka ba kumpare? Normal na yun sa mag-asawa." Sabat ni Dad.

"Alam ko kumpare pero sana malutas nila kaagad ang mga problema na hamon sa pagsasama nila dahil kung maliit na bagay lang ang pinag-awayan nila ay di pa nila kayang lutasin, pano pa ang malaking bagay?" Papa

"Pero ganun talaga ang mga nag-uumpisang mag-asawa dahil kumakapa pa sila sa kanilang pagsasama." Dad

Hindi ako mapalagay dahil sa mga pinagsasabi nila sa akin. Para kasing pinapatamaan nila ako.

Tinungga ko nalang ang natitirang alak sa baso ko. Nahagip ng mga mata ko si Sophia habang kausap si Lolo sa garden. Minsan di ko maiwasan na pati si Lolo pagselosan ko rin. Napakalaki ko kasing gag* at duwag, di ko man lang siya malapitan, sa takot na baka lalong lumayo siya sa akin.

*****

Natapos ang alas dose at napagdesisyunan na ng lahat na matulog. Syempre sa bahay rin natulog ang mga bisita. Buti nalang at may mga bakanteng kwarto. 

"Sige, dyan ka nalang matulog sa kama at ako nalang dito sa may sofa." Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto ayun agad ang sinambit ni Sophia.

Ewan ko pero may parang boses na bumulong sa akin para gawin ang isang bagay. Hinila ko siya at isinandal siya sa padre na kung saan malapit sa may pinto at iniharang ang mga kamay ko sa pagitan niya. 

"Bakit ba sa tuwing lalapit na ako sa kanya nagiging duwag ako? Ito na ang tsansang inaantay ko."

"Ano ba Khian? Anong nangyayari sayo? Lasing ka na ba?" Nakatingin ako ng matalim sa kanya.

Nakita kong tila medyo namamaga ang mga mata niya. Ngayon ko nalang ulit siya nalapitan ng ganito kalapit. Tila medyo may nagbago sa kanya, nangangayat na siya at medyo malalaki na rin ang eyebag niya. Di ko alam kung bakit? Pero ano nga ba ang alam ko sa kanya? Mismong ako ngang asawa niya di ko siya kilala ng lubusan. Asawa nga ba?

"Ano ba?" Nagpupumiglas niyang sabi.

Napansin kong di man lang niya kaya akong tingnan kahit isang sulyap lang. Ganun ba talaga siya kagalit sa akin? Ganun ba niya talaga ako kinamumuhian ngayon?

"Di kita papakawalan hanggang di ka tumitingin sa akin!" Utos ko. Alam kong unfair to sa kanya pero wala na akong maisip na ibang bagay para magkaroon kami ng pormal na pag-uusap.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now