CHAPTER 1:THE BEGINNING

20.9K 204 4
                                    

SOPHIA POV:

"Andito na ko,bawal na ko umurong. I CAN DO IT! Kaya ko to." Palapit na ko ng palapit sa kanya.

"Di naman talaga ako mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi ko kailangan. Ang hirap naman ngayon ng sitwasyon ko, bakit pa kasi sa kanya. Pwede naman sa iba. May kasunduan naman kami, babalik rin lahat sa dati!"

FLASHBACK:

"YES! TANGGAP TAYO!" Kakatapos lang tumawag sa akin ng kompanyang inaplayan namin ng bestfriend ko.

"Bes, ang galing-galing talaga natin nakapasok tayo sa sikat na kompanya ng mga Mercedez."

Ang ingay-ingay talaga ng bestfriend ko, akala mo naman nanalo kami ng lotto. Pero tama naman siya ang galing namin, iilan lang kaya ang nakakapasok sa kompanyang yun, ang hirap-hirap kaya makapasok dun. Kulang nalang pumasok ka sa butas ng karayom. Oo nga pala ang Mercedez Corporation lang naman ang nangungunang kompanya sa Asya at sobrang sikat nito. Kaya maraming taong nais makapasok sa magandang kompanya na gaya nito.

Ay, nakalimutan ko nga pala magpakilala. Ako nga pala si Sophia Vhinace Dela Vega, for short Sophie. I am 19 years old. I graduated Bachelor of Science in Business Administrator, Major in Marketing. Nagtataka kayo no? Kung paano ako nakagraduate sa edad ko,kasi ganito yun.

FLASHBACK:

"Mama, san po tayo pupunta?"

"Sa school,anak." Mama

"Ano po ang school?"

"Dun nag-aaral ang mga batang katulad mo anak. Sophie, anak mag-aaral ka na para habang bata ka pa may alam ka na." Nung unang sinabi ni Mama nun sa akin ay agad kong tinutulan.

Nung una di talaga ako payag kasi di ko kilala ang mga kaklase ko. May time pa nga noon na umiiyak ako sa school tapos hahabulin ko si Mama kapag iiwan niya na ko. Pero nasanay na ko nung katagalan. Yan ang kwenento sa akin ni Mama nang tanungin ko siya kung bakit mas bata pa ako sa mga kaklase ko.

At yun na nga sa ganun kong edad na apat na taon gulang nag-aral na ko, pero masaya rin palang mag-aral, nung naiintindihan ko na ang lahat-lahat. Simula nang magkindergarten ako hanggang magtapos ako ng college parati akong honor student. Ang galing ko no? Parating ako ang pinakabata sa klase namin at baka sa papasukan ko ngayong trabaho baka ako ang pinakabata. Naipaliwanag ko na ang pag-aaral ko, ngayon tutungo naman tayo sa family ko. Meron kaming negosyo pero maliit na negosyo lang naman yun, nagtitinda kami ng ibat-ibang klase ng bulaklak (akala niyo shabu binebenta ko no, hindi no! Mabait kaya ako. Hahahaha!) Sa totoo lang meron talaga kaming flowershop, pwede kayo bumili ng kahit anong klase ng bulaklak, kung may liligawan man kayo, para sa kasal ninyo, sa patay o kahit ireregalo niyo sa presidente. Mga FRESH ang mga binebenta namin kasing FRESH ko! Joke! Basta bili kayo ha! Just call my name and I'll be there to deliver my fresh flower just like me. I'm the only daughter in my family..

Si Elise naman siya ang bestfriend ko, kahit minsan may pagkabaliw yun, love ko yun. Ang full name niya ay Eliza Marie Bartolome, Elise for short. 20 years old na siya, kaya mas matanda siya sa akin. Yung mga magulang namin magkumare at magkumpare a.k.a. bestfriend. Magkapatid ang turingan namin sa isat-isa, wala kaming tinatagong baho sa isat-isa.(Wag niyong gawing literal ah) Meron rin siyang napakacute na kapatid na ang pangalan ay Johnny, ang cute niya talaga! Nosebleed lang ako dun kung minsan kapag nag-eenglish dinaig pa ako at yung Ate niya!Hahaha!

"Uy, Bes bakit nakatulala ka dyan?" Elise

"Ah wala lang may iniiisip lang ako"

ELISE POV:

Kanina ko pa tong kinakausap si Sophie. Di naman sumasagot. Itinaas ko na yung kamay ko malapit sa mukha niya at winagayway ko.

"Uy, Bes bakit ka na katulala diyan?" Tawag ko ng pansin sa kanya.

"Ah, wala lang may iniisip lang ako" Nang natauhan siya.

"Ikaw Bes nag-eemote ka na naman diyan." Sabay kiliti ko sa kanya, tawa kami ng tawa para kami kasing isip bata.

Dumaan na ang maraming oras na kasama ko si Sophie sa bahay nila, sobrang saya namin. Kulang nalang sa amin lovelife. Kailan kaya darating ang mga Prince Charming namin, yung gaya sa fairytale ni Cinderella, yung gwapong prinsepe. Kung kagandahan lang naman ang basehan para makakuha nang malaprinsepeng lalaki for sure unang una kami ni Sophie sa pila. Di ako nagmamayabang, unti lang. Ano bayan nagdadaydreaming ako.

Pano ba naman kami magkakaboyfriend, yung bestfriend ko kasi, siya lang naman ang pinakakonserbatibong babae na nakilala ko, di naman ganyan dati. Ewan ko baka tumatanda na yata. Haha. Wag niyo ako isusumbong ah. Kaya nga nahawa ako pero hindi naman masyado at dahil diyan wala pa kaming alam sa love love na yan. Kung baga kami ang prutas na di pa napipitas. Pero sana hindi naman kami maover ripe sa puno namin dahil di kami katakam takam. Hahaha! Joke lang po yun!

"Bes, tanong ko lang?" Mag-aalas siyete na pala, mga apat na oras na rin ako nakatambay sa bahay ni Sophie

"Eh, nagtatanong ka na nga eh" Sobra talagang makabarag tong babae to, sarap kutongan. Buti nalang magpasensya akong tao. Totoo yun, ayaw mo maniwala? Edi wag!

"Kailan tayo mag-uumpisa sa new work natin" Curious kong tanong sa kanya

"Wow! Makapag-english, ang galing galing mo Best. I'm so proud of you!" Ang galing talaga ng bestfriend ko mang-asar lalo tuloy akong naaakit para kutongan to, pigilan niyo ko malapit na akong mangutong. Ang OA two words lang ang inenglish ko parang buong sentence inenglish ko na.

"Bukas na tayo mag-uumpisa" Dugtong niya

"Ah, bukas?" Para akong nagulat, kala ko next week pa umpisa namin

"Oo bukas!" Walang emosyon niyang sabi

"Bakit di mo naman sinabi?"

"Ngayon ka lang naman nagtanong diba?" Tama naman pero ang bopols naman nito ni best

"Uwi na ko Bes!" Sabay besobeso ko sa kanya. Minsan sosyal din kami.

"Bye Bes, good night na. Maghahanda na ko para bukas!" Sigaw niya sa akin

"Okay, bye Bes! Night na rin! Kita kits nalang bukas, sunduin mo ko ah!" Pahabol niya

"Oh sige" Nakaalis na ko sa bahay nila, malapit lang naman ang bahay namin sa kanila. As in magkatabi lang talaga, pero may pagitan naman dahil dun sa harang. Joke, pero totoo yun. Kayo na umintindi sa pinagsasabi ko, pasensya na nababaliw na naman ako!

To be continue....

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora