CHAPTER 11:ELEVATOR

5.6K 85 1
                                    

KHIAN POV:

"Tuloy!" May kumatok sa pintuan.

"Good afternoon po Sir!" Pambungad na bati ni Sophia. Sophia ang tawag ko sa kanya para maiba naman kasi always ang tawag sa kanya ay yung palayaw niya.

"Why are you here?" Ngayon ko nakitang pumunta siya sa opisina ko. Marami siyang bitbit na mga gamit.

"Ako po kasi ang naassign na bagong secretary niyo." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"No! Baka nagkakamali ka lang?!" Natapatayo pa ako sa sobrang gulat.

"Eto talaga si Lolo walang kataste taste sa kinuhang sekretarya ng apo niya."

"Hindi po ako nagkakamali Sir. Kung gusto niyo ipabalik niyo nalang po ako sa dati kong department dahil parehas lang po tayo ng nararamdaman. Kung baga M.U tayo Sir dahil ayaw ko rin po maging sekretarya ng isang tulad niyo." Pagmamaldita niya. Sa ginawa niyang yun ay nakaisip ako ng good idea.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa na tila kinikilatis mabilis naman niyang tinakpan ang katawan niya.

"Bakit po Sir..." Nanginginig niya tanong na labis kong ikinatutuwa. Kung wala akong maganda at sexy na sekretarya na ibibigay si Lolo edi gawin ko ang gusto ko sa  kanya ang katuwaan siya.

"Ah ikaw pala ang bago kong Sexytary." Seductive kong sabi. Sexytary Sexy at Secretary, medyo nagulat yung mukha niya sa sinabi ko.

"Ako nga po." Matibay niyang sagot, ayan ang gusto ko matapang.

"Dito ka sa loob ng opisina ko magtatrabaho kaya ilagay mo na yang mga gamit mo sa kabilang table na yun." Sabay turo ko dun sa isang table na mga apat na hakbang ang layo sa akin. Pumunta siya dun sa table niya. Pero halatang halata na nagmamatapang lang siya sa harapan ko.

Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kaninang umaga, yung ginawa niyang salamin ang bintana ng kotse ko. Pagnaaalala ko talaga yun para akong sira ulo na tumatawa ng mag-isa. Kasi para lang siyang baliw na naligaw sa tapat ng kotse ko para magpacute.

Pigil na pigil akong tumatawa sa naalala ko sa kanya. Para akong sinisilaban sa pagpigil ko sa pagtawa.

"May problema po ba?" Tanong niya sa akin habang nag-aayos ng gamit niya. Baka iniisip nito ay nababaliw na ako.

"Ah wala, wag mo nalang ako pansinin." Natatawa pa rin ako. Para siyang clown na di ako binibigo na mapatawa sa tuwing naalala ko yun.

Mga 10pm na rin ngayon, pauuwiin ko na si Sophia. Marami rin akong pinagawa sa kanya kasi maraming natambak na trabaho dahil isang linggo na rin wala akong secretary.

"Sir, una na po ako." Pagod na sabi niya sa akin

"Oh sige." Sabi ko ni hindi tumingin sa kanya.

Lumabas na siya ng opisina. Dito nalang ako matutulog sa opisina kasi marami rin akong gagawin. Pero parang may naiwan siya sa table niya kaya minabuti kong puntahan yung table. Tama nga ako meron nga siyang naiwan yung wallet niya na Hello Kitty. Pambata yung itsura, isip bata ba talaga yun? Kaya kinuha ko na rin yung gamit ko para umuwi na rin kasi kung bukas ko pa ibabalik sa kanya yung wallet niya edi wala siyang pamasahe ngayon. Kaya mabilis akong tumakbo para maiabot sa janya ang wallet niya.

"Asan ba yung babaeng yun?" Hinihingal ko pang sabi. Di ko makita. Ang bilis naman niya mglakad

Tumunog ang elevator, tiningnan ko kung sino ang nandun at last nakita ko rin siya sa wakas.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now