CHAPTER 66: REVENGE

3.8K 51 1
                                    

SOPHIA POV:

Nasa tatlong linggo na rin nung araw na dinala ko sa bahay si Khian. Iniisip ko nga baka nagwawala na sa galit si Trixie ngayon eh. Lalo na tatlong linggo na di niya nakikita si Khian. Pero iniisip ko rin na bakit ako mag-aalala na kung galit siya wala naman siyang karapatan kay Khian.

Nagpacheck up na si Khian  at may nirekomendang gamot ang doktor para sa kanya upang mas mapabilis ang pagbalik ng kanyang alaala. Nang tanungin siya kung may ininom ba siyang gamot dati yung panahon na kasama niya si Trixie, ang sinagot niya ay wala raw.

Kaasar talaga yung Trixie Pusit na yun! Alam ko naman na di niya pinainom si Khian ng gamot na kailangan ni Khian para di na bumalik pa ang alaala ni Khian. Ganun siya kadesperado para mapasakanya si Khian. Sobra na talaga siya!

Nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon ng marami dahil nagkita na kami ni Khian kahit na hindi pa niya lubos kaming maalala sa ngayon ay nagpapasalamat parin ako dahil alam kong andyan siya para sa amin.

Sa ngayon may mga naalala na si Khian na ilang bagay gaya nalang nung magkasama kami noon gaya nalang ng nasa Guam kami, yung araw ng kasal namin, yung unang pagkikita namin at yung paggawa ng kontrata namin. May naalala na rin siya about kina Lolo't Lola pero sa mga magulang niya wala pa. Naawa nga ako kina Mommy at Daddy dahil dun sapagkat parang nadismaya sila.

Alam nating marami silang pagkukulang pero bumabawi naman na sila kaya sana naman maalala na ni Khian ang mga magulang niya. Kay Trixie naman ang tanging naalala ni Khian ay yung pagpanggap ni Trixie na siya si Lollipop Girl na ako naman talaga. Pero pinaliwanag ko naman yung mga naalala niya. Di niya pa naalala yung ingkwentro namin nung araw ng birthday ko at yung araw rin na kung san siya naaksidente.

Kay Calvin naman ang tanging naalala niya ay may gusto sa akin si Calvin sa akin kaya nagseselos ng nagseselos. Ewan ko nga ba? Alam ko naman na nagseselos siya pero bumalik na naman ang pagiging Khian niya noon, tumatanggi pa. Ayaw pa umamin. Di gaya nung wala pa siyang naalala halos ipangalandakan na nagseselos siya. Haist. Bumabalik na nga ang dating Khian!

Sa kompanya naman hindi pa siya pinapayagan ni Lolo na bumalik sa ngayon dahil na rin sa di pa siya fully recover, may malaking krisis din ngayon na kinahaharap ang kompanya pero napagdesisyunan na ni Lolo na huwag munang sabihin yun kay Khian baka mastress lang daw. Isa sa mga pwedeng magpawala ng krisis ng kompanya ay ang pagmemerge ng Mercedez Corporation at ang Kingdom Company na pagmamay-ari ni Mr. Co na ama ni Trixie. Pero sa tingin ko ay hindi na yun mangyayari dahil sa mga nangyari sa aming tatlo nila Trixie. Kaya ginagawa ni Lolo ang lahat para maayos ang kompanya.

"Oh Khian?" Nagulat ako ng pumasok siya sa kwarto ko dahil marami akong iniisip ngayon.

"Parang marami kang iniisip." Tumabi siya sa akin sa kama, parehas kaming nakaupo.

"Ah wala naman. May naalala lang ako." Pagdadahilan ko.

"Okay." Humiga siya.

"Oh bakit humihiga ka dyan?"  Nakatingin ako sa kanya.

"Bakit bawal ba?"

"Baka dito ka na naman matulog ah. Tapos baka kung anu ano naman ang iisipin mo dyan!"

"Bakit may kailangan ba akong isipin?" He said it in a sexy voice.

Umupo siya at tiningnan ako na di ko kayang tagalan ang mga tingin niyang yun. Masyadong mapang-akit. Sa ginagawa niya naalala ko tuloy ang pangako ko kay Lolo. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa ginagawa niya.

Napailing nalang ako dahil gusto ko paein maging aagrado ang tunay na kasal namin ni Khian.

"E~~wan ko sa~yo Khian!" Tatayo na sana ako kaso hinawakan niya ako.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now