CHAPTER 30:HE IS MY SUITOR

3.4K 64 1
                                    

CALVIN POV:

"What do you want?" -Tinanong ko si Sophie kung ano ang gusto niyang kainin. Alam ko naman na hindi pa siya kumakain eh.

"Kahit ano nalang."-Parang kanina pa siya wala sa mood.Parang may nangyari.

"May pagkain ba ganun?" -pagbibiro ko nalang.

"Hahaha. Okay kung ano sayo.Ayun nalang rin ang akin."-Sa wakas tumawa rin siya kaso parang hindi parin natural ang tawang yun.

"Oh sige diyan ka muna."-Paalam ko kay Sophie kasi mag-oorder muna ako sa counter. We're here in Jollibee. Di ako sa kuripot pero eto kasi ang gustong kainan ni Sophie. Makakatangi ba ako sa kanya.

"This is your order Madam."-Pagbibiro ko sa kanya habang nilalapag ko ang tray.

"It's my pleasure."-Pabukas palang ang labi niya na alam ko naman ang ilalabas nito ay ang salitang Thank You! Sinagot ko na agad.

"Ang active mo naman di pa nga ako nakakapagthank you.Nasagot mo na agad."-Umupo na ako sa tapat niya.

"Umm. Ang sarap talaga ng mga pagkain nila dito."-Sarap na sarap siya sa pagkain niya ng Hamburger.

"Favorite mo talaga ang pagkain nila dito no? Kahit nung mga bata pa tayo."-ako

"Ewan ko ba eh ang sarap ng pagkain nila dito pero talaga kahit bata palang tayo favorite natin to?"-Ang pagkakaalam ko kasi nawala ang alaala ni Sophie nung bata pa kami nang mabunggo ang bisikleta na gamit niya. Buti nga naalala niya pa ako eh. Kung hindi baka sobra ang pagsisisi ko na sumama ako kina Mommy at Daddy sa ibang bansa.

"Yes. Kapag nasa labas nga tayo kasama ang Mama't Papa mo.Kapag tinatanong ka namin kung saan mo gusto kumain parati ang sagot mo ay sa Jollibee."-Sagot ko agad sa kanya.

"Ah. Oo nga pala anong gusto mong sabihin sa akin?"-Itinigil niya ang pagkain ng burger niya at nakatingin sa akin.

   This is it! This is the time to tell her that I love her. That I know about the contract and if I can court her. It's my chance. I also called Khian for this chance.

**************************

"Hello bakit ka napatawag?" -tanong niya agad sa akin ng sagutin niya ang tawag ko.

"Can you gave me time to talk with Sophie?"-ako

"It's okay. But what is all about?"-siya

"Ngayon ko na sasabihin sa kanya na gusto ko siyang ligawan. It's okay to you?"-ako

"Yes---yes of course!"-Tapos binababa niya kaagad.

****************

"Uy. Tol?"-Bigla akong nahimasmasan ng marinig ko ang boses ni Sophie. Nakatitig ako sa kanya nung oras na yun.Nasa isa kaming park ngayon.Nakaupo kami sa isang bench.

"Huh?"-ako

"Ikaw ha baka may gusto ka sa akin kaya tinitigan mo ako kanina no? Hahahaha!"-Natatawa niyang sabi.

"Yes. I do"-Ayun yung pagkakataon na nagkaroon ako ng lakas ng loob.

"Huh?"-Napahinto siya sa pagtawa. Di ata makapaniwala sa narinig niya.

"I said I like you. No I'm wrong. I love you so much Mrs Sophia Vhinace D. V. Mercedez."-Nilakas ko ang boses ko para lang marinig ng buong mundo ang nararamdaman ko sa kanya.

"Huh? Pero--ano--eh."-Pahinto hinto niyang sabi. Ang lakas ng tibok ng puso sa takot na baka tanggihan niya ako sa sinabi ko sa kanya.

"Alam ko lahat Sophie I know about the contract and I know that your marriage with Khian is just a contract thingly. I know that you and Khian doesn't love each other."-Mabilis kong pag-amin sa kanya

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now