CHAPTER 52: SEDUCTION

3.5K 41 1
                                    

SOPHIA POV:

Unti unti kong nilingon yung lugar na kung saan galing ang ingay. Nang mapagtanto ko kung ano ang nalaglag, mga susi at kung kanino galing yun ay parang gusto kong kainin ng lupa sa sobrang kahihiyan. Nakakahiya talaga sobrang nakakahiya! Nakita pa talaga niya kami sa ganitong sitwasyon. Haist.

"Sorry Sir, Maam. Di ko po sinasadya." Nakayukong sabi ni Mang Ben, hardinero namin. Halatang nanginginig pa siya sa takot.

Nagmadali akong ayusin ang sarili ko. Magulo na pala ang buhok ko. Di ko maiwasan na di tumingin kay Asungot na isa rin na magulo ang buhok. Kalmado siya na parang walang nangyari. Di ko maisip kung san niya yun nakukuha yung pagiging kalmado. Kasi kung ako yung tatanungin para na akong hypervoltage na sasabog na kahit anong oras. Alam kong pulang pula na ako sa sobrang kahihiyan sa nakita ni Mang Ben.

"It's okay. Why are you here?" Mabilis akong umalis sa tabi ni Asungot at pumunta ng mesa para kunin yung bag ko at umakyat na para matanggal ang kahihiyan na bumabalot sa akin ngayon.

"Gusto ko sanang kausapin kayo Sir, kaso parang busy po ata kayo at sa tingin ko nakaistorbo pa po ako." Lalo akong nagmadaling maglakad paakyat sa hagdanan.

Di ko na narinig pa sinasabi ni Mang Ben kay Asungot. Pagkaakyat ko sa aking kwarto ay nilock ko ang pinto dahil baka makapasok yung Asungot na at napahiga sa kama.

"HAAAAAAAAAAH!" Sigaw ko

Nang matanggal ang stress ko. Kainis sobra! Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kahihiyan sa buhay ko. Bakit sa ganung sitwasyon pa talaga niya kami makikita.

"Makaligo na nga lang." Bulaslas ko sa sarili ko.

Pumunta na akong banyo para maligo. Habang naliligo ay naalaala ko ang nangyari kanina. Napahawak ako sa aking labi na kanina lang ay hinalikan ni Asungot, di ko maiwasan na kiligin. Half Bath lang ang ginawa ko kaya mabilis lang. Lumabas ako ng nakatuwalya dahil sa pagmamadali kong maligo ay nakalimutan kong maghanda ng susuutin.

"Anong ginagawa mo dito?!" Nakasigaw kong tanong kay Asungot.

Nakaturo ako sa kanya dahil sa pagkagulat na makita siya na nakaupo sa aking kama habang titig na titig sa akin. Alam kong nakalock ang pinto bago ako naligo. Nakangisi siyang nakatingin sa akin at unti unti siyang lumapit sa akin. Mula taas pababa ang tingin niya sa akin. Naiilang ako sa ginagawa niya, nakatuwalya kaya ako, feeling ko hinuhubaran niya ako sa isip niya. Sorry kung ganun ang iniisip ko pero yun talaga ang naglalaro sa isip ko. Kinakabahan na ako sa presensya niya.

"Naligo ka ba para sa akin?" Bulong niya sa akin nang nakalapit na siya.

Amoy na amoy ko ang hinihinga niya at ang bango nito. Ramdam ko ang ngisi niya habang nasa gilid ng mukha ko ang mukha niya.

"Baliw! Anong sinasabi mo?" Nanginginig na ako sa kaba kung ano ang gagawin niya.

Ewan ko kung bakit pero ganun ang nagiging epekto niya sa akin. Nakahawak ako ng mahigpit sa tuwalya na nakapulupot sa aking katawan. Baka matanggal ito at kung matanggal nga makikita niya na ang lahat sa akin dahil wala akong suot na kung ano sa loob.

"Dug dugs dug dugs!" Mabilis na tibok ng puso ko.

Parang gusto nitong lumabas sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito parang hinahabol ng maraming kuneho sa bilis.

"Gusto mo ba ituloy ang ginagawa nating kanina?" Titig niyang sabi sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ang ano?" Pagmamaangmaangan ko, hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя