CHAPTER 7:HAPPY BIRTHDAY MY TOL!!!!!

6.5K 85 1
                                    

SOPHIA POV:

Linggo ngayon, buti nalang wala akong pasok ngayong araw sana makapagpahinga ako pero andito ako sa baba ng bahay namin nagbabantay ng Flower Shop. Pinagbantay kasi ako nila Mama't Papa, nagdate ata! Wala naman akong magawa kasi inutos nila. Dahil na rin ata mabait akong anak pumayag ako kahit nakakapagod. Pinupuri ba naman ang sarili?

Si Elise ayun ang sarap ng pagpahinga sa loob ng bahay nila hayahay ang buhay! Nakakainggit!

Okay lang naman ako magbantay kasi favorite ko naman ang mga bulaklak. Kahit paano nawawala ang pagod ko kapag nakakakita ako ng bulaklak. Kinalakihan ko na kasi yun, kaya ganun.

"Good Morning Ma'am?" May pumasok na kasi na customer nun

"Miss meron po ba kayong bulaklak para sa mag-asawa?" Customer

"Meron po, tingnan niyo po tong daisy, ang meaning po nito ay Loyal Love or Rose po ang meaning po ay love." Habang pinapakita ang list ang mga flowers.

"Ito nalang na daisy, ate" Customer

"Ito po Ma'am." Binigay ko yung bouquet ng daisy sa kanya at nagbayad na siya

"This your change Ma'am. Thank you. See you Ma'am." Habang inaabot ko sa customer ang sukli may pumasok na naman na customer

"Good morning Sir!"

"Hello, Sophia dito ka pala nagtatrabaho?" Hay andito na naman tong si Asungot, feeling close lang sa akin, no?

Siya lang naman ang dakilang pinsan ni Calvin, si Khian "Asungot" Mercedez. Hindi na Kuya Kapal ang tawag ko sa kanya dahil kilala ko na siya sa pangalan at sa kakapalan ng mukha di pa rin naman nababawasan pero siya na ang dakilang ASUNGOT ng buhay ko. Parang ewan lang tong lalaking to.

"Ano ba ang pake mo?" Sinusungitan ko siya. Lumabas na yung customer ko kanina.

Baka kung andito sina Mama't Papa baka nakutusan na ako ng mga yun dahil ang bastos ko sa customer. Kaso hindi naman kagalang galang ang lalaking nasa harapan ko.

"Ang sungit mo na naman sa akin Sophia!" Pasweet pa niyang sabi

"Hindi, sayo lang!" Sarkastikong kong sagot

"Friends na tayo diba?" Ang kapal naman nito feeling close lang ang peg!

"Hindi ako nakikipagkaibigan sa manyak no?" Mahina lang yun para di niya marinig.

"May sinasabi ka?" Nakangiti niya pang tanong habang sinisiyasat ang mga bulaklak na nakapaligid.

"Sabi ko po SIR ano po ang order niyo?" Kapag nakikita ko tong lalaking to. Para akong nag-eevolve sa pagiging halimaw.

"Give me a bouquet for a lady!"
Para na naman ata to sa isa niyang biktima! Hay kawawa naman.

"Ano po ang ilalagay ko?" Pagiging mahinahon ko.

"For my Love Mildred ♥" Dapat daw my heart pa, may for my love for my love pa ang manyakis naman talaga nito. Lalo tuloy napaghahalataan. Di man lang nahiya na ipagkalandakan niya na may babae siya.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now