CHARTER 3: LOVE AT FIRST SIGHT

9.9K 109 3
                                    

KHIAN POV:

Nakakainis talaga ang araw ko ngayon. Una nasiraan ako ng sasakyan, ang tanga kasi ng driver ko. Hindi muna chineck ang makina ng kotse bago kami umalis. Buti nalang mabait pa ako at di ko siya pinatanggal. Pangalawa may tumawag sa akin, yung secretary ko tumawag siya para sabihin na may urgent meeting kami. At pangatlo ang dumagdag pa sa kinaiinisan ko bago ako makapunta sa meeting ko. I encountered two girls on the street dahil nagmamadali ako, dahil sa urgent meeting namin, inagaw ko yung taxi na pinara ng isang babae dahilan para sinigawan niya ako.

Diba niya ako kilala? Ako lang naman si Khian Mercedez, CEO at apo nang chairman ng Mercedez Corporation. I am 26 years old, binatang binata at available na available. Ako ang pinakagwapong apo ni Lolo. Matalino, gentleman at mabait. Matalino ako kaya nga ako ang naging CEO ng kompanya, gentleman, depende sa itsura ng babae at mabait depende rin yan.

Nakakainis talaga ang dalawang yun, kala naman nila ipapaubaya ko sa kanila yung taxi. Akala ko nagdaan na ang panahon pero yung isang babae yun na todo sigaw sa akin pinaglipasan na ng panahon. Di naman sa mukha siyang matanda dahil dun sa style niya sa pananamit sobrang konserbatibo, mukha ngang tagabundok. Yung suot niya yung palda na lagpas tuhod at nakapolo pa. Feeling ko yung babaeng yun galing sa pinakatagong isla ng Pilipinas dahil sa panunoot niya. Akala mo wala pa siyang nakikitang mga makabagong damit ngayon. Di nalang nagpantalon. Tapos ang ingay-ingay pa sarap humingi nga kanina ng tape para tape-pan ko ang bunganga ng babaeng yun. Pero nakabawi naman ako kasi sinigawan ko nga. Tameme nga siya sa akin eh, para nga siyang istatwa sa daan. Pagawan ko siya ng rebulto dahil sa bunganga niya.

Tama na nga ang kwento andito ako ngayon sa meeting at inaantay namin ngayon si Lolo.

"Good Morning Everyone!" Lolo, nagsitayuan kaming lahat. At last dumating na to si Lolo.

Nakakainis talaga to si Lolo kung makapanamit siya, akala mo di siya isang chairman ng kompanya. Walang kaalam alam sa fashion. Ang tanda na pero matigas parin ang ulo. Kahit na itrato ayun sa katungkulan niya ay ayaw niya kaya kahit maraming dala ay mas gugustuhin niya pang dalhin yun kahit matanda na siya. Kaya siguro nalate siya, 20 minutes rin siyang late. Di makaangal ang iba dahil siya nga ang chairman siya ng kompanya.

"Lets start!" Lolo, parang masaya ngayon si Lolo ah minsan ko lang siya makita ng ganito at yun nga nag-umpisa na kami ng discussion. Ang pinag-usapan lang naman namin kung paano mas mapapataas ang sale ng kompanya. Matagal tagal na rin ang discussion.

"Mercedez Corporation is one of the greatest dealer of different car in the Asia. We have many branches around the Asia." Lolo, tapos na rin ang meeting namin.

May tumatawag sa akin at nang tingnan ko yun, ang pinsan kong si Calvin.

"Whats up?"

"Miss na kita bro!" Ramdam ko ang pandidiri niya sa sinasabi niya ngayon.

"Ul*l, nababakla ka na naman sa akin but I understand kasi mahirap na magkapinsan ng isang gwapong katulad ko!" Sabay kaming natawa sa sinabi ko.

"Kalma lang di tayo talo!" Natatawa pang sabi nito.

"Bakit di ka pumunta ng meeting kanina, tuloy walang representative sina Tita at Tito"

"Hinatid ko kasi sina Mommy at Daddy kanina."

"Umalis pala sina Tito't Tita kanina? Bakit di mo sinabi di sana nasamahan kita."

"Hindi na. Diba nga may meeting kayo kanina? Nagpaalam na ko kay Lolo kanina."

"Kita tayo ngayon."

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now